Biglang hinila ng mga kawal na itim si Leon papasok dun sa isang portal na bigla nalang lumitaw, nawala na din si papa.
"Si Leon asan nila dinala si Leon"
Umiiyak kong sigaw habang yakap yakap ako ni Lance. Hindi ko alam kong saan namin hahanapin si Leon.
"Asan si Cristel?"
Hinihingal naman na tanung ni Kuya ng bigla nalang silang lumitaw sa taas. Nakita nila kaming nasa ilalim na kasama si Lance.
"Kuya si Leon. Kuya kinuha nila si Leon. Saan natin hahanapin si Leon. Kuya."
Hinahampas ko.yung dib dib ni kuya habang sinisikap naman nyang patahanin ako. Ayaw tumigil ng luha ko sa kakalabas dahil nag aalala ko kay Leon. Ang buong akala ko ako ang hinahap nila yun pala si Leon. Anung gagawin ni Rico kay Leon. Ang daming tanung na napasok sa isip ko pero hindi ko rin naman mahagilap yung sagot.
- - -
"Cristel mag pahinga na muna tayo"
Nag tago kami ngayon sa batis na dinadaanan ng mga tao sa mundo namin papunta sa mundo ng mga tao. Gumawa sila Trina at Trixy ng harang sa tinutuluyan namin para hindi kami makita ng kahit sino pero nakikita namin sila.
Nakatulala pa rin ako ngayon sa kakaisip kung paano ko ulit makikita si Leon. Wala akong maisip na magandang gawin.
Wala akong maisip na paraan para man lang makita si Leon o kung paano ko sya maliligtas."Cristel."
"Cristel"
"Cristel "
"CRISTEL"
sigaw nilang lahat sakin.
"Pinapairal mo nanaman yang pagiging makasarili mo? Ikaw mag liligtas? Ikaw mag isa? Sa tingin mo kaya mo?"
Galit na galit na sigaw sakin ni Trina. Dahil sa sobrang galit nya sakin natahimik si Lance, kuya at Trixy.
"Trina bakit ka ba nagagalit sakin?"
Hindi lang sya sumagot. Pumunta na sya dun sa pinaka mataas na parte ng puno para mag pahinga. Napabuntong hininga nalang sila Kuya at Lance. Lumipas yung mag damag ng hindi ako nakatulog.
"Leon I'm so sorry, akala ko ako yung hinahabol nila. Akala ko ako lang yung kailangan nila. Dahil sakin nadamay ka pa. Leo---- Leon. Leon."
Nagising sila kuya sa sigaw ko kaya nag madali silang lumapit sakin.
"Cristel sinung kausap mo?"
"Kuya pinakausap ni Rico sakin si Leon, asa bundok sila pero hindi ko alam kung saan. Kuya puntahan natin si Leon please Kuya... Please"
"Oo pupuntahan natin si Leon basta ayusin mo yung sarili mo."
Tumingin sya kay Trina at bumalik ng tingin sakin.
"At ayusin nyo ni Trina yung gusot ninyo."
Nag katinginan kami ni Trina pero sya yung unang umiwas ng tingin. I really don't have any idea kung bakit sya nagagalit sakin.
Hindi ko rin naman kayang tiisin si Trina."Trina anu bang ikinakagalit mo sakin? Alam mo naman yung dahilan ko kung bakit ko to ginawa diba? Bakit ka ganyan sakin ngayon?"
"Alam ko at pinipigilan kita. Pero napakatigas nyang ulo mo. Bakit Cristel? Sa tingin mo madali para kay prinsepe Michael at Trixy pati kay Lance na makitang wala si Leon. Sa tingin mo natutuwa akong makita kang ganyan?"
Tumalikod agad sya sakin. Kaya yumakap agad ako sa kanya. Dati noong mga panahong andito pa kami, nayakap lang ako kay Trina kapag nasasaktan na ko.
"Trina sorry na. Sorry na talaga."
Miya miyang konti narinig kong nag tatawanan sila Kuya, Trixy at Lance. Nakapikit ako habang yakap ko si Trina kaya hindi ko alam yung dahilan ng pag tatawanan nila.
"Trina wag ka na mag drama jan, look at her she definitely learned her lesson."
May narinig akong papalapit samin ni Trina pero sa harapan nya huminto. May pumatong na mga kamay sa kamay na pinapangyakap ko kay Trina I'm its Lance.
"Honey patawarin mo na si tita. Look at your self puting puti ka na dahil sa pagpigil mo jan sa emotions mo."
Narinig ko na lang na humagulgol na din si Trina payakap sakin kaya naiyak na rin ako. Hindi ko naman kasi kayang tiisin na wala si Trina sa tabi ko or kahit andito man sya galit naman sya sakin. Habang nag iiyakan kaming dalawa biglang nabasag yung spell nila na nag haharang samin sa mga kalaban.
"Trina bantayan mo si Cristel"
Utos ni Kuya. Napapaligiran kami ng mga itim na kawal ni Rico at lahat sila may hawak na babasaging bote na may iba't ibang kulay sa loob.
Naalala ko lang bigla yung nabasa ko dun sa librong kinuha ko dati sa aklatan ng kaharian at dun sa librong pinasulat sakin ni Trina.
Gumagawa sila ng isang makapangyarihang orasyon na mag dadala samin sa mundo o.lugar na gusto nila kaming mapunta. Yun yung ginagawa ng mga kawal ni Rico.
Pero saan namin nila kami dadalhin? Tanung ko sa sarili ko.
"Dadalhin ko kayo sa kinalalagyan ngayon ni Leon"
Kinakausap ako ni Rico gamit yung isipan naming dalawa. Hindi ko maisip kong paano nyang nagawa yun dahil sila kuya, trina at Leon lang ang nakakagawa nun sakin.
"napaka walang hiya mo talaga Rico"
Natawa lang sya sa sinagot ko at bigla na syang nawala.
BINABASA MO ANG
My Melody (COMPLETED)
FantasyMaraming tao ang gustong maging princess. Little did they know the reality of being one. Meet Cristel, a princess from a different dimension na napunta sa mundo ng mga tao para maiwasan ang nakatadhang kapalaran nya bilang prinsesa. Meet Leon, a pri...