World of Chances

7.7K 150 44
                                    

Dollar's POV

"So drama mo lang iyong pag-iwas-iwas mo?" nakamulagat na tanong sa 'kin ni Euna.

"Yup! Ganoon na nga." Binilot ko ang folder na hawak ko at sumilip sa butas noon. Ginala ko ang paningin ko sa baba sa mga estudyante mula sa rooftop na kinaroroonan namin ni Euna.

"Kung ganoon 'di ka na galit kay Rion?" Tanong pa niya.

"Hindi na nga, kulit mo."

Tumango-tango lang siya at pinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos ng klase ko kanina, nakasalubong ko siya at dito nga niya ako niyaya sa rooftop ng College of Sciences habang karamihan ng mga estudyante ay abala sa paggagayak para sa Christmas, nagme-merienda kami at ang walang kamatayang topic na 'to ang nahalungkat sa pagdadaldalan namin.

"Dahil iniisip mong ikaw naman ang hahabulin niya kapag umiwas ka?"

"Yup!" Lumingon ako sa kanya at ngumisi.

"Sus! Pauso mo, hindi naman nangyayari lage 'yan!" Binato niya sa direksyon ko ang plastic ng naubos niyang chips.

"Tss! Wala ka bang tiwala sa'kin?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Hmm... meron naman, baby Dollar, kay Fafa Rion, wala. I think he's one of those guys who wouldn't bother to call the girl after they dated. At ang kawawang babae, maghihintay magdamag pero ni hindi man lang magri-ring ang cellphone niya. Got the picture of what I'm talking about? At dahil hindi ka kahit kelan magiging kawawa, hindi ka bagay sa tinutukoy kong babae. Kaya mas tugma pa sa character mo na kung hindi ka niya tatawagan..."

"Ako ang unang tatawag sa kanya?"

"No. Pupuntahan mo siya ng personal at iwawagayway ang sarili mo para ipaalala sa kanya ang existence mo. Ganoon ang pagkakailala ko sa'yo eh."

"At i-relate natin ang sinabi mo sa sitwasyon ko, after ng pinagsamahan namin ni Rion, aminin na natin sa sarili natin na pagkatapos noon, hindi man lang siya masasaktan na natapos iyon, gaano man kahaba o kaikli ang time at kahit, magmukmok at umiwas ako, hindi pa din siya ang gagawa ng paraan para maulit iyon, ako pa din. Kaya ang sinasabi mo... tigilan ko na 'tong pakana kong 'to?"

"Yup, di naman effective," lumabi pa si Euna.

Masakit mang aminin pero totoo nga. Ilang beses ba kaming nagkasalubong na iniwasan ko siya at hindi ko siya pinansin at ni hindi man lang niya pinatulan lahat ng iyon! Ni wala man lang maliit na palatandaan na gusto niya akong makausap! That man!

"Easy ka diyan, gurl. Feel ko ang aura mo, ang dilim!" 

Kumagat ako sa sandwich na bigay kanina ni Zilv. Inubos ko sa kawawang pagkain lahat ng yamot ko. Tinapos lang namin ni Euna ang pagkain at bumaba na rin kami mula sa rooftop. Naglalakad na kami sa quadrangle nang makita namin si Rion! Siniko agad ako ni Euna at muntikan na 'kong tumalsik sa mga halaman sa gilid.

"Kailangan ba talaga iyon!" pinandilatan ko siya.

"Oo. Hehehe!"

Tss! Tinupi ko ang sleeves ko at ginulo pa lalo ang magulo ko ng buhok para magkaroon ng volume. Wala ng retouch-retouch! Pinisil ko na lang ang pisngi ko para mamula. At nagsimula akong maglakad sa direksyon ni Rion kung hindi lang ako bigla hinila ni Euna.

"Oy, saan ka pupunta, kala ko ba  plano mong umiwas?"

"One last try na ngayong araw. Hindi pwedeng wala siyang response sa pag-iwas ko sa kanya! Pagkatapos ng paghihirap ko! Ang hirap kayang magpigil!" Naiinis kong sagot kay Euna.

"O sige! Gora! Patunayan mo sa buong mundo na si Fafa Rion naman ang magke-crave sa beauty mo dahil 'apart' kayo these past days! You have my blessing!" nakataas-kilay niyang sabi sabay tulak sa akin.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon