After 3 1/2 years nakabalik din ulit dito sa office. Madaming nag bago sa loob ng halos ganun katagal na panahon. Madaming bagong employee at yung iba naman sila sila pa rin. Pero ang mas nakakapanibagong bagay. Yung si Leon nagagawa ng asarin ako sa isip ko. Dati si Trina lang ang nakakagawa nito sakin pero ngayon pati na sya.
Speaking of Trina. Ang tagal ko ng hindi sya nakikita.
"She's with Lance"
Sagot ni Leon sakin.
"Anu?"
"kasama sya ni Lance sa California"
"At bakit?"
"Ay oo nga pala wala nga pala kayong kaalam alam na nakikita ko kayo."
Natatawa nyang sagot sakin. Pero hindi ako natutuwa.
"Hoy Trina asan ka?"
Inis kong tanung kay Trina kasi alam kong naririnig nya ko kahit gaano pa kami kalayo sa isa't isa.
"Nag gagala lang magaling ka na diba"
Masaya pa nyang sagot sakin akala nya siguro natutuwa ako. Kaya pala ayaw nyang sabihin sakin yung dahilan kung bakit parati syang nawawala dahil pala kay Lance. Late ko nalang rin na realize na makikita nga talaga sya ni Lance dahil anak ng diwata si Lance kaya posibleng may kapangyarihan sya.
Sinarado ko saglit yung utak ko. Nag tataka kasi ako kung paanong nag karon si Leon ng kapangyarihan samantalanag pinag aralan lang naman yun ng tatay nya at wala namang kapangyarihan si Adelle kaya saan nya naman yun makukuha.
Nagising ako sa biglang pag yakap ni Leon.
"Bakit hindi mo binubuksan yung isip mo? Kanina pa kita tinatawag.?"
Nag aalala nyang tanung sakin. Napansin ko na lng na ang dami ng bubog sa paligid at puri na sugat na unti unting nagaling yung mga braso nya.
"Anung nangyari?"
"nanakot na sila Cristel."
"Sila?"
"Yung mga kawal galing sa kaharian nyo. Nakita ka na nila."
"Si kuya"
Agad kong kinuha yung phone ko para tawagan si Kuya pero out of coverage area sya. Lumabas kami agad para tignan yung mga employee at lahat sila nasa ilalim ng mga desk. Yung floor lang namin yung inatake ng mga kawal na galing sa kaharian. Tumawag naman agad si Leon ng emergency para sa mga nasugatan. Mabilis na kumalat yung balita sa nangyari sa building namin kaya ang daming mga reporters at imbestigador dun sa building mga ilang oras lang yung lumipas.
"Sir anu po bang nangyari?"
"Hindi din po namin alam basta bigla nalang may malakas na hangin na dumaan kaya nabasag yung mga salamin."
"pero bakit po yung inyo lang?"
"yun po ang hindi ko kayang sagutin."
Pinastop na ni Leon yung interviee at umuwi nakami sa bahay. Napagamot na lahat ng mga employee na nasugatan.
"What happen?"
"Dad andito na sila."
Tumingin sakin si Kuya like how-did-he-know-look. Pero ayoko ng mag paliwanag.
Kasi sa mga oras ngayon ang nararamdaman ko nalang is takot."cristel wag ka na matakot. Andito kami"
Napatingin ako sa boses ng babae sa likod ko. I know it's Trina pero sounds like living people na sya kaya napatanga ko nung nakita kong nakaakbay sa kanya si Lance.
Damn she's so hot. Pareho talaga sila ni Trixy."Alam.kong maganda ko wag ka ng tumanga jan."
"Hmm Dad sorry"
Yun lang yung nasabi ni Lance. Alam na rin pala nya yung kakayahan nya. Hindi ko gets kung bakit nama kailangan ni Kuyang itago sakin yung mga bagay na yun. Peri hindi naman kasi yun yung mahalaga ang dapat kong isipin ngayon kung bakit si Trina kasama si lance.
"Nakakainis ka Trina hindi mo sinabi sakin yan."
Nag walk out ako sa harap nilang lahat. Nag tatampo talaga ko sa kanya. Samantalang ako naman sinabi ko lahat wala nga akong mailihim tapos sya ganito? Yung totoo lahat sila may alam tapos ako lang hindi?"
Nag kulong ako sa kwarto ni Leon/ kwarto namin. Para man kaming live in hindi naman talaga as in. Hindi ko hinayaang buksan nila yung pinto. Kahit pa sinu sa kanila.
"Cristel sasabihin ko naman kaso ayokong makaabala sayo."
"abala? Kahit minsan hindi kita tinuring na abala Trina. Nangako kang sasabihin sakin lahat tapos ngayon malalaman ko kaya mo pala gustong maging tao kasi dahil sa pamangkin ko."
"ayaw mo ba ko para kay Lance?"
Malungkot nyang tanung sakin.
Hindi naman kasi sa ayaw ko. Ang kinakainis ko bakit hindi nya agad sinabi sakin. Best friend nya ko.
"Hindi sa ayaw ko. Naiinis lang ako kasi hindi mo sinabi sakin agad. Bestfriend tayo diba."
Natahimik sya sa sinabi ko. Dapat lang dahil ako ang tama.

BINABASA MO ANG
My Melody (COMPLETED)
FantasyMaraming tao ang gustong maging princess. Little did they know the reality of being one. Meet Cristel, a princess from a different dimension na napunta sa mundo ng mga tao para maiwasan ang nakatadhang kapalaran nya bilang prinsesa. Meet Leon, a pri...