All About Him

15K 247 9
                                    

Dollar's POV

Nilapitan ko ang pool table kung saan nakapaligid ang grupo ng mga kalalakihang parokyano ng Al's restaurant. Tinitigan ko nang masama ang isa sa kanila. 

Sabi ng kaibigan kong si Moi kapag daw tumititig ako nang masama, nakakatakot daw. He calls it my tiger look. I even practiced it in front of the mirror. Marami kasi akong karanasan na hindi ako sineseryoso ng mga kakilala ko kapag nagagalit ako dahil masyado daw akong cute, hindi ko alam kung matutuwa o mas magagalit dahil doon.

Naramdaman ng isa ang presensya ko at binulungan ang mga kasamahan.  Natahimik at napatingin sila sa direksyon ko. Pati mga naglalaro ng bilyar sa ibang table ay napatigil na din at nakiusyoso sa ginagawa ko. Ilang segundo ring ceiling fan lang ang maririnig. Hindi ko pa din hinihiwalayan ng masamang tingin ang lalake at iniiwasan kong kumurap.

"Maglalaro ka nang maayos o mambabastos ng mga waitress dito?" seryosong tanong ko.

Hindi sumagot si TakBoy pero pagkatapos tumikhim ay iniwas na ang tingin sa waitress na kanina pa niya pinagkakatuwaan.   Namukhaan na niya siguro ako na pamangkin ng may-ari ng Al's.

Binigyan ko ng huling tingin ang mamang mukhang goon at bumalik sa counter kung saan ako nagbabasa ng magazine kanina. Lihim akong napangiti, nama-master ko na yata ang tiger look ko, bwahaha!

Mayamaya pa ay bumalik na ang nakasanayang atmospera sa lugar. 

Nandito ako sa pag-aaring restaurant and billiards ni Uncle Al, ang ex-navy kong tiyuhin na umampon sa'kin nang maulila ako nang apat na taong gulang pa lang. Itinayo ito ni Uncle nang magbitiw siya sa serbisyo. Bata pa lang ako ay tumutulong na 'ko sa mga trabaho dito. Hindi naman ako inoobligang magtrabaho pero nasanay na din ako at mas gusto kong tumuloy dito sa bilyaran pagkatapos ng klase o kapag weekends. 

Malayo ito sa mismong city. Hindi lang paglalaro ng billiard ang dinadayo dito, pati na rin ang mga specialties ni Uncle. Maganda rin ang ambience at mahigpit si Uncle pagdating sa kalinisan. Ang mga customer namin ay mga biyahero, at mga karaniwang parokyano. Pero karamihan sa kanila ay mga lalake at karamihan sa mga lalakeng iyon ay mga siga, tambay, basagulero at kilalang mga pasaway sa bayan namin. Hindi maiiwasan ang gulo pero magaling namang sumawata ng away si Uncle.

'Atsaka matakot sila sa Uncle kong malaki ang katawan dahil sa nakasanayang training sa navy no. Kahit pa nga may edad na rin.

Nilibot ko ang tingin sa mga kalalakihang naglalaro. Okupado lahat ang sampung billiard tables. Wala si Uncle ngayon kaya may malalakas ang loob na magsiga-sigaan katulad na lang ni TakBoy.

Hindi ako natatakot. Bata pa lang kasi ako ay tinuruan na 'kong lumaban at ipagtanggol ang sarili. Hindi naman ako tipong magpapasimula ng gulo kahit may pagka-pasaway ako minsan. Hindi ko lang ma-take na may nakikita akong binabastos lalo na mga bagong waitress dito.

'Yung ginawa ko kanina, alam kong hindi ikakatuwa ni Uncle kapag nalaman niya. Pwede ko nga naman na tawagin si Kuya Baste, isa sa mga tagakuha ng tong. 

"Oy tisay, ako na diyan." Kinalabit ako ni Ate Inday. Siya talaga ang cashier pero dahil nga saling pusa lang ako sa mga trabaho dito ay ako ang pumapalit sa mga nagte-take ng break na mga nagtatrabaho dito.

Bitbit-bitbit ko ang binabasa 'kong magazine papunta sa kusina. Hinanap ko si Euna, part-timer siya dito at pareho din kami ng University na pinapasukan, magkaiba nga lang kami ng course. Third year na siya sa course na HRM samantalang BS Chemistry naman ang akin at first year pa lang ako.

"Oy Dolyares! Bakit hindi ka pumasok ha?"Lingon niya sa'kin habang naghuhugas ng mga pinggan.

"Bakit, ikaw din naman ah!"

"Syempre, may duty ako," sagot niya at nagkibit-balikat lang.

Miyerkules lang ngayon. May event ngayon sa University, hindi ko alam kung ano. Basta ang alam ko lang ay walang mga professors na magka-klase at hindi rin required ang attendance sa kung anong event na iyon. Kaya hindi na 'ko pumasok. Siguradong maraming tao sa school, at iyon ang ayaw ko, ewan, nahihilo ako pag nakakakita ng maraming tao. Buti sana kung ang makikita ko lang ay si Unsmiling Prince... sitting coolly on his throne. *Dreamy eyes

Pero malas ko lang noong Lunes nang hapon kasi nakita ko si Stacy sa room na iyon and that's when I knew na iyon pala ang office ng Students' Council. Hindi na 'ko tumuloy, baka sirain pa ni Stacy iyon ang paghahanap ko sa imaginary barya ko at ang moment sana namin ni Unsmiling Prince.

Well, nalaman ko naman ang name niya, Marionello Flaviejo, nakita ko kasi siyang lumabas sa room ding 'yon at narinig ko nang tawagin siya ng isang babae na estudyante rin.

Hmn... Ano kayang posisyon niya sa SSC?

Pabangong gamit? Bango eh, naamoy ko ng konti. Halata ding maganda ang katawan kahit naka-upo. Paano kaya yun mag work-out? Naka-short? Naka-boxer? O naka--

"Aaaah! Ano ba 'yon?" nabigla ako nang makita ko na lang na may nagliliparang bula sa harap ng mukha ko.

Sinabuyan na pala 'ko ni Euna.

"Ano na namang devilish thought ang iniisip mo ha?" tanong niya, naka-arko pa ang isang kilay.

Kilala niya talaga 'ko.

"Huwala ah." Kaila ko at binuklat-buklat ang magazine.

Hmp! Bakit ba ito pang magazine na 'to ang nabili ko, FHM na lang sana. Itutuloy ko na sana ang pagbabasa nang may maalalang itanong kay Euna.

" Eufrocina," tawag ko sa kanya, enjoy na enjoy siya sa pagbabanlaw ng mga baso.

"Hmn?"

"May kilala ka bang Marionello Flaviejo?"

"Bata o matanda? Well kung 'yong old Marionello Flaviejo, iyon 'yong pinakamayaman na negosyante at ranchero dito sa North at may chika din na isa rin siya sa mayayaman sa buong Pilipinas. Maraming negosyo here and abroad. At ang ninuno niya ang pinagmulan ng pangalan ng bayang ito. ''

"Eh 'yong young na Flaviejo?" and fresh and exciting, hehe!

Natigilan siya bigla at mabilis na humarap sa'kin.

"Si Rion? Si Rion na apo ni Don Marionello, third year Business Educ student, age is 19, 6 feet tall at yung weight niya ay nire-research ko pa, his wheels, Lamborghini Reventon at president ng SSC. Landslide ang kalaban niya noong nakaraang botohan. Ewan ko nga ba sa kalaban niya kung bakit kinalaban pa ang isang Marionello Flaviejo III. Eh with Rion's brain and popularity, wala na siyang binatbat."

Ah si Rion pala ang kalaban ng binoto ko sa pagka-presidente. Hindi ko naman kilala kung sinu-sinong partido ang mga naglaban sa SSC.

"At 97% ng population ng mga bumoto ay kanya at 90% sa mga yon ay kababaihan na syempre, pinangungunahan ko, bwahaha! He is always just and fair, sa tingin ko nga ang administrasyon niya ang pinakamaraming nagawa." At pinahid pa ni Euna ang dalawang kamay sa apron na suot at nakigaya sa'kin sa pagkakasandal sa gilid ng lababo..

Kapag napakwento talaga siya ay nakakalimutan na ang trabaho. Tunog bias si Euna pero sa tingin ko totoo naman lahat ng sinasabi niya tungkol kay Rion.

"At grabe 'day ha, balita ko ang mga nagiging girlfriend no'n ay mga beauty queen o kilalang persona sa ibang exclusive schools din pero ilang linggo lang ang tinatagal, oh 'di ba ang cool, me pagka-playboy pa ang lolo mo. At grabe 'pag nagsalita na, mapapatunganga ka dahil parang sa bibig niya nanggagaling ang drive mong mabuhay!"

Exaggerated talaga 'tong si Euna kahit kalian. Pero kung si Euna pa lang ay ganito na ang sinasabi tungkol kay Rion, ano pa kaya 'yong ibang mga babae sa school? Isang sentence pa lang ang itinatanong ko ay andami na agad nasabi niyang nasabi. Reliable talagang kunan ng impormasyon 'tong babae na 'to.

"Iyon nga lang..." malungkot na sabi ni Euna at parang naalala bigla ang paghuhugas ng mga pinagkainan.

"Ano?"

"Ang mga lalakeng tulad ni Marionello Flaviejo ay mas maganda lang pangarapin at pagnasaan mula sa malayo" at humagikhik pa siya.

Hmn... 

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon