Chapter 45

399 8 0
                                    

"Wala pang nangyayari sa inyo?"

Tanung ni Trina sakin pero nakatingin kay Leon kaya si Leon sumagot ng napapakamot pa sa ulo. Nakakabuang talaga tong dyosa na 'to akala mo walang gera sa labas at chinichismis pa kami.

"Eh kasi ano eh- -"

Nauutal na sagot ni Leon. Inakbayan naman sya ni Lance sabay smirk.

"Hina mo kuya"

Sabay kaming namula ni Leon sa sinabi ni Lance at Trina kaya yumakap nalang ako sa likod ni Leon. Nag tawanan naman silang dalawa. Si Trixy naka harap lang sa direksyon ng kwarto kung saan nag lalaban si Kuya at Rico.

Trixy's POV

Buti pa 'tong mga hinayupak na to nagagawa pang mag landian samantalang ako rito nag aalala na sa asawa ko. Tapos kasama nya pa ngayon yung babaeng una nyang minahal kesa sakin.

Nalulungkot ako na naiinis sa sarili ko dahil hindi ko man lang matulungan si Michael. Nag seselos ako.

- - -

Michael's POV

Habang nakikipag sapalaran akong talunin si Rico bigla nalang pumasok sa loob si Adelle. Alam kong buhay na sya bilang dyosa ng anak nyang si Leon. Alam kong masaya akong makita sya ulit pero iniisip ko si Trixy sa mga oras na nakita ko sya. Minahal ko si Adelle. Pero Mahal ko si Trixy. Alam kong nag bilin na ang bathala sa kanya ng mga bgay na hindi at dapat nyang gawin.

Makapangyarihan na si Adelle dahil hindi naman nag bago ang diversity nya. Nanatili sya sa lugar na dapat nyang kalagyan. Hindi tulad namin na lumabas ng mundo para lang maging mapayapa.

Nagsimula ng kumilos si Adelle para itali si Rico. Hindi ko alam ang iniisip nya kaya wala akong magawa kundi ang tignan lang sila.

"Anu pang tinutunganga mo. Gawin mo na yung dapat mong gawin."

Kinausap nya ulit ako sa muling pagkakataon sa isip ko. Nakalinutan ko na kasi kung paano bang makipagusap sa kanya sa sobrqng tagal na mula nung huli kaming nag kita. Nung buhay pa sya bilang si Adelle na tao at kasintahan ko.

Lumipat syang mabilis sa harapan ko pagtapos nyang igapos si Rico at salpakan ng kung anu yung bibig.

"Kumilos ka na."

"pero anung gagawin ko?"

"Anu bang ginagawa sa mga pekeng bagay?"

Napailing ako sa tinanong nya. Hindi ko naman talaga alam. Sa mundo ng mga tao constraction supply ang negosyo ko hindi gamit. Hindi naman napepeke yung samin maliban nalang sa mga ecobiologist na umimbento ng eco friendly-ing hollow blocks.

"Sinusunog Michael. Sinusunog ang mga peke."

Tinulak na nya ako papunta sa harapan ni Rico. Nakatitig lang naman ng masama sakin si Rico. I know I can't kill a person pero kailangan at worth it naman patayin si Rico.

Nang napansin nyang seryoso ako sa gagawin ko. Nag simula na syang pumalag. Nag siangatan yung mga itim na kung anu anu. Nag sisimulang maging powder yung mga gamit at mismong kinakatayuan namin. Hanggang sa tuluyan na kaming nakalutang sa ere pero nasa flat surface parin.

"Gawin mo na"

Ikiniskis ko sa palad ko yung index finger ko para makagawa ng apoy. Kumuha naman ng isang hibla ng buhok si Adelle at ginawa nyang kahoy. Inabot nya sakin at  yun yung ginawa kong torch. Habang papalapit ako sa kanya nag simula namang pumorma ng parang isang kawal yung mga black particles na galing kaharian nya.

"Michael dalian mo na."

Sigaw ni Adelle. Wala namang gas panung masusunog 'tong impakto na 'to? Sa isip isip ko.

"Wag ka ngang mag engot engotan Michael. Hindi kailangan ng Gas sa mundo na 'to hindi 'to katulad ng mundo ng mga tao."

Inis na sagot nya sakin. Kaya itinapon ko na lang sa direksyon ni Rico yung torch sabay takbo dahil yung mga black particles na kanina ay nag lulutangan? Ngayon isa ng napaka laking mandirigma. Pag kahagis ko ng torch kay Rico nag liyab agad sya pero nautusan nya pa yung malaking warriors na lusubin kami. Pero namatay din agad sya kaya bigla ding nag laho yung mga black particles at tuluyang naging abo. Hindi ko namalayang nakayakap na pala ako kay Adelle dahil sa nangyari.

"Dad"

Sabay na tawag sakin ni Leon at Lance. Kaya napahiwalay agad ako kay Adelle. Nakita ko naman si Trixy na malungkot na nakatingin sakin-- samin ni Adelle.

"Dad you're safe."

Unang yumakap sakin si Lance at umalis din. Sumunod naman si Leon.

"Dad go to Mom she needs you now."

Bulong ni Leon sakin. Bigla naman akong nalito kung sinong tinutukoy nya. Alam ni Leon na si Adelle ang Mommy nya kaya hindi ko na alam kung sinong tinutukoy nya.

"Dad"

Ulit nya uling tawag sabay senyas sa direksyon ni Trixy.

"Oh ok alam ko na."

Lumapit agad ako ng dahan dahan kay Trixy pero tinalikuran nya ako.
Niyakap ko sya, kasi alam kong nag saktan ko sya sa nakita nya. Kanina pa siguro nila kami nakikita. At alam ko ring simula palang nag seselos na si Trixy.

"Honey"

"what?"

"hindi mo man lang ba ko kakamustahin?"

"ok ka naman eh, diba? Nakayakap ka na nga sa kanya eh"

Umalis sya sa pag kakayakap ko sa kanya sabay harap sakin.

"Honey naman"

"Alam ko naman Michael eh. Hindi mo naman kailangang itangi saking may nararamdaman ka pa kay Adelle kahit na konti."

Tumingin sya sa direksyon ni Adelle. At binalik ulit sakin yung tingin nya.

"Hindi naman ako hahadlang eh. Mahal kita. Kung kailangan mong iwan ako para maging masaya ka ulit, tatanggapin ko."

"No, Trixy. I love you. I know you do know that. What happen between me and Adelle was already gone."

Huminga muna ko ng malalim para sa mga susunod kong sasabihin. Oo mahal ko si Adelle. Noon.

"I loved her. Before."

- - -

"Kuya"

Napalingon sakin si Kuya tapos ngumiti sya. Alam kong nag tatalo sila ni Trixy dahil sa nakita namin. Kanina pa nag seselos yan si Trixy pero hindi nya lang sinasabi. Siguro para hindi kami mag alala sa kanya. Alam ko naman na hindi na sya kayang iwanan ni Kuya. Mahal na mahal sya ni Kuya kaya hindi yun magagawa ni Kuya.

"Pwede na tayong umalis"

Tumingin ako sa direksyon ng kaharian namin. Nakita na kasi naming bumalik na sa dati yung lugar. Sinumpa pala ni Rico ang kaharian para lang mapasunod ang mga tao.

"Tara na"

Hinawakan ni Kuya yung kamay ni Trixy. Kaya sumunod nalang si Trixy, hindi naman sya makakareklamo kay Kuya mahal na mahal din naman nya si Kuya. Nawala na si Adelle at naging dyosa na ni Leon. Hindi katulad nila Trina at Trixy na parati naming kasama si Adelle mananatili lang sa isip ni Leon at lalabas lang kapag kailangan na sya physically.

Nag simula na kaming maglakad pabalik sa kaharian. Nabalot din ng katahimikan yung paglalakbay namin pabalik dahil kay Kuya at Trixy.

My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon