The Pyromaniac

9.1K 191 10
  • Dedicated kay pyromaniacs out there
                                    

Dollar's POV

I LOVE WARMTH. AND I LOVE BURNING THINGS. I START FIRE. AND I LOVE IT. YES. I'M A PYROMANIAC. 


"Dollar Mariella Viscos!"

Minulat ko ang mga mata ko at tiningnan ang pumasok sa elevator. Tsk. Tsk. Tsk.

Kapag minamalas ka nga naman, si Stacy pa ang makakasabay mo sa elevator.

"Ugh! You call yourself a student sa ganyang ayos! My Gosh!" at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Ewan ko sa taong 'to kung ginagawa lang niya ang tungkulin niya bilang SSC officer o matindi lang talaga ang insecurity niya sa 'kin. 

"Where is your vest?" singhal niya sa 'kin.

"Nasa locker," patamad kong sagot.

"At ang locker mo ang magsusuot ng vest mo?!"

"Ganoon na nga." Sagot ko at pumikit.

Sakit kasi ng ulo ko. Parang may pumipitik sa sentido ko. 

"At bakit mo ginagawang ponytail ang necktie mo?" Mataray pa din niyang sita.

"Wala lang. Style."

Ang totoo, init na init na 'ko at feeling ko sinasakal ako ng necktie ko. Hay... Masama talaga ang pakiramdam ko. Dahil siguro naambunan ako kahapon.

"You're a walking trash! At naturingan kang estudyante ng University na 'to? And look at your skirt! One inch above the knee ang nasa rules pero ginawa mong miniskirt!" 

"Stacy, dear, one inch above my knee yan pero tumangkad yata ako kaya umikli. And what's wrong with showing off my legs? Gumaya ka kung gusto mo." Pagtataray ko sa kanya. 

Sumosobra na talaga 'to ah. Walking trash niya mukha niya. Maraming nagka-crush sa walking trash na katulad ko. Not that I'm glad about that. Wala akong pakelam sa kanila. But this is the style I want.

"Hindi ikaw ang babaeng gagayahin ko! Remember this, Viscos, madadala din kita sa Discipline office!" at nagmartsa siya palabas ng elevator. 

"Whatever you say." I rolled my eyes.

Good. Walang habulang nangyari.  Sumandal ako sa wall ng elevator at pumikit.  

*Napamulat lang ako nang marinig kong bumukas ang elevator. 

Teka! Nasaan na 'ko? Sixth floor? Haist! Sa sobrang inis ko kay Stacy ay hindi ko na naalala na dapat sumabay na 'ko sa kanya palabas kanina. 

Pero sige na nga, mag-a-ala Dora the explorer muna ako dito sa 6th floor. Malapit dito ang SSC office, baka makita ko si Unsmiling prince at mawala ang sakit ng ulo ko. 

And indeed!

Nakita ko nga siya! Nakita ko siya nang lumiko ako sa dulo ng hallway... With a girl... Nakasandal si Rion sa pader, with his hands tucked in his pockets. And the girl is biting gently his neck while murmuring something. She gave him a smack on the side of his lips. Que horror!

"Call me." Narinig kong sabi nong babae.

At binigyan pa si Rion ng seductive smile bago umalis.

Lalong sumakit ang ulo ko ah!  Ugh! Anong sinabi ng skirt ko sa micro-mini-skirt ng babaeng yun! Iyon dapat ang hinuhuli ni Stacy!

At anong klaseng eksenang landian iyon?! Gusto kong magselos! 

Napabalik tuloy ako sa pinanggalingan ko kanina. Sakto naman may mga lumabas na estudyante sa elevator. Pumasok ako at pinipindot ko ang button ng ground floor nang may pumigil sa pagsara ng elevator.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon