The Tattoo and Me

7.1K 125 9
                                        

Dollar's POV


"PUPUNTA 'KO SA TREE HOUSE?! HIHINTAYIN KITA!" sigaw ko.

Inangat lang ni Rion ang unan at nang makita ako ay tinaklob na ulit iyon sa mukha at bumalik sa pagtulog.

Fine.

Lumabas ako sa kwarto niya na isang oras ko ding dinistrungka ang lock. Sinipa ko sa hallway ang nakalas na doorknob. Tsk! Mapapalitan naman iyan.

Twenty seven ngayon eh. At saksi ang lahat ng brain cells ko nang yayain niya ako noong bago mag-Pasko na magkikita kami sa tree house tapos babawiin niya!?

Kainis! Kapag nagkakamabutihan na kami, may mangyayari't mangyayari para bumalik kami sa letsugas na suyuan na 'yan! Ano bang masama sa ginawa niyang pagpapakilala? Hindi ko sana matatanggap kung sinabi niyang lalake din ang gusto niya. Hindi dahil galit ako sa same sex attraction pero dahil kapag nangyari iyon... wala akong laban! Pero ang pinakilala nga niya ay iyong 'trabaho niya'. Hindi lang naman siguro siya ang nag-iisang pumapatay ng mga masasamang loob di ba?

Napa-iling ako sa naisip ko... ganoon nga ba kadaling tanggapin iyon? Pero syempre, oo! Given na na mahal ko siya kaya ko siya natanggap, pero hindi lang iyon dahil doon... simpleng dahilan lang na may problema nga yata ako sa pag-iisip at moralidad. Pero buti sana kung tanggapin ni Rion iyan kapag sinabi ko yan sa kanya.

Ah! Basta! Ewan! Maski ako naguluhan sa mga naisip ko. Ang alam ko lang ngayon ay malapit na 'kong mayamot sa pag-iwas niya sa'kin lalo na nang iwan niya 'ko kagabi. At pupunta ako ngayon sa tree house! Period! Dapat daw akong matakot sa kanya? Weh! Siya ang matakot sa 'kin kapag hindi siya sumipot sa tree house!

Mabilis akong nanligo at nagbihis at lumabas ng bahay. Nagpaalam na 'ko kanina kay Lolo kaya diretso na 'ko sa tree house. Pero napasubo yata ako sa suot kong gray sleeveles top na may bubble hem at kupas na short shorts dahil wala pa 'ko sa paanan ng bundok pero feeling ko mukha na 'kong gusgusin.

Hindi ko naisip na gubat nga pala ang papasukin ko. Tsk! Ang tanga ko talaga. At napatunayan kong hindi talaga pangbundok ang suot ko. Patunay na may galos na 'ko sa binti at pisngi dahil sa pagkasabit sa mga sanga.

Pero sa wakas! Nakarating din ako dito bago magtanghali. Umakyat agad ako sa tree house at buti na lang hindi naisipan ni Rion na i-lock ang pinto.

Malinis pa din ang tree house. At pantay-pantay na ang mga dingding. Katunayan ay may nakapintura pa sa isang gilid... Mas lumapit ako doon.

May nakapinturang kulay orange sa dingding sa kanan...  Akala ko abstract painting... pero nang pakatitigan ko ay nalaman kong may nabuong simbulo sa pinaghalong kulay orange at dilaw na pintura.

Parang katulad ng tattoo ni Rion...

And it was clearly not a letter S... dahil may vertical line sa gitna niyon. It's a dollar sign... A fiery dollar sign? A dollar sign on fire!


^^^^^^^^

Nagmamadali akong bumaba sa kariton pagkatapos kong magpasalamat kay Mang Ambo na nagpasakay sa 'kin pauwi. Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Rion. Sira pa din ang door knob kaya pumasok na 'ko. Mabuti na lang talaga na sinira ko ang pintuan niya dahil malabong pagbuksan ako ng lalakeng 'to kung kakatok ako.

Wala siya sa kama, pero halatang kababangon pa lang ng humiga doon. Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa shower kaya lumapit ako sa pinto ng banyo. Pero parang bigla akong tinalban ng hiya...

Baka naka-birthsuit pa si Rion... Parang gusto kong mamula... pero na-excite din ako.

Nawala ang lagaslas ng tubig sa CR at bumukas ang pinto ng banyo... Lumabas si Rion na nagpupunas pa ng twalya sa buhok. His bare magnificent torso still glistening with water pero nakasuot na ng maong na pantalon... na hindi pa naka-zipper... I gulped an imaginary lump.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon