Bespren Shamari and the New Friend

9.4K 153 12
                                        

Dollar's POV


Natigil ako sa paghahalungkat sa bag ko nang maalala ko na tinapon ko na nga pala ang golden lighter. Tsk! I have this familiar itch again to set fire.

"Stop this Dollar, before it harms you."  

Psh! Hinagis ko nang marahan ang bag sa kabilang bleacher. Oo nga pala, magbabagong buhay na 'ko. Bagong buhay... Pero parang wala akong motivation na baguhin ang kahit anong aspeto ng buhay ko. Kainis naman kasi si Unsmiling Prince! Dalawang linggo na simula nong may nangyari sa amin sa kotse niya? Teka, tama ba ang sinabi ko? Let me rephrase it, dalawang linggo na simula noong hinatid niya 'ko pauwi. At simula noon, iniwasan na din niya 'ko! 

But come to think of it, simula umpisa  naman talaga ay iniiwasan na niya 'ko di ba? Pero iba ngayon!

Ni hindi man lang ako mabiyayaan ng konting sulyap kahit alam niyang nasa paligid lang niya 'ko. As in, hindi man lang gumalaw ang eyeballs niya sa direksyon ko. Hinahabol ko siya lage sa hallway pero lumiko lang siya, nawawala na agad! Hindi ko na ulit marinig ang monosyllabic niyang mga sagot kahit bulong lang kahit anong pangungulit ko. Pumupunta lage ako sa parking pero usok na lang naabutan ko. Ang galing niyang umiwas, pumuslit at magtago! He's a total snob!

But well, I'm not Dollar Mariella Viscos if I will remain sitting here and do nothing. Tama! Tumayo ako at tiningnan ko ang relo ko. Alas-doce pa lang at may tatlong oras pa 'ko para mabago ang takbo ng love life ko. Ha!

Aabutin ko na sana ang bag ko nang mapansin ko sa ibabang bleacher si... Shamari? Yeah. Si Shamari nga. At napakunot noo ako nang makita ko siyang pinupunasan nang maigi ang bleacher ng isang minuto at pagkatapos ay sinapinan ng panyo at umupo?

Akalain mong may pagka-OC si bespren? Tiningnan ko siya habang bumababa ako papunta sa kinauupuan niya. Hmn....

Hapit na hapit ang pagkakatali ng buhok niya. Walang kumakawalang hibla at parang hindi man lang dinadaanan ng hangin. Samantalang ako? Basta ko na lang ginagapos nang mataas ang mahaba kong buhok at nag-uumalpas ang mga ilang hibla sa batok ko. Ganyan na lagi ang ayos ng buhok ko 'mula pa noon. Sa bahay lang ako naglulugay ng buhok. At ang uniporme ni Shamari? Tama ang pagkakalapat at sukat sa kanya. Siya talaga ang tamang imahe ng isang mabuting mag-aaral.

Now I know kung bakit ilag ang karamihan ng mga estudyanteng lalake sa kanya. Because she possessed the strict vibe. Iyong parang bawal magkamali sa harap niya. She's the type you may call a perfectionist. The prim and proper. 

*Evil grin. Yeah, the prim and proper Shamari, kaya enjoy siyang asarin. Nakalapit na 'ko sa tabi niya at nakita ko naman kung gaano niya punasan nang mariin ang kutsara at tinidor. May lunchbox sa lap niya.

"I'm so thankful at hindi mo pa nasusunog ang buong lugar na ito Viscos." She said without looking at me.

"Grabe ka naman Shahari, pyromaniac lang ako at hindi arsonist.  At ikaw ha, hindi mo sinasabi sa'kin na obsessive-compulsive ka pala. Pareho lang tayong neurotic, hahaha!"

Inirapan lang niya 'ko at tinigilan ang pagpupunas sa mga kawawang kubyertos. "There's nothing wrong to be clean."

"It's wrong if you're overdoing it."

"Whatever. Now, you go to wherever you want bago pa 'ko mawalan ng gana sa lunch ko."

"Bakit naman ako aalis  eh teritoryo ko kaya 'to?" Pagtataray ko sa kanya.

"Matagal na 'kong pumupunta dito bago mo malaman ang lugar na 'to, so I guess mas may karapatan ako kesa sa'yo," she said and made a face.

"Tss! So bakit ngayon lang ulit kita nakita dito?"

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon