From Excitement to...

7.1K 119 8
                                    

Dollar's POV

"Dollar?" tawag sa akin ni Moi na may tunog pag-aalala.

"Hmm?" Hindi ko siya nilingon at nag-pokus sa ginagawa ko.

"Dollar, uy?"

"Baket ba kase?" Tiningala ko si Moi na nasa harap ko, nakaupo sa pasimano ng terrace, nakapatong ang isang siko sa tuhod, nagkakape. Sa tanghaling tapat. 

"Maawa ka na naman sa kuko mo, pudpod na ang cuticle o. Bakit ayaw mong dalhin sa salon?"

Inunat ko ang mga binti ko at tinikwas ko ang mga kamay ko para makita lahat ng kuko ko. Hindi ko inintindi ang sinab niya, "Hmm... parang kulang pa sa pula."

"Tss! Kuko lang ang nilalagyan ng merthiolate! Hindi buong daliri! Tingnan mo nga yang mga kuko mo, mukhang mini longganisa!" Hindi maintindihan ang mukha ni Moi habang tinitingnan ang mga daliri ko.

"Grabe ka naman, hindi naman hugis longganisa daliri ko ah! At ba't mo alam?"

"Nakikita ko sa mga pedicurist ni Mama." Humigop siya ng kape.

"Aah."

"Pero wag mo na 'yang ituloy, tara dadalhin kita sa salon. It's an emergency case!"

"Ayoko nga! Baka ma-murder!"

"Hindi pa ba murder iyang ginagawa mo? Kung ako yang daliri mo, nagreklamo na 'ko!" Pinandilatan niya ko at napailing na naman nang mapasulyap sa kuko ko sa paa.

"Eeeh..." Alanganin ako.

Parang hindi yata ako sanay na may ibang maglilinis ng kuko ko. Baka magkasugat, dumugo at matuklap na naman. Nong bata pa kasi kami, natisod ako sa gubat habang naghahabulan kaming dalawa, ayun! Natuklap ang kuko ko sa hinlalaki. Buti na lang tumubo ulit. 

Pero sabagay, wala naman kasi talaga akong alam sa tamang pedicure at manicure, maski nga sa pagme-make-up. Pinapaniwala ako ng mga taong nakapaligid sa akin na maganda ako kaya nagkasya na lang ako doon at hindi masyadong inalam kung paano magpaganda lalo, hehe!

"Sige na, pagagandahin nila yan. Lalagyan ng mga glitters at nail polish na may design o yung parang nagka-crack na nail polish atsaka lalagyan nila ng korte," Taas-baba pa ang kilay ni Moi.

Na-excite ako sa sinabi niya! Teka... ba't alam yun lahat ni Moi? Alam kong close sila ng mommy niya na socialite pero parang sobra na para malaman niya pa lahat ng in sa nail art. Hindi kaya...

Na-imagine ko si Moi na naka-hairban, naka-fitted na pink na T-shirt at naka skirt kaya kitang-kita ang balbon sa maskulado niyang binti. Nakikipag-usap sa mommy niya at mayuming tumatawa.... Eeew! Gross! Si Moi? The Giacomo Cassanova incarnate? Bakl---

"Sasagutin ko yang pagsalba sa mga kuko mo pero 'wag mo lang akong tingnan na parang pinagdududahan mo ang pagkalalake ko, batukan kita dyan!"

"Hehehe, can't help it. Sige punta tayong salon. Pero wag ka ng mag-abala, ako lahat ang sasagot ng gastos." Sinimulan kong iligpit ang mga ginamit ko.

"Bahala ka, sinabi mo eh," sa sobrang kuripot ni Moi ay hindi man lang tumanggi.

"Malaki pa naman savings ko at saka gusto kong magpaganda kay Rion mula sa sarili kong pagsisikap!" Mula sa sarili kong savings.

^___^

"Ewan ko sa'yo, baliw ka na, sigurado ka na ba diyan sa escort mo?" nagdududang tanong ni Moi.

"Oo naman! At sigurado na din siya sa 'kin." I gave Moi a very wide smile.

Nang sabihin ko sa kanilang dalawa ni Zilv na a-attend ako sa party nagprisinta silang i-escort ako. Kahit kilala ko din sila na hindi party-goers pero proud na proud kong sinabi na si Rion ang escort ko. They didn't protest but gave me a knowing look.

"Tara na," yaya sa'kin ni Moi.

"Sige, pero Moi ikaw ang sagot ng merienda natin ah!"

"Okay!"


^^^^^^^^


Hindi ko hinihiwalay ang tingin sa orasan at nang mag-ala-seis na ng hapon, bumangon na 'ko sa kama at dumiretso sa banyo.

Nakangiti akong nagbabad sa tub nang isang oras, naligo at pinatuyo ang buhok ko. Ayokong magmadali, dalawang oras ang nilaan ko para mag-prepare. Hehe!

Nilugay ko na lang ang buhok ko pagkatapos kong patuyuin at nagsimulang mag-make-up.

Haha! Ang saya!

Hindi talaga ako marunong mag-make-up pero simula nang malaman ko ang tungkol sa gaganaping Christmas Ball ay nag-aral na 'ko mula sa mga magazine at video tutorial. Kumuha din ako ng crash course kay Euna, suki siya ng mga beauty contests kaya marunong talaga siyang mag-make-up. Tipikal na teenager pa rin ako na curious sa mga ganitong bagay at syempre gusto kong maging mas maganda para madagdagan ang self-confidence ko at para na din sa gwapong-gwapo na escort ko. 

Nang makontento sa hitsura ko ay sinuot ko na ang dress ko and my killer heels.

I grabbed my pouch when the clock hits eight and walked out of my room.

"You look human now," si Cheiaki na nagpa-planking sa dulo ng hagdan.

"Ba't di mo na lang sabihing napakaganda ko ngayon?" Inabot ko ang pisngi niya at pinisil.

"Okay, but only next to me," she pouted.

Tss! talaga 'tong batang 'to.

"Uncle! Aalis na po ako!"

"Ugh! Don't shout like that, maganda pa naman ang ayos mo. So unlady-like! Duh!" Cheiaki just rolled her eyes at umalis na sa pag-pa-planking sa hagdan.

Hmm... Tama 'tong bubwit na 'to. Okay, I'll try my very best to act properly tonight. Baka naman lumabas na mas agresibo pa 'ko kesa kay Rion?

"Ingat ka, hija." Mula sa kusina ay lumabas si Uncle at nakapag-produce agad ng camera. "Smile, Dollar!"

At hindi lang ngiti ang ginawa ko kundi nag-pose pa 'ko. I'm having a good feeling about tonight!

Nagpaalam na ulit ako at naglakad palabas. Pumasok ako at naupo sa kotse ni Moi. T-in-ext ko kasi si Rion na sa school na lang kami magkita. Mas malapit kasi ang bahay nila sa University at mapapalayo pa siya kung susunduin niya pa 'ko dito.

"Masyado yatang maikli yang damit mo, Dolyares! Kapag may ginawang katarantaduhan si Rion, i-text mo ko ha!" nakangusong sita at paalala ni Moi.

"Sus!"

Inirapan ko siya at ch-in-eck ang hitsura ko sa rearview. Pero nagpipigil akong humagikhik dahil sa sinabi niya. Si Rion magte-take advantage? Hmm... Gora! Go ako diyan!

Sampung minuto at nasa tapat na kami ng hall. Hindi na pumarada si Moi dahil wala naman siyang balak um-attend. Pati si tatay Zilv, MIA na naman.

"Sige na, ingat ka pag-uwi!" paalam ko sa kanya.

Bumaba na 'ko sa sasakyan.

Hmm...

Dami ng estudyante na natatanaw ko na nasa loob ng hall. Andameng nag-evolve! Lahat may ka-partner. At hindi man pinag-uusapan, nasa mata nila ang kanya-kanyang payabangan.

Hmp! Bahala sila.

Naglakad ako papunta sa gilid. Ayoko pang pumasok hangga't wala si Rion. Umupo ako sa bench na malapit sa fountain. Medyo madilim dito. Dito din kami dati 'nag-date' noong Halloween Festival kaya ito ang pinili kong upuan. Napangiti ako nang maalala ko iyon.

Lumingon-lingon ako sa paligid.

Malay ko... nandyan na pala si Rion sa paligid at tinitingnan ako mula sa malayo? Katulad ng ginawa niya sa horror house?

^_____^

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon