Chapter 4

930 28 0
                                        


Nangmakalabas na kami sa hangganan. Nasa loob na kami ngayon ng nasasakupan ng mga kaibigang kaharian ng Papa. Nag punta kami ni Trina sa isang batis na malapit.

"Anung gagawin natin?"

"Gagawin natin ang tradisyon."

"Ang alin?"

"Cristel naman. Mag didisisyon kang umalis ng wala kang alam?"

Nasaktan ako sa sinabi nya kaya hindi na ako umimik. Tinitignan nya ako pero hindi ako nag babalik tingin. Tama nga naman si Trina ang tanging alam ko lang naman ay nandito sa hangganan ang lagusan pero hindi ko naman alam ang eksaktong kinalalagyan.

"Sugatan mo ang sarili mong palad at ipatak ang dugo rito."

Inabot ni Trina sakin ang isang bao ng niyog na pinang salok nya ng tubig sa batis. Meron itong laman na iba't ibang uri ng dahon. Dalawa ang ginawa nya. Isa para sakin at isa para sa kanya. Pareho naming tinuluan ng dugo ang tubig

. "Para ito sating dalawa. Sa oras na makarating tayo sa mundo ng mga tao malalaman mo na agad ang lahat ng kailangan mong malaman. Hindi ka mag mumukhang mang mang. Maraming mga sakim sa mundo ng mga tao kaya kailangan mong mag ingat." "Pero ikaw? Bakit ako lang ang mag iingat?"

"Hindi nila ako makikita Cristel. Parati lang akong nasa likod mo. Kaya hindi mo na ako pwedeng kausapin ng basta basta pag nakarating na tayo ron."

"Ganun ba?"

"Oo wag kang mag alala hindi kita iiwanan. Sakin na ipinag katiwala ng bathala kaya hindi kita maaaring pabayaan. Ayokong maparusahan."

"Salamat Trina."

Ininum naming dalawa ang pinag halong tubig at dugo. At unti unting nakita kong nabukas ang ilalim ng batis.

"Tara na."

Hinawakan ni Trina ang kamay ko. At tumalon kaming sabay sa mundo ng mga tao. Bumagsak kami sa isang bahay.

"Asan na tayo Trina?"

"Asa bahay mo."


My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon