"Sir may mga pending application po tayo."
Tinignan nya lang ako ng masama at bumalik sa ginagawa nya.
"Don't call me Sir Mrs Frylle."
"nag bibiro lang kanina k pa kasi seryosong seryoso dyan eh. Kulang nalang halikan mo. Sige na makikipag hiwalay na ko kung mas mahal mo na yan."
Bigla akong namula sa pag address nya sakin. Matagal nang kami ni Leon pero hindi pa naman namin napag uusapan yung about sa ganung bagay. Napatayo tuloy ako ng diretso.
"Shut up Leon nag bibiro lang ako."
"Shut up too I'm not Kidding Mrs. Frylle."
Binato ko sa kanya yung hawak kong mag stamp kaya dumikit sa damit nya yung iba. Hindi naman sya nagalit. Umupo na ko sa upuan ko at hindi sya pinansin. Ayoko ng ganung biro. KINIKILIG AKO. Paasa naman kasi. Alam ko namang busy pa sya kaya paanong mangyayaring ikakasal kami. Kalokohan.
"Tss. Kinikilig ka nga eh"
"Leon stop teasing me."
"I'm not. Actually I'm damn serious about that"
Seryoso nyang sagot sakin with matching hawak sa kamay ko sabay halik. Biglang namatay yung ilaw kaya napatayo ako. Gabi na kasi mga 8:00 pm in the evening. Lumapit si Leon sakin at hinawakan yung dalawang balikat ko at dahan dahan akong iniharap dun sa bintana nung office. Dahil hindi naman yung floor namin yung pinakatuktok, sa amin pa rin yung pinaka huling office.
Ngayon ko lang napansin yung City lights. Ang ganda pala ng lugar namin kapag gabi. Ngayon ko lang napansin lahat ng maganda sa paligid kasi masyado na kong nafocus sa trabaho. Pag gising sa umaga, kakain, maliligo, papasok, magtatrabaho, uuwi at matutulog. Paulit ulit. Walang ibang activity. Siguro dahil kailangan naming mag habol sa mga naiwanan naming trabaho? Oo siguro nga dahil doon. Napansin kong unti unti namamatay yung mga ilaw. Kaya nalungkot ako at napatingin kay Leon. Si Leon nman ngumit lang at hinalikan ako sa noo. Hanggang sa yung nag iisang store nalang ng pizza hut yung natitirang naka bukas. Naalala ko tuloy yan yung lugar na una kong nakainan kasama si Leon. Dyan nya din binigay yung earings na parati kong suot.
Miya miya may lumabas na tatlong lalaki. Hindi ko maaninag kung sino. May hawak silang mga stick at isa isa nilang inihilera dun sa nakalagay na stant sa tapat ng store. Yung stant na yon yung lagayan ng mga bulaklak ng mga misterious suitor ng mga customer. Pero ngayon wala na yung bubong. Nang matapos na nilang ilagay may nag sindi naman ng isang malaking torch. Wow nice, siguro may mag popropose ngayon. Nakakaingit naman sila. Mahal talaga siguro yung isa't isa. Sana kami din ni Leon. Isa isa ng binuksan nung lalaking may hawak ng torch yung mga fireworks display.
Nag labasan na rin yung mga tao sa loob ng store ng Pizza Hut.Tapat na tapat sa bintana namin yung fireworks. Kaya kitang kita ko. Mas humigpit yung hawak ni Leon sa braso ko.
#1 WILL
#2 YOU
#3 BE
#4 MY
#5 FOREVER"ang corny naman 'non. WALANG FOREVER."
niyakap ako ni Leon mula sa likod. Natatawa talaga ko sa proposal na nakita ko. Dahil naka sleeveless ako naramdaman kong nababasa yung part sa leeg ko.
Naiyak si Leon?
#6 CRISTEL
Nung nakita ko yung pangalan ko. Bigla nalang akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ako. Kung kanina ako yung natatawa ngayon si Leon na.
"L-Leon"
Napahagulgol nalang ako sa iyak sa narealize ko. Akala ko nag bibiro lang talaga sya kanina sa mga sinabi nya sakin. Akala ko hindi pa pwede kasi marami pang kaming kailangang gawin. Halos masakal ko na si Leon sa higpit ng yakap ko.
BINABASA MO ANG
My Melody (COMPLETED)
FantasyMaraming tao ang gustong maging princess. Little did they know the reality of being one. Meet Cristel, a princess from a different dimension na napunta sa mundo ng mga tao para maiwasan ang nakatadhang kapalaran nya bilang prinsesa. Meet Leon, a pri...