Bago kami lumabas ng pinto pinaalala ulit ni Trina na sa isip ko lang daw sya kausapin. Sobrang saya ko ngayon kasi mas lalo kong naramdaman na isa akong dalaga. Dalagang normal katulad ng iba. Nakapag palit na rin ako ng damit. Dahil hindi ako sanay na mag suot ng maiiksing damit pinagawa ko si Trina ng isang simpleng dress. At iyun ang suot ko palabas. Pag labas ko ng bahay. Nag simula na kong mag lakad papunta sa kinalalagyan ng kotse KO.
"Akin talaga to Trina?"
"ay hindi yan sayo sa kapit bahay mo yan."
Nag make face nalang ako. Sumakay na ko sa loob at nag punta sa pinaka malapit na mall. Kumuha ako ng sobrang daming pag kain. Pero kalahati ata ng stroller ko ay puro keso. Kaya yung mga tao pinag titinginan ako. Sa palasyo noon ay keso lang ang kinakain ko kapag ayokong kasabay sila Mama at Papa.
"Dalian mo na ikaw na"
Utos sakin ni Trinakaya ako na yung pumunta sa pila.
"Cash or credits Ma'am.?"
Tanung nung kahera.
"cash"
Kinuwenta na nya lahat ng pinamili ko at umabot ng mahigit 1,500 kaya naman ng makabayad na ako. Napaka bigat ng buhat ko.
"miss tulungan na kita."
"ah kaya ko naman salamat nalang"
Nag patuloy ako sa lakad pero yung lalaking naka polo shirt na blue, white and black ay sumunod pa rin.
"I insist"
Kinuha nya yung dalawang bag sa kamay ko kaya nag tama ang kamay namin na ikinagulat ko.
"Cristel wag kang matakot hindi sya masamang tao"
Bulong ni trina.
"Sorry ayaw mo bang nahahawakan.ka?"
"ahh hindi ako sanay matagal na kong hindi nahahawakan ng lalaki"
"pasensya na."
"ayus lang"
Nag punta kami sa parking lot at inilagay nya lahat sa compartment yung mga pinamili ko.
"I'm Leon"
"Cristel"
Inabot nya yung kamay ko at hinalikan.
BINABASA MO ANG
My Melody (COMPLETED)
FantasyMaraming tao ang gustong maging princess. Little did they know the reality of being one. Meet Cristel, a princess from a different dimension na napunta sa mundo ng mga tao para maiwasan ang nakatadhang kapalaran nya bilang prinsesa. Meet Leon, a pri...