Dollar's POV
Lumabas ako ng kwarto dahil sa uhaw. Alas-onse na ng gabi at dyahe naman kung itatawag ko pa sa intercom na dalhan ako ng tubig. Hindi pa 'ko legal na prinsesa ng lupaing ito.
Medyo madilim na ang hallway at ilang lamp na lang ang may ilaw. Parang gusto kong matakot. Naalala ko kasi ang mga kwento tungkol sa mga malalaking bahay. Tungkol sa mga multo...
At wish ko lang na mahanap ko ang papunta pababa. I always have this poor sense of direction. Madalas akong maligaw, katulad na lang nang unang makilala ko si Lolo nang mapadpad ako sa coconut farm. Lumiko ako sa isang pasilyo. At sa isa pa... At sa isa pa ulit...
And voila! Nandito ulit ako sa tapat ng kwarto ko! Ano ba yan! Maglalakad na lang sana ulit ako nang may mahagip ang paningin ko na puting... tela?
White lady ang kahuli-hulihang gugustuhin kong makita! Pinihit ko ang doorknob ng kwarto pero dahil sa panic ay hindi ko mabuksan nang maayos. Bakit ba kasi ako nauhaw!
"Psst, Viscos!"
Nilingon ko ang white lady... "Sha--ma--ri?"
"Kapag natatakot ka pala ay nasasabi mo nang tama ang pangalan ko no?"
"Shawari! Ikaw nga!"
Wooosh... Akala ko talaga ay white lady na. Paano ba naman kasi, white silk robe ang suot niya na ang haba ay umabot hanggang sakong niya. At nakalugay din ang buhok niya. But still, si Shamari nga 'to. Katakot ang kaseryosohan sa mukha niya. Hehehe!
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"I should be the one asking that question." She rolled her eyes.
Hmmn... Parang narinig ko na rin yun ah.. .kay Rion... nang magkita kami sa port. Pareho talaga sila ng sinasabi kahit kelan.
"Inimbitahan ako ni Lolo Buko na magbakasyon dito. O di ba ang saya! Taga-dito ka din pala!"
"What?!"
"Yup." Nakangisi ako sa kanya kahit mukhang hindi siya natutuwa sa ideyang nandito ako.
"At sinong Lolo Buko?"
"Ahm... si Don Marionello."
"So, talagang gumawa ka ng paraan para makalapit kay Rion?"
"Huh? Hindi ah, hindi ko din alam na siya 'yon."
"Really?"
"Promise." Kinwento ko sa kanya kung paano kami nagkakilala ni Lolo. Tahimik lang siya. "He's a friend of mine." Ewan ko kung naniniwala siya sa mga sinabi ko.
"So ikaw ang tinutukoy ng mga katulong na bisita?"
"Yeah. And... I got it! Apo ka ni Lolo?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Kaya pala... Magkapatid sila ni Rion... O magpinsan? Pero bakit hindi iyon nabanggit sa 'kin ni Euna? At bakit hindi siya namin nakasabay sa dinner kanina? Pati si Rion, wala pa din.
"Anong ginagawa mo dito sa hallway? Hinahanap mo ba si Rion?" pag-iiba niya ng topic.
"Uhm.. hindi, nauuhaw kasi ako. Kaso naliligaw ako, hehehe!"
"Follow me."
Sumunod ako sa kanya. Haaay... Buti na lang. Mabait naman pala siya kapag gabi na. Pero hindi siya aware.
Para sakin, hindi makikita sa mga ngiti ang kabaitan ng tao. Katulad na lang ni Shamari, kahit lage niya akong inaangilan, ramdam kong gusto niya 'kong maging kaibigan. She may be cold and unfeeling but she sure possessed a golden heart that she remain hidden from people's eyes. Naks! Sabihin ko kaya sa kanya iyon?

BINABASA MO ANG
RION (Complete)
Romance[Filipino] Formerly BEWARE OF HIS SPELL Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviejo, the SSC President of their University. While she was doing everything to make her presence known to him, Rion was also doing ever...