Chapter 28

435 12 0
                                    

"Mahal na prinsesa pinapatawag na po kayo ng inyong Inang Reyna"

Hindi ako sumagot sa sinabi ng isa sa mga katulong sa kaharian. Nanaginip lang pala ako. Pero parang totoo yung mga nangyari sakin.

Tumayo na ko sa pag kakahiga ko. Nag linis at nag bihis ng damit. Nang maayus ko na ang sarili ko, bumaba na kong mag isa sa kainan kung saan nag aantay sila Mama at Papa.

"Kanina ka pa namin hinihintay rito bakit ngayon ka lang?"

Tanung sakin ng Mama. Masyadong metikuloso ang aking Ina. Ayaw nya ng marumi at hindi maayus kapag haharap ako sa mga bisita nya.
Kaya kung minsan kahit naman walanv okasyon napipilitan akong isuot ang mga damit na ayaw ko.
Dahan dahan na kong lumapit sa mesa ng hindi sya sinasagot.

Dito sa kaharian namin. Mahigpit na pinag babawal ng Papa ang pag gamit ng mahika. Dahil na rin sa ito ang naging dahilan kaya binalak kaming ubusin ng mga karatig naming kaharian.

Dahan dahan kong hinila yung upuan pero hindi yung kamay ko yung gamit. Kundi ang utak ko.

Tinignan ako ng masama ni Papa at umiwas nalang ng tingin sabay iling. Ayokong mapagod yung katawan ko. Kung kaya ko namang gamitin ang kapangyarihan ko bakit hindi.

"Ilang beses ba naming sasabihing walang gagamit ng kapangyarihan?"

Tanung ni Mama sakin.
Umupo nalang ako at inayus na ng katulong na nasa tabi ko yung pag kakainan ko.
Hindi ako nasagot kila Mama at Papa. Ayokong nakikipag talo sa mga bagay bagay at desisyon nila.

"Cristel Oo nga pala. Bukas ay mag dadalawamput anim ka na. Kaya napag desisyonan na namin ng iyong Mama na ipakasal ka na kay Drake."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Papa. Mula sa pagiging isang dalagang kinulong nila sa selda ng kwarto ko ngayon naman ay ipapakasal nila ako sa lalaking hindi ko kilala? Hindi ko nagawang mag salita sa sinabi ni Papa. Bigla kong naalala yung panaginip ko. Totoo kayang nangyari yun?

"Magkikita na kayo sa susunod na araw."

Sagot naman ni Mama. Hindi ko pa din sila tinitignan. Dahil malinaw sakin ang lahat ng nangyari sa panaginip ko. Yun yung tanging nasa isup ko. Baka nga totoong mangyayari yun. Baka nga buhay pa si Kuya. Tumayo ako sa upuan ko at kumuha lang ng dalawang piraso ng tinapay at isang mansanas.

"pasensya na po mamaya nalang tayo mag usap."

Ang nag iisang bagay na pumasok sa isip ko ngayon ay yung kwarto sa panaginip ko. Yung kwartong nasa pinaka ilalim ng kaharian, kailangan kong puntahan yun.

"Trina bakit hindi ka nag sasalita?"

"Wala naman akong sasabihin."

"bakit parang may alam ka sa nangyayari sakin?"

"meron pero hindi ko pwedeng sabihin Cristel pasensya ka na. Gusto ko pang manatili sa tabi mo kaya hindi ko masasabi."

Umalis na si Trina sa paningin ko at hindi ko na sya nakausap. Hindi ko alam kung anung nangyayari pero kailangan kong malaman kung anu man yun. Bakit parang totoo yung panaginip ko. Sinu yung lalaking yun? Anung lugar yun?

Habang pababa ako sa pinaka ilalim ng kaharian, sinubukan kong hindi mag pakita sa mga kawal. Alam kong ipapadampot nila ako dahil pinag babawal na pasukin ang ilalim ng kaharian dahil andin daw yung Lion na alaga ng Papa. Pero sa panaginip ko hindi Lion ang nandun.

Nakarating na ko sa tapat ng pintuan at nakita kong nakasarado yun. Kaya gumawa ako ng sarili kong susi gamit ang kapangyarihan ko. Hindi alam nila Papa na hindi lang ang likas na kaalaman ko ang ginagamit ko. Dahil tinuturuan din ako ni Trina 

Sa panaginip ko sinabi daw ni Kuya na marami pa akong kailangang matutunan. Walang sinasabi sila Mama at Papa sakin tungkol kay Kuya pero alam.kong may kapatid ako dahil sinabi sakin ni Trina.

Pero yung Trina na dati parating asa tabi ko. Hindi na ko tinutulungan ngayon.

My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon