Chapter 33

458 10 0
                                    

Nag handa ng Dinner si Mommy Trixy para saming Lima. Si kuya Michael, Leon, Lance, ako at si Mommy Trixy. May naaalala talaga ko sa pangalan ng Mommy nila Leon at Lance.

"So Cristel ok na ba pakiramdam mo?"

Tanung ni Kuya sakin. Kahit alam kong hindi ko sya pwedeng tawaging kuya sa utak ko ako nasagot. Napaka hirap namang umarte na hindi mo kakilala at kadugo ang taong nasa paligid mo.

"ok na po ako. Wala nga lamg po talaga akong maalala."

"Ganun ba? Ayus lang yan darating din yung oras na maaalala mo lahat."

"oo nga po"

Kumain nalang kami ng kumain hanggang sa matapos. Nag pahinga kami ni Leon sa sofa habang nanonood ng TV. Habang katabi ko sya tinawag ako ni Kuya para makipag usap saglit sa kanya.
Nag punta kami sa labas sa gitna ng Garden nila. Pag dating namin dun biglang lumitaw yung diwata ni kuya. Kamukhang kamukha yun nung asawa nya.

"Hi Cristel kumusta ka na?"

"Maayus naman na."

"halatang naguguluhan ka."

Natatawa nyang sagot sakin. Nag tuloy tuloy nalang kami sa gitna ng garden at dun sa pinaka gitna ay pinalitaw nya yung lagusan. Isang pababang hagdanan na madilim yung loob. Pumasok si kuya kaya sumunod nalang ako.
Habang nag lalakad kami sa gitna nung dilim pakonti konting nag liliwanag hanggang sa makarating kami sa loob ng kwarto nya. Ito yung kwartong pinasok ko nung nasa loob pa ako ng.kaharian.

"Panung nag karon ng lagusan dito?"

"Ginawa ko. Tanging mga panganay na lalaki lamang ang nag tataglay ng nas mataas na antas ng kapangyarihan. Kaya ka nanghina kasi ginamit mo yung kapangyarihan mo para lang ipakita kay Leon yung totoong ikaw. Sinabihan na kita noon pero hindi ka nakinig."

Naramdaman ko yung inis sa boses ni Kuya pero binaliwala ko lang. Alam kong maalala ko rin ang lahat. Kung hindi man ngayon sa mga susunod.

"Kuya nakikita ba nila tayo? Baka pabalikin ako nila Mama at Papa."

Huminto si Kuya sa tapat ng pintuan nya at binuksan nya yun. Lumabas kami sa kwarto at nag simulang mag lakad paakyat palabas ng pinakailalim.na parte ng kaharian. Pag dating sa labas nakita namin yung mga kawal na walang mga hawak na kalasag sa mga katawan nila. Isa yung hindi pangkaraniwang pang yayari kasi hindi napayag ang Papa na wala silang ni Isang pang sanggalang.

"Dahil sa pag takas mo papasundan tayo ng Papa. May nakakita sayo nung tumakas ka."

"Pero panu?"

Binalik ni Kuya yung mga pangyayari nung gabing umalis kami ni Trina. Yung punong nagalaw ang mga sanga. Sya yung nag ulat sa hari na tumakas ako. Hindi pumasok sa isip ko na mangyayari 'to paanu nila kong matutunton.?

"Kaya ka nilang tuntunin Cristel. Lahat ng kawal na nakikita mo ay mga panganay na lalaki. Ibig sabihin magagamit nila ang kapangyarihan nila pag napunta sila sa mundo ng mga tao kung nasan tayo."

"Pero kuya wala ka bang magagawa?"

Umiling si kuya at malungkot na umakyat sa silid aklatan. Sinundan ko sya sa bawat pupuntahan nya at tinignan lahat ng bawat librong kinukuha nya. Nung matapos na at nasa loob na kami ulit ng silid nya hinawakan ni Kuya yung ulo ko.

"alam kong labag sa batas ng mahika natin tong gagawin ko. Pero kailangan mong malayang magamit ang kapangyarihan mo pag nasa mundo na ulit tayo ng mga tao. Kaya bibigayan kita ng kakayahan."

Habang hawak ni Kuya yung ulo ko nararamdaman ko sa bawat ugat ko yung lakas ng enerhiyang binibigay nya. Ibig sabihin magagawa ko ng gumamit ng mahika kahit na bunsong babae ako.

Pag tapos ng ginawa ni Kuya sakin. Nagmadali na kaming lumabas pabalik sa mundo ng mga tao.

"Cristel let us sleep"

"sure Leon but are we going to share in the same bed? Cause I'm glad if it Yes"

Natawa naman si Trina sa sinabi ko kaya bigla syang nagliwanag. Hinanap ni Leon yung pinagmulan nung liwanag pero hindi nya naman yun makikita.

"I think I'm going to believe in alliens."

"Really?"

Natawa ko ng sobrang lakas. Ganito pala kapag meron.kang nakikitang hindi nakikita ng iba. Ayoko na nga baka mapagkamalan pa akong baliw.

"Yes look san kaya nang galing yung light na yun."

Sobrang nag tataka nyang tanung. Pumunta na kami sa loob ng kwarto nya. At pag pasok ko parang ang daming pumasok bigla sa utak ko.

My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon