Happy Dollar's Day

7.6K 141 35
                                    

Dollar's POV


Hindi ko inintindi ang nakataas na kilay ni Stacy nang makasalubong ko siya sa pathway. Kung di ko pa alam, naghahanap na siya ng rules at regulation na nilabag ko para isampal sa mukha ko.

Pero sorry na lang enemy number one ko, feel kong maging normal ngayon. Dire-diretso 'ko sa paglalakad. Balak kong magbagong-buhay. Ngayong araw lang na 'to. Pero hindi ibig sabihin niyon ay babaguhin ko na ang sarili ko at ang ugali ko. Sinadya ko lang talagang ilugay ang buhok ko, magsuot ng maayos na uniporme, magsuot ng ID, mag-alis ng pulang nail polish at maglakad nang normal sa halip na tumakbo. 

Hindi dahil sa heartbreak. At hindi dahil paraan ko din 'to ng pagrerebelde sa sarili ko. Kundi dahil ritwal ko na ito taun-taon.

Sa araw ng birthday ko at sa araw ng pagkamatay ng mga magulang ko... Tanda ko 'to bilang paggalang sa kanila. At dahilan din kung bakit ayokong i-celebrate ang birthday ko kahit kelan.

Inayos ko ang pagkakasukbit sa bag ko at naglakad papunta sa tagong bahagi ng University. Sa sanctuary.

Magpapalipas lang ako ng maghapon. Sigurado 'kong abalang-abala sila Uncle at ang mga kaibigan ko ngayon. Ang kukulit, sinabi ko ng ayoko ngang mag-celebrate pero ayaw nilang pumayag. Mamaya, sarado ang Al's Restaurant and Billiards at wala ding trabaho lahat ng empleyado doon. May kainan, may kantahan at may sayawan. At lahat ng iyon ay sa pangunguna ni Uncle. Aakyat na sana 'ko sa bleachers nang may makita akong dalawang taong...

Hindi nag-uusap... Hindi gumagawa ng assignments... At hindi rin kumakain... Naghahalikan!? Aba't! Langyang mga 'to! Dudungisan pa ang Sanctuary ko!

Sinilip ko sila sa pagitan ng mga bleachers. Nasa unang baitang sila sa baba kaya kitang-kita ko sila dito sa pangungunyapit ko sa mataas na bahagi ng bleachers.

Grabe! Iyong babae halos nakahiga na. At yung lalake parang nakakaloko ang tawa. Grrr! Mga malalaswa!

Nakita ko ang librong hawak ko. And it gave me an idea! Pumwesto 'ko malapit sa kanila pero sa medyo hindi nila makikita. Bumwelo ako at -- Bull's eyes!

Sapol ng edge ng libro ang likod ng mahalay na lalake! Bwahahaha! Narinig kong umungol ang lalake.

"Honey, what's wrong?" nataranta iyong babae.

"Ah wala." Lumingon-lingon ang lalake kaya nagtago 'ko sa malapit na puno at naghintay na umalis sila.

Pero imbes na umalis. Mas lumakas ang mga sounds na galing sa kanila. Aaah! 

Nagbilang ako ng hanggang limang beses at pagkatapos ay nangolekta ng limang maliliit na bato. Dahan-dahan akong lumabas sa puno, kumuha ng buwelo at pinaulanan ng mga bato ang dalawang mahahalay!

Kumaripas na 'ko ng takbo. At normal na naglakad nang makarating sa pinakabukana ng University kung saan maraming tao. Iniwasan kong lumingon kung saan-saan kahit naninigas ang leeg ko. Baka kasi kung ano o sino ang makita ko. 

Awa ng langit, nakalabas naman ako sa gate nang maluwalhati. Enjoy din palang maglakad-lakad paminsan. Lumingon ako sa magkabilang gilid ng kalsada habang hawak-hawak ang straps ng backpack ko. At sa halip na sa daan pauwi, sa daan papuntang city ako naglakad.

Pupunta 'kong sementeryo. Buwan-buwan ko naman silang dinadalaw at kahit kadadalaw ko lang sa puntod ng mga magulang ko noong Undas, iba pa din kapag lage ko silang nakakausap. Lalo na ngayong birthday ko. At death anniversary nila.

Ilang minuto na din akong naglalakad. Wala naman masyadong dumadaang sasakyan.

Napahinto lang ako saglit nang may marinig akong boses ng babae at lalake sa likuran ko. Nilingon ko sila. Hmm.... konting usyoso lang. Mga estudyante din sa school na pinapasukan ko. Nakatigil ang motor na sinasakyan nila sa gilid ng daan. At gusto kong mapasipol. That was a Harley Davidson! Aba... Mukhang nag-aaway yata sila.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon