Dollar's POV
Naki-usyoso 'ko sa mga naglalaro sa Billiards wing, dalawang araw na kasi akong hindi pumapasok sa school dahil nilagnat ako, siguro dahil sa sugat at pantal ko, wala tuloy akong ibang magawa.
"O taya ko, isangdaan, tangna mo Guste galingan mo!" sigaw ng lalakeng mukhang takas.
Nagkakapustahan na, magsisimula na kasi ang bagong laro. Tiningnan ko ang grupo ni Guste at ang makakalaban niyang si Lito.
Hmn... Mini-mini-mini-mo-si-nong-ma-na-na-lo? Ibalik-ibalik-sa-dating-an...yo? Tss! Nahilo 'ko dun ah. Okay, kay Lito ako, mas mukha siyang madaya eh, malamang siya manalo.
"Kuya Baste, pupusta 'ko!" sigaw ko.
Nagtinginan sa'kin ang mga lalakeng sari-sari na.
"Kanino?" Napapakamot siya ng ulo. Pinapayagan ako ni Uncle na tumambay dito pero hindi ako pwedeng makipusta. Pwede akong maglaro basta mga kaibigan ko lang at hindi sa mga customer na karamihan ay lalake.
"Kay Lito, kaso wala 'kong pera eh."
Napailing naman siya, nagtawanan lang ang mga miron.
"Doon ka na tisay, mapapagalitan ako ni Boss Al pag dumating siya." Alanganing pagtataboy sa akin ni Kuya Baste.
"Itataya ko na lang ang titulo ng lupa ng bahay ni Zilv, okay na ba 'yon?"
Mas lalo namang lumakas ang tawa ng mga lalake. Seryoso ako!
"Sige,sige," sabi na lang niya and gave me his bahala-na-nga-look.
Tiningnan ko si Lito na unang tumira, break shot pa lang may pumasok na sa kaliwang paket. Malaki ang kumpyansa ko na siya ang mananalo, bukod sa totoong magaling, magaling din talagang mandaya ang tropa niya.
At kung matatalo man ako, ba't ko naman ibibigay ang titulo ng lupa ng walang kamalay-malay na may-aring si Zilv? Takot na lang nila kay tatay Zilv, tiklop sila lahat doon.
Sumandal ako sa billiard table na nasa likod at nag-cross arms. Hay naku, mukang tumatagilid si Lito ah.
Lumingon-lingon ako sa paligid ng bilyaran nang maramdaman kong parang may nakatingin sa'kin. Hmm.... Wala naman akong nakita, lahat ay naka-pokus ang atensyon sa laban.
Binalik ko ang tingin sa mga naglalaro at nakigulo sa kanila nang manalo si Lito. Ha! Sabi na! Sinahod ko ang kamay ko kay Kuya Baste at binigyan niya 'ko ng... beinte pesos? Hmp! Ayos na din to.
Lilipat na sana 'ko ng kabilang mesa kung saan may mga nagpupustahan din nang mapatunganga ako nang umikot ako... "Rion?!"
Nakasandal siya sa kaninang sinasandalan ko. Dressed in his jeans and white T-shirt. At naka-baseball cap pa. Dang! Sa tangkad at dating niya, mukha siyang modelo. Tama lang ang laki ng T-shirt, hindi fitted pero kung gagalaw siya, mahahalata din ang mga muscles niya. At sa dami ng mga lalakeng nandito, presensya lang ni Rion ang pinakamalakas, para sa'kin. At kahit hindi ako sanay na makita siya sa ganitong lugar na magulo at maingay, okay din siyang ihilera sa ka-angasan ng mga lalake dito. Tsk! Tsk! Adjustable talaga ang kagwapuhan niya kahit saan!
"Rion! Salamat nga pala sa mga regalo mo ha!? Ang gaganda, lage ko ngang---"
"What happened to your face?"
Hanla! Panget nga pala 'ko ngayon dahil namumula ang mata ko dahil na-irritate nang tuluyan, may pantal din ako sa ibaba ng mata! Tinakluban ko ng kamay ko ang kalahati ng mukha ko. Pero nalipat naman ang tingin niya sa sugat sa siko ko.
He has now that questioning look on his handsome face.
"Ah...si... ano kasi..." Ano nga bang sasabihin ko?

BINABASA MO ANG
RION (Complete)
Romance[Filipino] Formerly BEWARE OF HIS SPELL Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviejo, the SSC President of their University. While she was doing everything to make her presence known to him, Rion was also doing ever...