Nakarating ako sa hangganan ng nasasakupan ng kaharian namin. Ang palatandaan na ako pa ang pinag tusok ng minsa'y isinama ako ng aking Papa sa Pakikipag ayus sa kalabang kaharian.
"Cristel sa oras na humakbang ka palabas ng nasasakupan ng inyong kaharian mawawalan na ng bisa ang kapangyarihan mo."
Napalingon ako kay Trina. Si Trina ang isang dalagang Diwatang inatasang maging tagapag bantay ko. Ang amingbkaharian ang tinagurian ang kahirian ng mga salamangkero. Ang bawat isa samin ay marunong ng mabuti at masamang mahika. Pero pinilit ni Papa na ipag bawal ang pag gamit non para na rin sa kapayapaan. Ito ang dahilan kung bakit laganap noon samin ang digmaan.
"Ayokong mag pakasal Trina"
"Pwede mo namang tangihan."
"Hindi nila ko papakingan."
"Cristel mahihirapan ka."
Inisip kong maigi ang sinabi ni Trina. Hindi muna ako humakbang palusong kundi pumunta kami sa isang puno na malapit sa hangganan.
"Kapatid mo ang nag tayo nito Cristel."
Tinignan ko ang punong napaka yabong at hitik na hitik sa bunga. Sayang at hindi ko sya nakilala. Nalungkot akong bigla dahil sa naisip ko kaya lumipad si Trina papunta sa tabi ko. Si Trina ay parating may suot na gitnong sandalyas. Ito ang dahilan kaya sya nakakalipad.
"Wag mo nang masyadong isipin yun. Kung sakali mang tutuloy ka sa plano mong pag alis hindi kita iiwanan."
Ngumiti sya at inabot sakin ang prutas na hawak nya.
"Salamat."
May nakita akong isang manok na ligaw kaya tumayo ako. Wala namang makakaalam na gagamit ako ng kapangyarihang meron ako.
Dahan dahan kong tinaas yung kamay ko para palutangin rin yung manok nag simula na syang mag pagpag ng pakpak nya."Cristel baka may makakita."
"Takluban mo ang paligid Trina tignan mo may pagkain na tayo."
Mag kaibigan kami ni Trina mula pa ng bata ako. Ang sabi nya sa lahat ng inalagaan nya ako ang pinaka gusto nya. 695 na ang tanda nya pero dahil isa syang Diyosa hindi na nya iyun binibilang.
"Sige pero dalian mo."
"Oo na."
Nang mawalan na ng hininga ang manok nilinisan ko sya gamit ang tubig na pinalutang ni Trina.
"Ako gagawa ng silab."
"Hindi ako na"
"Ako na Trina"
"Ako na sabi baka masaktan ka."
"Ako na kaya ko na diba."
Tinuro nya ng kaliwang hintuturo nya yung mga baging kaya pinuluputan ako. Napaka lapastangan talaga nitong si Trina.
"Trin---"
Isang dahon ang nag mistulang takip sa bibig ko. Kumuha si Trina ng mga dayami at kapirasong kahoy. Inilabas nya ang kanyang kanang daliri at ikiniskis sa kahoy at nakagawa na nga sya ng silab.
"Wag mong aalisin ang taklob Trina baka may makakita sa atin."
"Alam ko."
Inubos namin ang isang ligaw na manok at ilang piraso ng mais. Ng mag hahapon na.
"Cristel. Wag mo ng gayahin ang kapalaran ng iyung kapatid."
Malungkot na sabi nya sakin. Nagitla ako sa mga marinig ko. Anung ibig nyang sabihin?
"Nasa mundo sya ng mga tao Cristel hindi sya namatay."
"Pero pano?"
"Katulad mo ayaw rin ng kuya mo na ipakasal sa isang prinsesang naging kasintahan nya noon. "
"Pero bakit? Kung nag mahalan naman sila?"
"Hindi ko alam ang dahilan. Iyun ang mag tulak sa kanya para tumakas. Mag simula non tinakwil sya ng hari at reyna. Kaya pakiusap pwede pang mag bago ang isip mo. Hindi natin alam ang mangyayari pag labas natin dito."
Yumuko ako at tumingin sa paa ko. Pero ayokong manatili rito.
"Tutuloy tayo Trina. Kung hindi ko na magamit ang kapangyarihan ko hindi na yun.mahalaga para sakin ayoko na dito. "
Yumuko si Trina sa harap ko tanda ng pag sangayun. Ang hangganan ng aming kaharian ang lagusan papunta sa ibang mundo. Sa mundo ng mga tao. Pero tanging ang kaharian lamang namin ang nakakaalam ng lagusan. Nauna sa Trinang lumipad. Dahil kagabi pa ko nag lalakad. Ginamit ko na rin ang pakpak ko para lumipad.

BINABASA MO ANG
My Melody (COMPLETED)
FantasyMaraming tao ang gustong maging princess. Little did they know the reality of being one. Meet Cristel, a princess from a different dimension na napunta sa mundo ng mga tao para maiwasan ang nakatadhang kapalaran nya bilang prinsesa. Meet Leon, a pri...