Chapter 36

399 6 0
                                        

Leon's POV

"Ayokong malayo sayo. Kaya pangako mo saking hindi mo ko papabayaan."

Hindi ako sumagot agad. Alam kong kakaiba sila. Kung ampon lang naman pala ako ibig sabihin wala rin akong kapangyarihang katulad ng sa kanila. Hindi ko kayang ipag tanggol si Cristel kung wala naman akong kakayahang katulad nung sa kanila. Ngumiti nalang ako at sumagot ng oo kahit na alam ko sa sarili ko kong hindi ko kaya. Gagawin ko ang lahat para lang ipagtanggol sya. Lalaban ako ng patayan kung kinakailangan.

"Oo Cristel pangako."

"bakit nag dadalawang isip ang sagot mo?"

Napatingin ako sa malayo habang naisip kong kaya pala talaga nilang basahin ang utak ko.

"Hindi ko naman kasi alam kung paano kitang ipapagtanggol kung mas may kakayahan ka pa nga kesa sakin. Tao lang ako."

- - -

Napaisip ako bigla sa sinabi nya sakin. Kung anak sya ng isang nilalang na mula sa mundo namin ibig sabihin malaki yung posibilidad na may kakayahan din syang matuto. At higit sa lahat anak sya ni Prinsipe Rico, may balita sa kaharian noon na may kakayahang mahika na sya dahil pinag aralan nya itong mag isa.

"Pero hindi ka lang basta tao. Galing ka rin sa mundo namin Leon. Ibig sabihin may kakayahan ka ring matuto."

Napaisip din si Leon sa sinabi ko kaya tinanong ko si Trina.

"pwede pero may kapalit yun."

"Anu namang magiging kapalit ng pag aaral nyang matuto?"

"Cristel kung mag aaral syang matuto ng mahika may kailangan syang isakripisyo."

"Trina naman gaya gaya ka rin kay kuya eh hindi mo pa ko diretsahin"

"Hindi nya pwedeng gamitin yung matututunan nya para ipag tanggol yung taong mahal nya. Matututo sya para lang ipag tanggol ang sarili nya. Hindi ang ibang tao."

Kung ganun ang mangyayari't hindi nya din ako maipag tatanggol ayus lang sakin, basta magawa nyang iligtas yung sarili nya. Yun naman yung mahalaga.

Tumingin ako kay Leon. Pero sa pag tingin ko sa kanya parang merong nagbago.

"Leon?"

"Alam ko na Cristel"

Nagulat ako sa sinagot nya. Hindi ko alam kung paano nyang nalaman. Alam kong hindi nya nakikita si Trina, kaya panu nyang malalaman.

"Cristel nag sinungaling ako sayo, kay Daddy at sa lahat."

Napapailing nyang sagot. Hindi ko na magawang basahin yung utak nya. Hindi ko alam ang nangyayari. Alam kong posible pero hindi ko akalaing mangyayari talaga yung mga bagay na to. Akala ko isa talaga syang tao. Akala ko mag kaiba kami ng mundo at nagkataon lang na naampon sya ng kuya ko.

"Anung ibig mong sabihin? Panung alam mo na?"

"from the start I know my innerself. Alam kong may extra ordinary things na kaya kong gawin. Pero hinihintay ko si Dad na sabihin or ipaliwanag sakin pero hindi nya ginagawa. Kanina nya lang sinabi. Sa simula palang din nakikita ko na si Trina. Cristel kaya kong takpan ang isip at puso ko. Sorry pero ngayon lang ako nag lakas loob na sabihin. Actually since umamin ka sakin. Akala ko kasi ako lang yung kakaiba. Pinag aaralan kong maigi kung bakit ako ganito perio hindi ko pinaalam kasi natatakot akong baka isipin nila Dad na baliw ako pero kayo din pala."

Alam kong seryosong confession 'to ni Leon pero hindi ko talaga mapigilang hindi mahiya sa sarili ko lalo na ng malaman kong nababasa nya yung iniisip ko. Panu nalang yung mga oras na hinahalay ko sya sa utak ko. Napa face palm nalang tuloy ako.

"Ok lang yun Cristel. Ginawa ko din naman yun eh"

Nangingiti nyang sagot. Pero dahil dun mas lalo akong namula sa hiya. Niyakap nya nalang ako bigla. Hindi ko naman nakikitang threat si Leon. Mahal nya ko at alam kong ipag tatangol nya ko kahit na anung mangyari.

My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon