Love On Fire

7.7K 175 43
                                        

Rion's POV


How does this girl think that my tattoo symbolizes another girl much more Sherry? But then again, paano niya din maiisip na siya ang kahulugan ng tattoo ko? At kahit sinabi ko na, pinagtawanan lang naman ako. Tss!

Paano niya naisip na nag-jo-joke ako? Hell! Ni wala sa bokabularyo ko ang salitang joke.

Nilingon ko siya na abalang naglalaro sa tablet niya at parang nakalimutang kasama niya ako. She's back from her usual self.

Memories from the past six years flooded my vision before I could stop them...

Pagod kaming humigang tatlo sa maduming basement ng Al's Restaurant matapos ang ilang oras na pag-aaway. Si Moises, ang labindalawang taong gulang at pinakabata sa 'min ay kanina pa naghihilik.

Bumangon ako at pinatong ang dalawang siko sa mga tuhod ko. Kumirot ang iba't ibang parte ng katawan ko sa ginawa kong iyon. Kinapa ko ang mukha ko at napa-igik dahil sa sakit mula sa mga tinamong pasa galing kay Moises at Zilvestrio. 

Mahina akong napamura nang maisip ang magiging reaksyon ni Lolo kapag nakita niya ang kondisyon ko. Hindi ako natatakot sa mga sasabihin niya kundi sa gagawin niyang pagpapadala na naman sa 'kin sa kung saang bansa. Hanggang ngayon ay umaasa pa din siya na titino ako. Sa loob ng walong taon mula nang mangyari ang trahedya sa pamilya, sinasama na 'ko ni Lolo sa iba't ibang bansa kung saan siya nagpapalago ng negosyo at para doon din ako mag-aral. 

At hindi na mabilang sa daliri ang iba't ibang mga school na napasukan ko. Palipat-lipat ako dahil sa mga gulong sinangkutan ko, mula sa basag-ulo, alak, sugal at iba pang bisyo. At hindi din miminsan na napapadpad ako sa detention cell para sa mga kabataang katulad ko na walang ibang ginawa kundi gulo.

Naputol ang pag-iisip ko nang makitang bumangon si Zilv at nagbato ng kung ano sa direksyon ko. Hinawi ko iyon ng braso ko at sinugod siya.

Ang lalakeng 'to ang nanggitgit sa'kin kagabi sa karera kaya hindi ako nanalo. At dahil pareho kaming aminadong may kadayaan, kami ang nagpasimula kagabi ng riot ng mga kabataang pare-parehong walang magawa sa buhay. Siya at ang kasama niyang bata na si Moi ang nagtulong-tulong sa'kin. Hanggang sa damputin kaming tatlo ng dalawang malaking lalake na nasa treinta pataas ang edad at dalhin dito sa basement.

Nagkubabawan kami ni Zilv at nagsuntukan hanggang maramdaman namin ang malamig na tubig. Binigyan kami ni Alvaro o kilala sa tawag na Uncle Al ng tig-isang suntok hanggang  maghiwalay kami. Nagising na din si Moi dahil sa ingay at panibagong gulo.

"Iyan na ang huling pakikipag-basag mukha ninyo! Naiintindihan ninyo?! Ikaw Rion---"

"Got it. But I won't sit my ass when that as*hole---"

"F*ck you!"

"Tigil!" Sigaw ulit ni Alvaro.

Pinahid ko ang dugo sa labi ko at binagsak ang sarili paupo. This is the longest fight I got in but the satisfying one.

Tiningnan kami isa-isa ni Alvaro at ilang mga lalakeng kasamahan nito na mukhang mga dating sundalo base sa tindig at bulto ng katawan. Naririnig ko ang pag-uusap nila pero hindi ko masyadong iniintindi. Sa tingin ko ay kinukumbinsi ng lalakeng dumampot sa amin ang pinaka-pinuno na nagngangalang Alvaro na isali kami sa grupo. Habang nakikinig sa sinasabi ay mataman kaming tinititigan ni Alvaro. Parang hindi sang-ayon ang mukha nito pero pagkatapos ng mahabang katahimikan ay nagsalita ito. Pinababalik  niya kami para sa mga dapat naming malaman tungkol sa grupo, pagkatapos niyon ay saka pa kami bibigyan ng ilang araw pa ulit para magdesisyon.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon