Chapter 29

428 12 0
                                    

"Hindi ko pwedeng sabihin sayo ang lahat Cristel, labag na sa batas naming mga diwata yung bagay na yan. Ang masasabi ko lang. Merong taong nag hihintay sayo"

"Pero Trina nasakit na ang ulo ko. Nalilito na ko ng sobra sa mga napasok sa isip ko. Merong isang lalaki na parating napasok sa isip ko pero hindi ko sya kilala. Pakiramdam ko matagl ko na syang kilala. Trina please maawa ka sakin. Ayoko ng nararamdaman ko."

Napaupo nalang ako sa higaan ng kwarto ni Kuya. Asa loob na ako ng kwarto ng kuya ko. Katulad ng nasa panaginip ko. Ito nga yung itsura nung kwarto.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Ayokong isiping nababaliw na ako dahil hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit. Nakita ko si Trinang nalulungkot.
Alam kong gusto nyang sabihin pero hindi ko alam kung bakit hindi nya ginagawa.

Pinag patuloy ko na lang ang pag libot sa kwarto ni Kuya at ng hindi ko makita ang dahilan kung bakit ako nandun bumalik na ako ng palihim sa kwarto ko. Sumusunod pa rin si Trina sakin pero ramdam na ramdam ko yung lungkot nya.

- - -

"Trina sa panaginip ko ang sabi ni Kuya marami pa daw akong dapat matutunan tungkol sa mahika. Alam mo ba kung paano yun?"

"Oo, pero masyado yung malauo rito sa kaharian para mapuntahan."

"Ibig sabihin alam mo nga? Gusto kong pumunta ron. Sa panaginip ko ang lakas na ni Kuya. Nagagawa nya yung mga bagay sa lugar nya."

"Pero mag kaiba kasi kayo. Lalaki sya at panganay sya kaya nya yun nagagawa."

"ibig sabihin wala ng paraan para matuto ako ng ginagawa ni Kuya?"

"Meron pa naman Cristel"

Natuwa ako sa sinagot nya. Kaya bumangon ako at lumapit sa kinauupuan nya.

"Paano?"

"Ganito"

Kumuha sya ng punyal atsinugatan yung sarili nya. Hindi nasasaktan si Trina sa mga natatamo nyang sugat. Dahil isa syang diwata, meron syang sariling paraan ng pag papagaling sa sarili nyang sugat. Pinatulo nya yung dugo nya sa isang dahon at nilamukos nya. Pag buka nya ng kamay nya. Isang pirasong talulot ng bulaklak yung lumabas.

"Kainin mo yan"

Ginawa ko nga yung sinabi nya.
Naramdaman ko sa loob ng katawan ko yung malalamig na bagay na dumaloy sa loob ng ugat ko at naramdamdaman ko naman sa loob ng utak ko yung pinag halong lamig at init.
"Humiga ka lang. Mamaya mawawala rin yan"

Dinala nya ko sa higaan ko. At hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

- - -

"Cristel ngayon mo na makikilala yung prinsepeng papakasalan mo"

Nagising ako sa sinabi sakin ni Trina. Nitong mga nakaraan nakikita kong hindi ganun kasaya si Trina. Hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit eh.

Yung mga panaginip ko lahat sila parang nangyari talaga. Pero sabi ni Trina hindi nya daw pwedeng ibalik yun sakin.

"Anu bang nagawa ko?"

"Sinabihan na kita na wag mong gagamitin yung kapangyarihan mo nung nandun ka. Pero masyado mo syang mahal kaya kahit sinabihan kita tuloy tuloy ka pa din"

Napatingin nalang si Trina sa malayo. Hindi ko talaga sya maalala. Yung Leon o kung sinu pa. Si Kuya at Trina lang ang naaaalaa ko. Maliban dun wala na.

"Meron bang ibang paraan para maalala ko sya? Trina nahihirapan na ko. Parati nalang akong nagigising sa gabi at hinahanap yung hindi ko naman kilala."

"Cristel kung gusto mong maalala kailangan mong bumalik sa mundo nya. Pero panu mong gagawin yun? Kung hindi mo naman sigurado kung maalala mo pa sya."

Humiga nalang ulit ako dahil sa sinabi ni Trina. Tama nga naman sya. Hindi naman ako sigurado kung maalala ko pa yung lalaking parating laman ng panaginip ko. Kung babalik ako sa lugar na yun hindi ko din alam kung naalala nya pa ba ko.

"Naalala ka pa nya. Cristel nandun pa rin naman ang katawan mo. Panaginip mo lang din to."

Napatayo ako sa sinabing yun ni Trina. Ayokong ikasal sa lalaking ni minsan hindi ko naman nakilala. Hindi ko rin naman siguradong maaalala ko pa sya pero ang alam ko lang sa ngayon gusto kong maka alis rito.

My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon