Chapter 27

420 8 0
                                        

"I'm a princess"

Sabi ko kay Leon habang mag katapat kami ngayon sa sofa. Nakita ko naman syang ngumiti ng parang tanga lang.

"Yes you are -- MY princess"

"No Leon I'm actually a real Princess. Pero hindi dito sa mundo nyo. Hindi ako taga rito hindi ako katulad mo. Mahirap ipaliwanag pero iyun yung totoo."

Naging seryoso na yung mukha nya at nag simulang makinig sakin na naging sign naman para mag patuloy ako sa kwento ko.

"Trina please tulungan mo ko. Kailangan kong gamitin yung kapangyarihan ko para maniwala sya sakin ngayon."

"pero alam mo kung anung mangyayari"

"gusto ko lang malaman nya ang lahat sakin Trina. Gusto ko si Leon, Mahal ko sya. At ayokong mahalin nya ko ng hindi nya nalalaman ang lahat sakin."

Napa iling nalang si Trina.

"Leon, galing ako sa kaharian ng Talia, ang mga magulang ko ang hari at reyna at ako? Yung nag iisang prinsesa nila. Ang mahalaga lang sa kanila ay yung mapanatili yung kaayusan sa lugar namin kaya nag balak silang ipakasal ako sa isang prinsipe na kahit minsan hindi ko pa nakikita. Yun yung dahilan kaya ako tumakas. Sa mundo namin. Ang kaharian lang namin ang may kakayahan ng mahika."

"Magic? Like what?"

"Kaya namin gumawa ng mga bagay na gusto namin, katulad ng pagalawin ang mga bagay bagay, mag palitaw ng hayop o halaman, lumipad, kumontrol ng mga gamit at higit sa lahat."

Pinahinto ko yung oras nya. Pero hindi kasama ang akin, nakikita at naririnig nya ko pero hindi sya makakagalaw.

"Magpahinto ng oras"

Hinalikan ko sya sa labi at dun ko kinumpas ulit yung mga daliri ko. Naramdaman ko ng bumagal yung pag tibok ng puso ko dahil sa ginawa ko.

"Kaya akp umalis dahil ayokong mag pakasal, buong buhay ko parati nila akong utusan at sunud sunuran, pero ayokong pati ang pag aasawa ko pakialamanan pa nila kaya tumakas ako. Sa hangganan ng nasasakupan ng kaharian namin merong lagusang tanging kami lang ang nakakaalam."

Sinubukan kong gawin yung ginawa ni Kuya nung gabing kinuwento nya ang nangyari sa kanya at kay Prinsesa Adelle. Nag mistulang batis ang paligid namin at nag simula nang matakot si Leon pero hinawakan ko yung kamay nya.

"dito ako dumaan para lang makapunta dito sa mundo nyo."

Tinignan lang ako ni Leon pero alam kong nalilito pa rin sya. Nararamdaman ko ng mas lalo akong nanghihina dahil sa ginawa ko.

"Bakit mo sinasabi sakin to?"

"Kasi Leon mahal kita, at gusto kong malaman mo ang lahat sakin kahit yung pinanggalingan ko."

Bigla nang nawala yung mahikang ginawa ko. Nangangatog na rin yung tuhod ko. Nakikita kong naaawang nakatingin sakin si Trina.

"Hindi mo na dapat ginawa to, nanghihina ka na Cristel"

Hinawakan ako ni Trina sa likod. Pero kaya ko pa namang tumayo. Nilapitan din ako ni Leon para alalayan.

"anung nangyayari sayo? Namumutla ka"

"Hindi ko naman kasi kayang gamitin yung kakayahan ko rito sa mundo nyo eh"

Natumba na ko sa mga braso nya. Hindi ko na kayang huminga ng maayus. Anu nga ba kasing pumasok sa isip ko para gawin to.

"Cristel, pero bakit mo pa ginawa? Cristel naman"

"Mahal nga kasi kita-hhh"

Nawalan na ko ng malay. Hanggang sa nagising na lang ako dahil sa malakas na katok mula sa pintuan.

My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon