Chapter 18

611 16 0
                                        

Pumasok kami sa loob ng restaurant. Hindi ko mapigilang hawakan yung hem ng t-shirt nya dahil sa kabang meron ako. Gusto kong gamitin yung kapangyarihan ko para mawala tong nararamdaman ko.

Kadalasan kasi dati nung nasa kaharian pa ko at inis na inis ako kala Mama at Papa dahil sa mga pinapagawa nila sakin. Ang madalas kong pang tanggal ng sama ng loob ay gumawa ng apoy. Gamit ang bibig ko. Kaya ang kadalasang tawag sakin ni Trina noon ay dragon.

Pero ngayon yung init na nararamdaman ko ay dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Wag kang kabahan, hindi sila nangangain ng tao."

Pag dating namin sa pinaka table. Nakita ko yung isang maputing babae na naka yellow na dress pareho kami ng kulay ng suot ngayon. Sa totoo lang si Trina yung nag design ng damit ko. Kaya ito ginawa nyang kulay.
Masasabi kong sya yung mommt nila kasi kamukhang kamukha sya ni Lance. Katulad ni Dylan hindi din sya ganun ka puti. Pero ang tangos ng ilong nya at napaka ganda ng labi nya.

Nag hila si Leon ng isang upuan at duon ako pinaupo. Kaya nakuha ko ang atensyon nilang lahat.

"Good evening po"

"Hellow my dear, ang saya ko naman at nakita ko na ang girlfriend ng aking anak."

Cheerful nyang bati sakin with matching beso. Hindi ko inaasahang ganito yung mangyayari na ganito nila ako kagaang tatanggapin. Though hindi ko PA nman talaga boyfriend si Leon.

"Ayieee HINDI MO PA ibig sabihin may pag asa"

Pag aasar nanaman ni Trina sakin.

"Anyenye Trina tumigil ka."

"tss masaya ka lang eh kasi akala girlfriend ka"

Hindi ko napigilang matawa sa sinabi nya. At nangunot nuo yung mommy ni Leon.

"Why?"

"ay kasi po hindi po ako girlfriend ni Sir Leon. Secretary po nya ako"

Palusot ko. Napapamewang naman yung mommy nya at tinignan si Lance ng masama. Si Lance nga pala kasi yung nag chismis na girlfriend ako ni Leon.

"Lance?"

"Mommy kayo yung nag conclude hindi ako tapos ngayon?"

"hmm whatever."

Napaupo na lang sya at ngumiti sakin.

"I know you will soon to be, right Leon?"

"Mom stop it"

Nag tawanan si Leon at Lance. Naalala ko tuloy sa kaharian. Kung sana ganito lang kami ka close ng mga Mama at Papa, kung sana naabutan ko lang si Kuya.

"So everyone is here?"

Tanung ng bagong dating na lalaki. Para akong nakakita ng multo sa itsura nya. Isa syang moreno at matangkad na lalaki. Hindi katangusan ang ilong pero masasabi mong hindi rin pango at may makapal na labi na kulay makopa.

Nang napatingin sya sakin. Nakita ko rin yung gulat sa mga mata nya. Hindi pa kami nag kikita kahit na kailan pero kamukha talaga sya ng Papa. Biglang uminit yung kwintas na suot ko. Ito yung kwintas na binigay sakin ni Mama noong kaarawan ko ng 12 years old ako.

"Ow Lance who is this beautiful young lady?"

"Honey I look more beautiful than her"

Natawa naman yung Daddy nila. Sa pag tawa nya mas lalo kong nakita si Papa.

"Yes you do Honey, so Lance who is she?"

"Ahm Dad meet Cristel my secretary and as what mom says my soon to be girlfriend"

Napahawak ako sa pants ni Leon dahil sa sinabi nya. Biglang natuwa yung puso ko. Nag iinit na talaga ko. Parang gusto ko ng sumabog.
Napansin ko si Cristel na nakangiti sa tapat ng Daddy nila Leon. Hindi sya sa Daddy nila nakatingin. Pag tingin ko sa tabi ng Daddy ni Leon. Nanlaki yung mga mata ko bigla pero hindi ko pinahalata. Para kong napako sa kinauupuan ko.

"Trina sinu sya?"

Pero hindi ako pinakingan ni Trina nag ngingitian lang sila nung isa pang dyosa na nasa likuran ng Daddy nila Leon.

Tinignan ko yung Daddy ni Leon at nakita ko namang nakatingin sya sa direksyong kinauupuan ni Trina tapos napatingin sya sakin.

"Hi Cristel, I'm Leon's Dad. Isang tanung lang para sa sinasabi ng anak kong magiging girlfriend nya."

biglang huminto yung oras sa lahat ng tao sa paligid naming dalawa kami nalang nila Trina at ng dyosang kasama nya ang nakakapag usap usap.

"Trina sinu sya?"

Lumitaw si Trina sa tabi ko at inilapit ako sa Daddy nila Leon.

"Sya ang kapatid mo Cristel. Mahal na prinsepe Michael II isang magandang araw"

Yumuko at ngumiti lang yung sinasabi ni Trina na kuya ko. Tapos lumapit sya para yakapin ako.

"Hindi ko alam na mag kikita tayo rito. Pero natutuwa akong makita ang prinsesa ko"

"ikaw ba talaga yan? Kuya?"

Humiwalay sya sa pag kakayakap sakin at hinalikan ang kamay ko.

"oo ako nga. Hindi mo na ko naabutan. Pero mahabang kwento para dyan. Ang mahalaga nagkita tayong dalawa. Pero bakit ka napunta rito?"

Napasimangot ako sa tanung ni Kuya. Masaya akong makita ang kuya ko. Pero hindi ko alam kung paano yung ganitong sitwasyon. Kung anak ni Kuya si Leon ibig sabihin hindi kami pwede para sa isa't isa. Unti unting nadurog yung pag asa at tuwang nararamdaman ko.

"Ipapakasal sana ako ng Mama at Papa. Pero ayoko kaya nag pasya kong tumakas. At hanggang sa nakilala ko si Leon. Na pamangkin ko."

Nakita kong nalungkot sya para sakin. Pero hinawakan nya ang ulo ko at niyakap ulit ako.

"Ampon lang namin si Leon. Akala namin ni Nancy hindi kami mag kakaanak kaya nag ampon kami. Pero nabuo si Lance. Si Lance ang pamangkin mo."

Biglang humarang sa usapan namin si Trina.

"Cristel sya si Trixy ang kapatid ko"

"magandang araw mahal na prinsesa"

"magandang araw. Trina kMukha mo sya pero mas maganda sya"

"ah gnun?"

"nag bibiro lang, pero may tanung ako. Bakit nagagamit ni kuya yung kapangyarihan nya?"

"dahil lalaki ako"

Sagot ni Kuya.

"bumalik na tayo sa kanila Cristel. Muli natutuwa akong makita ka."

At binalik na nga ni Kuya ang oras.

"Dad anung itatanung mo?"

Tanung ni Lance, ng pamangkin ko.

- - -

Hi Indira here's chapter 18. Hellow guys dont forget to support my stories by tapping VOTE and comment na rin :)





My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon