The Hot Intruder

7.7K 170 28
                                    

Dedicated sa'yo! Salamat po!


Dollar's POV

"I'm sorry, Powerpuff. God knows how much I wanted to make it to the party. I'm sorry. I don't know how to ask forgiveness from anyone. I know my style sucks but I... I...Damn it! I'm not really good with words... Again I'm sorry."

Medyo naalimpungatan ako sa naririnig ko at medyo nakikiliti na din dahil parang may bumubulong sa akin. The voice and the man's scent are really familiar.

Niyakap ko ang maliit na unan sa tabi ko.

"I'm sorry Dollar..."

"I forgive you na nga, kung hindi lang kita mahal, i-kiss mo na nga lang ako," sagot ko sa panaginip ko at ngumuso.

Teka, ba't alam kong nananaginip ako? Well, talented talaga ako. Pero wala naman akong nakikita, madilim.

May naramdaman akong dumampi sa labi ko. Hmm... ang lambot, sarap sa feeling! Pero ambilis lang, nawala na agad.

Hinabol ko yung bagay na humalik sa 'kin kahit nakapikit ako. Nabangga ako sa isang matigas na bagay, mukha 'to ng tao, panigurado, may nakapa akong ilong eh, hehehe! Kinapa ko ang labi niya at dinikit ang labi ko. Nilapat ko lang nang magaan, di naman ako marunong humalik.

Ano ba namang panaginip to, hindi ba pwedeng may powers ako na marunong daw ako kunwari humalik?

Biglang bumigat ang ulo ko sa antok at nag-landing naman ang mukha ko sa batok ng kaharap ko.

Aaah...heaven! Ang bango! Manly! This is the scent made to arouse desire. 

Ang sarap naman ng panaginip na 'to. Sana di na 'ko magising katulad ni Snow white, ay mali, si Sleeping beauty nga pala iyon. Pati ba naman sa panaginip natatanga pa din ako? Bumigat ulit ang ulo ko dahil sa antok kaya diretso bagsak ako pabalik sa kama.

"Powerpuff.."

"Hmm..?"

Pinilit kong bumalik sa pagtulog at sana mapanaginipan ko ulit iyong kanina. Hinanap ng kamay ko ang mga power-puffy-pillows para mayakap sila lahat. Pero may makulit na unan, ayaw magpahila. Hinila ko ulit pero parang nakikipag-agawan sa akin. At parang bakit ang kapal ng punda niya? Parang gawa sa maong? Hinila ko ulit siya at nagpahila na siya, pero kasabay niyon ay lumundo ang kama ko.

Niyakap ko ang unan at kinapa-kapa. Matigas? Isinampay ko ang binti ko sa 'unan' at niyakap pa siya nang mahigpit. Pero lalong naging intense ang katigasan niya? May talent din yata ang mga malalambot kong power puffy pillows sa panaginip ko, tumitigas sila.

May narinig akong tumikhim.

"Ang sarap mo talagang yakaping unan ka! Syempre, galing ka kay Unsmiling Prince eh!"

"Well, eherm... thank you."

"At sumasagot ka pa talaga ha, hehehe!" Napahagikhik ako.

Teka, nananaginip pa ba 'ko? Minulat ko ang mga mata ko at patamad na bumangon.

Madilim. Ang lakas din ng ulan sa labas.

"I'm sorry, nagising kita."

?___?

Binuksan ko ang lampshade sa tabi ko at parang may spring ang katawan ko na napatalon.

"RION?!!!"

Ohma!

Baliw ako kay Rion pero kahit kelan di ko naisip na magigising ako sa kalagitnaan ng gabi, katabi si Rion na prenteng nakahiga. Dito sa kama ko!

And you know that 'I'm all yours for the taking aura niya? Bumangon siya at umupo kaharap ko.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon