Chapter 38

395 6 0
                                    

Dahil sa nangyari sa office bumalik na ulit si Kuya sa Company.

"Hindi ako papayag na kuhain ka nila."

"Thank you kuya."

Nag sipag balikan na kami sa mga dati naming ginagawa. Isang buwan na matapos yung pag ka basag ng salamin sa floor namin. Hindi na din nang intriga yung mga reporter.

"Hi Sir Leon meron pong naghahanap sa inyo sa baba."

"Sino daw?"

Tanung ni Leon kay Gina. Ngayon nalang ulit ako nag simulang mag trabaho ng parang balik sa dati kaya mejo naninibago nanaman ako. Panu ba naman kasi halos ang tagal kong nawala.

"Adelle Royo po Sir"

Nag katinginan kami ni Leon sa sinabing pangalan ni Gina.

"paakyatin nyo rito."

Lumabas na si Gina para gawin yung inuutos sa kanya ni Leon. Sa totoo lang asa pinaka ground floor pa naman yung taong nag hahanap kaya makakapag usap pa kami.

"who do you think she is?"

Tanung sakin ni Leon. We both know napatay na ang Mama nya. Kaya sinu nga naman ang Adelle Royo na nag hahanap kay Leon.

"I don't have any Idea Leon. But I thinks she's one of those people came from our world."

"OUR world Cristel"

Inemphasize nya yung word na ATIN. Alam kong hindi ako sanay na isiping si Leon ay isa ring prinsepeng galing rin sa mundo namin dahil una sa lahat malayo sya sa mga walang pusong prinsepe doon.

May nag knock sa pinto namin at pinapasok naman nya agad.
Nakita ko agad sa mga mata kong hindi talaga isang babae yung pumasok sa loob ng room kundi isang lalaki na may magic na nag panggap na babae. Anytime kaya nyang ibalik yung sarili nya sa totoo nyang anyo. Pero hindi nya ginagawa.

"Leon ako ang Mama mo."

Hindi lang ako nag sasalita pero alam kong hindi naniniwala si Leon sa sinabi nung nag papanggap na Mama nya. Pero hindi ko rin masiguro dahil sinarado ni Leon.ang isip nya kaya hindi ko sya magawang kausapin sa utak ko.

"Ibig sabihin nakarating ka na rin rito? Kailan pa? Tsaka paano? Ang sabi ng Daddy patay ka na"

Pinag mamasdan ko lang silang mag usap. Nagawa nilang hindi ako pag salitain. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang gumawa. Kung si Leon ba o yung nag papanggap na Mama nya.

Miya miya nakita ko nalang na nag yayakap na si Leon at yung nag papanggap nyang Mama. Hindi ko magawang gumalaw dahil sa spell na ginawa nila sakin. Asan na ba si Trina? Kailangan ko sya ngayon.

"Trina asan ka? May nakapasok na tao rito sa office. Nag papanggap syang Mama ni Leon"

"Cristel biglang nawawala yung pang amoy ko. Hindi ko alam kung bakit. Kanina pa kita hinahanap pero hindi kita makita."

Nakita kong tumingin sakin yung nag papanggap na Mama ni Leon. Sa pag tingin nya pinakita nya yung totoo nyang mukha. May hawak syang malit na punyal at isasak sak nya yun kay Leon kaya pinilit kong umalis sa spell na ginawa nya. Sya yung gumawa dahil kahit si Leon nagawa nyang linlangin. O baka naman sya din ang nag sara ng isip ni Leon.

"Trina hindi ko magawang tulungan si Leon please kahit sino sa inyo pumunta na rito."

Biglang bumukas yung pintuan at lumabas si Lance. Nakita ako ni Lance na hindi makagalaw at naiyak na sa direksyon nila Leon. Kinuha nya sa gilid ng pintuan yung isang babasaging base. Pero binato nya yun sa direksyon ko. Hindi pa nakakalapit sakin yung base may parang salamin na nabasag nanag cocover sakin. Nakagalaw nako kaya tumakbo ko para itulak si Leon dun sapag saksak sa kanya nung nag papanggap nyang Mama.

"Leon"

Pag katulak ko sa kanya bumanga sya dun sa sarili nyang desk. Nalaglag sa lapag yung ibang mga gamit. Nag palit na ng anyo yung kaninang babaeng nag papanggap na Adelle.

"Wala akong balak patayin sya."

Bigla syang nawalang parang bula sa harapan namin ni Leon. Nag madali naman si Lance na puntahan yung kuya nya.

"Kuya gising. Kuya."

Nung nawala na yung lalaki nag punta na rin ako kay Lance para tulungan sya kay Leon. Inihiga namin si Leon sa sofa na nasa loob ng office naming dalawa. Wala pa rin syang malay.

"panung nakapasok yun dito ate?"

"Nag panggap syang si Prinsesa Adelle. Pero hindi ko alam kung bakit si Leon yung gusto nilang saktan? Ganun nalang ba nila ko kagustong bumalik sa kaharian? Ayokong madamay si Leon."

Umiiyak oong sagot kay Lance. Alam kong ako yung pakay nila. Bakit pa nila kailangan si Leon kung ako naman yung kailangan nila? Ayokong idamay si Leon sa kalagayan ko.

"Ate hayaan mo na sabihan nalang natin ang kuya na mag ingat at wag agad agad maniwala."

Nah sipasukan na sa loob ng office sila Kuya, Trixy at Trina. Nasa anyong diwata na si Trina ngayon dahil kailangan nyang mag balik sa ganung anyo lalo na ngayon na bigla biglang nawawala yung kapangyarihan nya.

"Anung nangyari?"

Tanung ni Trixy.

"Mom may sumugod kila Ate at Kuya."

Tumingin si Kuya sakin.

"Nag panggap silang si Prinsesa Adelle Kuya. Kuhang kuha nila yung mukha ng Prinsesa. Nagagawa nilangkumontrol ng isip ng tao. Nagawa nilang isara yung isip ni Leon."

Nag simula nanaman akong umiyak dahil naalala kong dahil sa kin kaya gusto nilang saktan si Leon.

My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon