Lumapit sya sakin dala dala yung mga order namin. Pag dating nya sa tapat ng table nakatingin pa rin ako kay Trina na paikot ikot sa loob ng store.
"Cristel wala pa yung order mo eh, hintayin nalang kita kumain"
"ok lang kahit mauna ka na Si-- Leon"
"ayoko hindi din ako sanay kumain ng walang kasama eh. Kaya nga kita dinalhan ng food last time. Kasi wala akong kasabay."
Habang hinihintay namin yung order nag kwentuhan kami at nalaman kong hindi nga talaga sya nakain ng walang kasabay. Kaya daw sobrang dami nyang naging friend sa mga fast food chain dahil everytime na may mag ouout ng service crew niyayaya nyang sabayan sya at syempre treat nya. Kaya pala nung nalaman nyang may bago na syang kapit bahay sinundan nya pa ko para lang may mayaya syang kumain.
"ma'am and sir order nyo po"
Nakangiting salubong samin nung lalaking nag dadala ng order namin. Pag kalapag nya ng 1plate ng Lasagna, 2plates ng carbonara at 10 inch na pizza pati dalawang bottom less na ice tea. Kumuha sya ng isang tissue at mabilis na nilagay sa likod ng ulo ko. Pag labas ng kamay nya galing sa likod ko. Isang fresh rose na white yung binigay nya sakin
"Para sa inyo po ma'am"
Hindi ko maalis yung pag kamangha ko. May ganun din palang kapangyarihan dito sa mundo ng mga tao. Baka naman galing din sila sa mundo namin.
"They're not Cristel may daya yun and I saw it"
Singit na sagot ni Trina. At parang multo nanaman syang nawala.
"Thank you"
Umalis na yung crew at ang sama ng tingin ni Leon sa kanya.
"Sus kaya ko din yon noh."
"Hahaha sige nga sample"
Napangiti ng pagkayabang si Leon. Tapos kumamot sa likod ng ulo nya pero nakikita ko naman yung kamay nya. Pag angat nya ng kamay nya. Isa namang box na red yung hawak nya.
"For the beautiful lady in front of me"
Kinuha ko yung box. Oww so sweet. Para tuloy kaming nag dedate.
"Buksan mo na"
Pag bukas ko ng box isang pair ng hikaw yung nandun.
"ang ganda nya Leon, bakit mo ko binigyan nito?"
"dahil yan ang magiging sign na secretary na kita dapat lagi mo yang suot ah."
"parang ang OA naman at Hahaha"
"abah nag inarte ka pa?"
"joke lang. Salamat"
After naming mag lunch bumalik na kami sa office. Balik trabaho. Medyo nakakailang lumabas dahil sa totoo lang si Leon palang ang kakilala ko sa trabaho ko ngayon. Isang Constraction Company yung business nila Leon. Sila yung nakikipag deal para sa mga mag papagawa ng hotels and Condo. So meron silang mga sariling constraction worker. Sa nakikita ko naman maayus yung pamamalakad nila sa mga trabahador nila. At infairness hindi sila nag kukulang sa benefits na binibigay nila sa mga trabahador nila specially sa mga constraction worker. Kaya siguro pinag papala sila.
"Cristel I smell something."
"Anu nanaman yun Trina? Para kang multong Dyosa? Alm mo yun?"
"Ang lakas ng loob mong tawagin akong multo ahh."
Pinahangin nya ng malakas sa desk ko kaya nag liparan yung mga papel. Hmmm pasalamat talaga tong dyosang to at bawal kong gamitin yung kapangyarihan ko. Hindi ang sabi ko magandang Dyosa."
Habang pinupulot yung mga papel. Napansin kong nag taka si Leon sa nangyari kasi sa desk ko lang humangin. Samantalang walang bintana sa loob ng office namin.
"Sige tignan mo si Leon natatakot na baka isipin nyan may multo nga dahil sa ginawa mo." "Tawagin mo pa kasi akong multo."
"Abah dinagdagan ko naman ng dyosa ah?"
"Anyway. I smell something."
"Anu nga?"
"May kailangan tayong puntahan sa susunod na tatlong buwan."
"Saan naman?"
"Hindi ko din alam kung saan. Hinahanap ko pa. Ayun lang naman yung sasabihin ko."
"Tss. Pinag iisip mo ko Trina."
"Ganun talaga. Bye Cristel."
Bye. Bye. Bwisit din tong Dyosang to. Bigla biglang susulpot tapos bigla bigla ding mawawala. Saan kaya sya nag lalagi ngayon? Baka nakahanap ng mga friendship dito. Pero imposible rin. Pinag patuloy ko na lang yung trabaho ko. Hanggang sa hindi ko namalayang hapon na.

BINABASA MO ANG
My Melody (COMPLETED)
FantasíaMaraming tao ang gustong maging princess. Little did they know the reality of being one. Meet Cristel, a princess from a different dimension na napunta sa mundo ng mga tao para maiwasan ang nakatadhang kapalaran nya bilang prinsesa. Meet Leon, a pri...