Chapter 2

1.1K 43 1
                                    


  Hindi ako nahirapang lumabas ng kaharian para makatakas. Alam kong sa pag tapak ko sa lupa sa labas ng aming kaharian ay magiging magulo ang nasasakupan ng Papa. Hindi sila papayag na makatakas ako. Pero hindi rin naman ako papayag na maikasal sa taong hindi ko kilala. Wala akong pakialam kahit pa sila ang mag sasalba samin. Nag patuloy ako sa paglalakad. Inalis ko ang lahat ng mga palamuti sa katawan ko. Hindi ko rin inilagay ang polbos na parating pinapagamit sakin ng aking Mama. Nangmakarating na ako sa bukana ng kagubatan. Nag simula na ring lumalim ang gabi. Hindi ako takot sa dilim kung tutuusin mas gusto ko ang gabi kaysa araw.

 "Alam kong magagawa kong malagpasan ang nasasakupan ni Papa kailangan ko lang mag tyaga." 

Dahan dahan ang bawat lakad ko dahil alam kong pwede kong magising ang mga mababangis na hayop dito. At hindi nga ako nag kamali. May malakas na kaluskos na nanggaling mula sa likod ko. Humarap ako ng dahan dahan pero walang uso rito. Hindi ko inalis ang posibilidad na nasa harapan ko yung mabangis nahayop kaya nilabas ko ang espadang na regalo naman sa akin ng yunuko. Mabilis kong tinagpas ang nasa harapan ko. Pero isa ring bakal na espada ang natamaan ko.

 "Anung ginagawa mo sa gitna ng gubat sa ganitong oras ng gabi munting binibini." 

Hindi ko ibinaba ang espada at nakatutok pa rin ito sa lalaki. 

"Kailangan kong makalayo sa lugar na ito."

 "At anu namang dahilan ng pag layo mo ng mag isa?"

 "Hindi mo na kailangan malaman."

 Diniinan ng mariin ng lalaki ang espada nya sa espada ko. At nilapit ng sobrang lapit ang mukha nya sa akin.

 "Isa akong kawal ng kaharian responsibilidad kong protektahan ang aking nasasakupan."

 Inilabas ko ang sing sing ko. At ng makita nya ito walang dalawang isip syang lumuhod at nanghingi ng tawad. 

"Patawad mahal na prinsesa. Hindi ko po kayo nakilala."

 "Hindi mo kailangang lumuhod. Tumayo ka. Hindi dapat malaman ng aking Ama at Ina na nakita mo ako."

 "Pero kamahalan." 

"Sumunod ka sa sasabihin ko."

 "Pero kamahalan papatayin po nila ako kapag nalaman nila ang lihim mo."

 Tumalim ang tingin ko sa kawal. Hindi ko pa nararansang pumatay ng tao sa tingin ko ngayon ay magagawa ko ng mabahiran ng dugo ang palad ko.

 "Gagawin ko ang lahat para lang hindi ako maikasal ng magulang ko sa kahit na kanino."

 Ito ang nabangit ko sa isip ko. 

"Pwes ako ang papatay sayo."

 May narinig akong kaluskos mula sa kanan. 

"Ama nakakuha po ak---"

 Nakita ko ang isang paslit na may hawak na gintung bulaklak.

 "Wag kang lalapit anak." 

Sigaw ng kawal. Nakaramdam ako ng awa ng makita ko kung gaano nya kamahal ang anak nya. 

"Hayaan mo na kong makaalis. Ayokong mabahiran ng dugo ang palad ko."

 Napayuko ang kawal sa sinabi ko. Alam kong may mabigat na parusa ang ibibigay sakanya ng aking Ama kinabukasan pag sapit ng umaga. Inilabas ko ang isang piraso ng hikaw.

 "Kinabukasan pag sapit ng ika-pito ng umaga ibigay mo to sa iyong pinuno sabihin mong natagpuan mo ito sa gitna ng gubat." 

Kinuha ko ang punyal ng kawal at hiniwa ang gilid ng aking palad at tinuluan ang hikaw. Ito nalang ang paraan para isipin nilang nasalakay ako ng mabangis na hayop. 

"Opo kamahalan."

 "Aalis na ko."

 "Pwede nyo pong gamitin ang aking kabayo."

 "Wag na mag tataka lamang sila at pag hihinalaan ka."

 "Dalawa po ang aking dala. Isang bisiro ang isa."

 "Ibigay mo sakin ang bisiro."

 Ibinigay nga nya ang isa. Nag simula akong mag lakbay patungo sa dulo ng kakahuyan. Hindi ko inisip ang oras dahil ang mahalaga makaalis na ako rito.  


I JUST WANT TO SAY HELLO TO SWIFTIES. THIS BOOK WILL BE USING TAYLOR SWIFT SONG SO YOU CAN ENJOY READING ^_^

My Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon