Nag simula ng umakyat sa ulo ko yung init nararamdaman ko. Sa bawat halik na ginagawa nya sa parte ng katawan ko dumo doble ng dumo doble yung init na nararamdaman ko. Hindi ko na kayang pigilan.
Tumayo sya sa ginagawa nya. At saktong sakto yun dahil hindi ko na magagawang pigilan yung apoy sa bibig ko.
Lumabas lahat ng galit ko dahil sa kababuyang ginawa nya sakin. Nasunog yung kabilang parte ng mukha nya hanggang sa braso nya. Nakikita ko kung panung umuusok yung laman nya at ikinakatuwa ko yun."Hindi ko ibibigay ang bagay na hindi para sayo."
Kinalag ko yung sarili ko sa pagkakatali nya. Hinila ko rin yung tali ng kurtina sa tabi ko para isakal sa kanya. Kung hindi ako ang kailangan nila. Kailangan kong malaman kung sino.
"kung hindi ako ang tinutunton nyo. Sino?"
"hindi ko sasabihin yun sayo."
Nasusuka nyang sagot dahil sa ginawa kong pag sakal sa kanya.
"Kung hindi mo sasabihin sakin pwes mamatay ka talaga."
Kayang kong gamitin yung kakayahan ko ng walang limitasyon dito sa mundo ko. Pinag aralan lang nya yung kapangyarihan nya. Hindi yun regalo sa kanya kaya mas malakas ako. Kung hindi sya nilabanan nila Papa ako lalaban ako sa kanya.
"ibalik mo ang kaharian sa dati."
"hindi ko rin yun gagawin"
"hayop ka talaga."
"akala mo ba matatalo mo ko?"
"pinag aralan mo lang yung kakayahan mo. Kaya kayang kaya ka namin"
"hindi nga ako nagawang labanan ng mga magulang mo. Ikaw pa kaya?"
Tumalsik ako sa pader dahil sa ginawa nya. Inalis na yung pag kakatali ko sa kanya at ngayon nakasalampak ako sa sahig ng walang maayus na suot.
"Wag ka ng lumaban dahil mas malakas na ko sa inyo."
"Yun ang akala mo Rico"
Napalingon si Rico sa boses na nag salita. Kahit ako nagulat ako dahil hindi ko naisip na susundan nila ako rito.
"Kuya?"
Sinagot lang ako ni kuya ng masama nyang tingin sakin. Hinatak ko yung kumot na malapit sakin para ipantakip ko sa katawan ko. Sa kabilang parte ng pangyayari hindi ko naisip na gagawin yun nila Kuya.
"Mahal ka namin kaya kami nandito, pero masyado kang makasarili na akala mo kaya mong sulusyunan lahat ng problema."
Lumitaw si Trina at Trixy sa harapan ko. May dala dala silang damit na gawa sa bakal. Hindi ko napansing katulad ng dala nila yung damit na suot ni kuya. Sinubukan kong hanapan kung sino pang kasama nila.
"wala si Leon, nasa baba sila ni Lance"
"andito kayong lahat?"
"Oo dahil hindi kami makasarili"
Galit na sagot ni Trina. Umalis na sila sa harapan ko at lumipat sa likod ni Kuya. Naiwan akong nakasalampak pa rin sa sahig. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa mga nangyayari.
Ang akala ko lang naman, ako ang kailangan nila. Akala ko kapag bumalik ako magiging Ok na. Pero sa pag balik ko pala ganito na ang nangyari kala Mama at Papa, sa mga tao. Naiyak nalang ako sa mga bagay na tumatakbo sa utak ko.
Biglang bumukas yung pangalawang pintuan ng kwarto ko.
"Cristel"
Sigaw ni Leon papalapit sakin.
Hindi ko na magawang lumaban sa nararamdaman ko kaya umiyak na lang ako. Habang yakap yakap nya ko nag lalaban sila Rico at Kuya. Hindi nakikialam si Trina at Trixy. Inilabas ako ni Leon sa kwarto at nakasalubong namin si Lance."Kuya tara na."
Hinila nila ko pababa dun sa kwarto ni Kuya.
"pero panu sila kuya?"
Hindi naman nila ko pinapansin pero nararamdaman kong may mga matang naka masid samin. Pag dating namin dun sa pintuan.
"Ikaw na ba ang apo ko?"
Tanung ni Papa kay Lance. Hindi ko magawang pigilan yung galit na nararamdaman ko kaya inilayo ko si Lance.
"wala kang mapapalang maganda sa taong yan Lance."
"Ate is He my grand father?"
"Yes Lance"
Malungkot kong sagot. Pero hindi naman kasi kami matutulungan ng Tatay ko.
"Cristel patawarin mo ko"
"huli na ang lahat."
Kung kanina sila Lance at Leon ang nagunguna sa pag lalakad ngayon ako nama na yung humila sa kanila pero hinarangan kami ng mga kawal na kulay itim wala silang mga mukha pero naka korte silang tao.
"Lance wag mong hahayaang makuha nila si Cristel"
Utos ni Leon kay Lance kaya habang nakikipag laban sila dun sa mga kawal na itim asa likod lang ako ni Lance. Pero kahit anung gawin nilang pag hampas ng espada sa mga kawal hindi tinatamaan yung mga kalaban nila. Gawa yung mga kawal na itim sa usok na itim kaya hindi nila matamaan at masira dahil sa tuwing gagamitan nila ng espada naglalaho lang yung mga kawal.
"Hindi nyo sila matatalo Cristel kaya isuko nyo nalang ang anak ni Rico"
Malungkot na paalala samin ni Papa. Nag tinginan kami ni Lance kay Leon. Si Leon naman humawak lang sakin
"Bakit ako?"

BINABASA MO ANG
My Melody (COMPLETED)
FantasyMaraming tao ang gustong maging princess. Little did they know the reality of being one. Meet Cristel, a princess from a different dimension na napunta sa mundo ng mga tao para maiwasan ang nakatadhang kapalaran nya bilang prinsesa. Meet Leon, a pri...