Words from Two Guys

8.6K 160 19
                                    


Dollar's POV


Nakita ko si Moi sa harap ng Al's, nakasandal sa Harley niya at naninigarilyo. ( ?_ ?)

Hindi siya chain smoker at alam kong sinubukan nilang dalawa ni Zilv na manigarilyo bilang bahagi lang ng curiosity ng mga kabataan. Pero kapag ganito ang pagkakakunot noo niya at ganito ang paghithit niya ng sigarilyo malamang higit pa 'to sa babae... Pero dahil masaya 'ko ngayon at walang paglagyan ang kaligayahan ko, si Moi ang naisip kong puntahan ngayong hapon. Biyernes ngayon at wala ng pasok pagkatapos ng Halloween Festival...

And thinking about the last Halloween Festival... I can't help but giggle. Haay, masaya naman palang um-attend ng mga school activities!

"Psst! Moi!"

Tumingin siya sa 'kin at tinapakan ang sigarilyo niya.

"Bakit pagala-gala ka? Dapat natutulog ka sa tanghali nang tumangkad ka man lang."

"Yabang mo, samantalang noong mga bata pa tayo ay mas matangkad naman ako sa 'yo. Hmp! At saka hindi naman maliit ang 5'3 ah."

"Kahit na."

"Tsss! Mukhang problemado ka Moi ah, sinesermunan mo kasi ako, babae ba?"

"Kelan ko naging problema ang mga babae?" he tucked his hands in his jeans pockets.

Mukha talaga siyang problemado.

"Yabang mo, lage ka kayang problemado sa kanila."

"Hindi babae ang problema ko."

"Lalake?" Napamulagat ako sa kanya.

"Kutusan kita dyan?"

"Hahaha! Hindi babae at hindi rin lalake ang problema ni Moi... kung ganon...utang ng Pilipinas ang problema mo?"

 "Tss! Hindi."

"Eh ano?"

"Namomroblema 'ko sa pagiging usisera mo."

"Sige na Moi, clue?"

"Namomroblema 'ko sa..."

Tumingin siya sa sementadong parking at pinaglaro laro ng sapatos niya ang sigarilyo.

"Namomroblema 'ko sa... kagwapuhan ko, lalong nadadagdagan sa paglipas ng mga araw----ARAY! Bakit ka ba nambabatok?"

"Para malaglag yang kagwapuhang sinasabi mo. Tss! Pinuntahan kita kasi... Naiisip mo ba ang naiisip ko, Moises?"

"Malay ko sa isip mo. Isa lang naman ang nasa isip ng isang baliw na Dollar. Eh di si Rion."

"Wahahaha! You got it, Moi!" tumalon-talon ako sa saya.

"Tsk! Tsk! Para ka talagang ewan!"

"At yung mga pictures na hinihingi 'ko sa'yo..." 

(O_?)

Napakamot siya sa batok at sumampa sa motorbike niya.

"Late na nga pala 'ko sa usapan namin ni Zilv, sige dya---"

"Hep!"

Hinila ko siya sa laylayan ng T-shirt niya. Sabi na nga ba at hindi pa din niya nagagawa.         

 "Oy, huwag mong gusutin damit ko may date pa kami ni Rhia ,Tss! Oo na, baba na! Ugh! Kung hindi ka lang babae kinutusan na kita."

Nilahad ko ang mga palad ko sa kanya.

"Nasaan na?"

"Ahmn... ganito kasi ang nangyare... Nag-undercover ako para makuhanan siya ng pictures... tapos... noong pi-picture-an ko na siya... bigla akong nadulas dahil may balat pala ng saging... tumilapon ang camera... at nasira... tapos nakaalis na pala si Rion."

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon