Dollar's POV
Wow! Ang ganda-ganda! Grabe!
Tumayo ako nang itigil ni Lolo ang kariton malapit sa bukana ng napakagandang mansyon.
Kanina pa' ko manghang-mangha sa nakikita ko nang pumasok pa lang kami sa gitna ng niyugan isang oras na ang nakakalipas. At pagkatapos naman ng journey namin sa ekta-ektaryang coconut farm ay rancho naman ang dinaanan namin na ang hangganan ay sa gubat sa paanan ng bundok. At ang kabilang dulo naman ng rancho ay ang mansyon nga na nakatayo sa mataas na bahagi ng lupa at tumatanaw sa dagat.
This whole place is awesome!
Ang pinaka-main attraction ay ang bahay na gawa sa bato, kahoy at glass. It's in immaculately white paint.
Mas sariwa at malamig ang hangin. May iba't ibang breeds din ng stallion at may ilang mga trabahador din ang abala sa mga trabaho nila. I could live here forever!
Ewan ko, pero hindi lang ang kagandahan at katahimikan ang naka-attract sa'kin kundi ang kakaibang feeling sa lugar na 'to. It feels like I belong to this place. O dahil lang first time kong makapunta sa ganito o matindi lang talaga ang pangangailangan kong i-divert ang atensyon ko?
Oo, hindi ako pinatulog ng nalaman ko kagabi. Kaya nga muntik ko ng makalimutan ang imbitasyon ni Lolo. Pero tatawagan ko pa lang sana si Lolo ay naunahan na niya 'ko.
O di ba, astig si Lolo, may cellphone din. Latest model nga ng Blackberry ang gamit niya ng magpalitan kami ng number.
At iyon nga, tinawagan ako kanina ni Lolo at inimbitahan ako na magbakasyon sa kanila. Pumayag naman si Uncle at sinabi niyang personal daw akong ipinagpaalam ni Lolo sa kanya. Hmn... They seemed to know each other nga eh. Pero natural na siguro iyon dito sa province, halos lahat ng mga taong taal na dito ay magakakakilala.
At ngayon nga, matapos ang ilang oras na biyahe sakay sa kariton na hila ng kalabaw ni Lolo ay narating namin 'to. Nilingon ko si Lolo na nasa unahan at nagpapaypay ng sumbrerong buli.
"Lo, malayo pa po ba tayo sa bahay ninyo?"
"Nandito na tayo, hija."
Hmn? Pero wala naman akong nakikitang ibang bahay kundi ang mansyon. Sinundan ko ang tinuro ni Lolo.
"Sa Mansyon kayo nakatira, Lo? Pero baka naman magalit sa inyo ang amo niyo kapag nalaman niyang inimbitahan ninyo ako sa bahay niya?" Nag-aalala tuloy ako para kay Lolo.
Tumawa lang siya at bumaba na din sa kariton. Iginiya niya ko sa mismong tapat ng main door ng bahay kaya mas lalo kong nakita ang kagandahan ng bahay.
"Lo, sigurado ba kayo? Baka mapagalitan tayo?" (O_O)' Nag-aalangan ako ng sumunod sa kanya.
"'Wag kang mag-alala, hija," malawak niyang binuksan ang pinto.
"Welcome to Flaviejo's!"
(O_O)?
^^^^^^^^
Tuwid na tuwid ang pagkakaupo ko sa rattan chair na 'to. Ayoko ding kumurap habang ginagala ko ang paningin ko sa buong bahay. Nasa balcony kami na tanaw ang dagat.
Gah! Kung bonggang tingnan sa labas ang bahay, mas bongga sa loob. Nakakapanliit kahit hindi naman kami masyadong mahirap. Nakapasok na din naman ako sa malalaking bahay katulad ng kina Zilv at Moi. Pero ang mas nakakapanliit kasi ay ang ideyang nasa bahay ako ng isa sa mga mayayamang tao sa kalupaan!
Hanu ba 'to?! Bakit ba hindi ko man lang naisip na ang matandang kaibigan ko ay si Don Marionello pala? Si Lolo Buko ay si Don Marionello. Na ang ninuno ay pinagmulan ng pangalan ng bayan na 'to? Na pag-aari halos lahat yata ng establisyimento sa bayan? Na kilala lalo na sa larangan ng pagnenegosyo? Na Lolo ni Rion. Ni Unsmiling Prince!?
BINABASA MO ANG
RION (Complete)
Romance[Filipino] Formerly BEWARE OF HIS SPELL Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviejo, the SSC President of their University. While she was doing everything to make her presence known to him, Rion was also doing ever...