Chapter 43

400 6 1
                                        

Sinubukan naming labanan yung orasyon na ginagawa nila para lang manatili kami sa kinalalagyan namin. Pero talagang desidido si Rico na madala kami sa bundok na kinalalagyan nila.

Sa librong nakuha ko sa aklatan ng kaharian tinatawag na bundok ng diablo yung kinalalagyan namin ngayon.

Siguro kaya ganun yung ginawa nilang pangalan dahil hugis ulo ng demonyo yung bundok. Nag tataka tuloy ako.kung paanu nilang nalamang ganito ba yung ulo ng demonyo samantalang wala namang sungay si Rico.

Napunta ko sa pinaka paanan ng bundok Diablo. Nilingon ko sila kuya at Trixy pati sila Trina at Lance pero wala sila. Ako lang mag isa.

Nag lakad pa ko ng hindi kalayuan pero wala pa rin sila. Hindi ko rin sila magawang kausapin sa isip ko dahil hindi ko din magamit ang kapangyarihan ko.

"Totoo nga yung sinabi ni Trina, kung sinong mamumuno sa lugar na to ang makakapag lagay ng batas at limitasyon sa bawat sulok at panig ng bundok."

Napaka tuso talaga ni Rico, hindi sya marunong lumaban ng patas. Nag patuloy nalang ako sa pag lalakad patungo dun sa toreng nasa pinaka tuktok ng bundok. Isang toreng gawa sa bakal na nag liliyab sa init, iniisip ko tuloy kung paano ba akong makakatagal sa ganung lugar, parang impyerno.

"Magtatagal ka rito Cristel dahil dito ka na titira kasama ko"

Mapang asar na pakikipag usap nya sakin. Sya lang talaga ang may kakayahang gumamit ng kapangyarihan sa lugar nya, dahil kahit gaano ko kagustong isara ang utak ko hindi ko magawa.

"wag ka ng mag pumilit. Ayaw mo bang makasama ang anak ko? Sama sama tayo rito"

"Mas mabuti pang mamatay kaming dalawa kesa sa makasama ka"

Natawa lang sya sa sinabi ko at bigla nanaman syang nawala. Sigurado akong hindi nya hahayaang magkita kita kami nila kuya. Hindi ko lang alam kung kahit ba mga dyosa hindi magagawang gamitin ang kapangyarihan nila sa lugar na 'to.

Nagpatuloy na ako sa pag lalakad at kung susumahin hindi ko na alam kung ilang kilometro na ang nalalakad ko. Wala pa ring bakas nila kuya, Trixy, Trina at Lance.

"asan na kaya sila?"

Sa sobrang tagal kong nag lalakad ng ako lang mag isa, kung ano-ano na yung pumapasok sa isip ko.

Baka naman kasi nakikita nila ko pero hindi nila ko tinutulungan?

Baka naman ayaw na nila sakin kaya hinayaan na nila ko?

Baka kasama na sila ni Rico?

Ang daming baka sakali ng utak ko. Hindi ko na kayang mag lakad pa ng malayo kaya naupo muna ko sa isang ugat ng puno. Pero saktong upo ko biglang bumukas yung lupa at nahulog ako.

Dahan dahan lang yung pag kahulog ko sa ilalim. Kaya nakikita ko yung mga ugat at kung ano-ano pa.

Anu ba to? Asa Alice in Wonderland ba ko? Alam kong wonderland yung mundo namin pero bakit ganito?

Sobrang lalim nung pag kakahulog ko hanggang sa hindi ko na makita yung liwanag sa ibabaw ng lupa.

"Maligayang pag dating Mahal na prinsesa Cristel, kanina pa po kayo hinihintay ng mahal na hari"

Bati sakin ng isang dalagang babae na halos wala ng suot sa katawan. Nakatakip lang ng kabibe yung hinaharap nya at yung baba naman nya ay puro lang maninipis na tela. Punong puno ng kolerete yung buhok nya. Nag simula na syang mag lakad papunta sa isang silid kaya sumunod lang ako. Mabuti naman at naawa sakin si Rico kaya pinapunta na nya agad ako rito. Pag pasok ko sa silid umalis na agad yung babae. Naiwan ako sa loob at nakita ko sa kanang parte ng kwarto si Leon na naka handusay at walang malay.
Sinubukan ko syang lapitan pero may malaki lang na harang. Miya miyang konti nakita kong nagising sya, sinubukan ko din syang sigawan pero hindi nya ko naririnig.

"wala sya sa katinuan nya, kaya hindi ka rin nya makikilala."

Dalawang kamay ang naramdaman kong dumakma sa hinaharap ko at dahan dahang minsahe 'to. Napaka bastos talaga ng hayop na 'to. Nung una sinubukan na nya kong halayin ngayon naman walang habas nyang hahawakan ang parte ng katawan ko.

Binigla kong humarap sa kanya para itulak sya. Nagawa ko naman. Napangisi sya ng konti at lumapit ulit sakin.

"Anu bang kailangan mo samin? Anung kailangan mo sakin at kay Leon?" bakit mo ba to ginagawa?"

"Madami kang taong. Bakit hindi mo muna subukang makipag talik sakin"

Mabilis na dumampi yung kanang palad ko sa mukha nya.
"mabuti na lang at kay Kuya lumaki si Leon, dahil dun nag ka respeto sya sa babae."

Bigla nya kong hinawakan sa magkabilang braso at iniharap sa direksyon ni Leon.

"Talaga lang ha? Tignan mo kung gaanong mag ka ugali kami ng anak ko?"

Nakita kong nakikipag talik si Leon sa dalawang babae. Hindi ko magawang pigilan yung labasan ng luha ko kaya bigla na lang bumuhos ng parang ulan. Wala pang namamagitan samin ni Leon na katawan sa katawan maliban sa halikan. At ngayon nakikita ko sya sa bising ng dalawang babae habang nag tatalik sila. Naramdaman kong naglalakbay na sa kung saan saang parte ng katawan ko yung kamay ni Rico. Hindi ko naman magawang pigilan sya dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"ngayon ko na nga lang ulit sya nakita ganito pa ang ginawa nya. Bakit?"

Nag iisang taong sa isip ko. Nakahiga na ako sa kama ngayon ni Rico at kung anu anong kahayupan na yung binabalak nyang gawin sakin. Nag tataka ko kung bakit hindi nya nagawang sagutin yung tanung ko.

"bakit ba ako ang ginagawan mo ng kawalang hiyaan?"

Tumigil sya sa ginagawa nyang pag halik sa leeg ko. Mag kaibang mag kaiba sila ni Leon. Si Leon kapag malapit sakin, wala pa syang ginagawa nag iinit na ko. Pero ang Papa nya? Kahit anung gawin sakin wala akong maramdaman. Hindi nya pa ako naaangkin katulad ng ginawa nya kay Prinsesa Adelle kaya malakas pa ang paniniwal kong kaya ko pang tumakas.

"Hindi mo ba alam kung bakit?"

"mag tatanung ba ako kung alam ko?"

"Napaka pilosopo mo talaga. Simple lang, dahil ikaw ang unang naka talik ng anak ko. Kaya alam kong sayo ko makukuha ang kailangan ko sa kanya."

Nag kakamali sya ng iniisip. Wala pang nangyayari samin ni Leon. Hinihintay kong mag react sya sa sinabi ko pero wala syang sinagot. Ibig sabihin nagagawa ko ng isara ang isip ko, ibig sabihin magagawa ko ng gamitin ang kapangyarihan ko.

My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon