His Branded Kiss

9.2K 162 17
                                    

Dollar's POV


"Uncle..."

Tumingin sa 'kin si Uncle habang patuloy siya sa pagmi-mix ng mga drinks sa counter. Nag-aatubili talaga akong itanong sa kanya ang tungkol sa basement. 

Pero gusto ko talagang malaman. Kahit naman kasi masaya ako nitong mga nakaraang araw ay hindi ko pa din makalimutan iyong... okay, I admit... that was one great kiss! Kahit pa nga first time ko lang iyon at wala akong mapapagkomparahan.

Pero... Nakakagalit kasi ang lalakeng 'yon kung sino man siya! Kung makahalik sa 'kin 'kala mo minarkahan na niya 'ko. Parang branded na 'ko sa kanya. Because of that... that... unforgettable kiss! Ugh!

"Ano iyon, hija?" 

"Ahm... anong meron sa basement, Uncle?" balewala kong tanong at binuklat-buklat pa ang magazine para hindi niya mahalata na uneasy ako.

"Dating garahe iyon, ang bakal sa likod ng restaurant ang dating entrance ng basement, tambakan na lang ngayon."

"Aaah," Napatango-tango ako. "May multo ba doon?" 

Napakunot-noo si Uncle at parang natatawa.

"Wala naman..."

"Eh Uncle... tikbalang kaya? Kapre?"

"Wala. Ikaw talagang bata ka, kung anu-ano kasing pinapanood mo kaya  ganyan ka mag-isip. Lage mo na lang tinatakot ang sarili mo." Napapalatak pa siya.

Nakahinga ako nang maluwag. Ibig sabihin hindi multo, hindi tikbalang at hindi rin kapre ang humalik sa 'kin.

"Eh sino ang naglilinis sa basement?"

''May hina-hire akong mga tao na naglilinis doon kada-dalawang linggo."

"Lalake?"

"Yup."

Inabot ni Uncle sa dalawang customers na nasa counter ang drinks na ginawa niya.

"Gwapo ba, Uncle?"

Nakagat ko ang dila ko. Bakit ba ang bilis gumana ng pagiging usisera 'ko?

Parang nabuhol ang kilay ni Uncle sa tanong ko.

"Tatlo silang naghahalinhinan sa paglilinis, at... gwapo nga lahat." Misteryosong ngumiti si Uncle  at saka nagkibit-balikat siya. Tinuloy na niya ang ginagawa. 

Okay. Hindi supernatural, checked. Gwapo, checked. Ano pa nga ba?

"Pwede ko ba silang makilala, Uncle?"

"Hindi." mabilis niyang sagot.

"Baket naman po?"

"At bakit mo naman sila gustong makilala, aber?"

"Uhm... wala naman po..."

"Paano mo nga pala nalaman ang tungkol sa basem--- Ah, wag mo ng sagutin, malikot ka nga palang bata ka."

Alanganin akong napangiti.

"Uhm... Uncle... anong amoy nila ?"

"Amoy?! Bakit naman pati amoy nila?!" Hindi na talaga maipinta ang mukha ni Uncle.

"Basta Uncle, sige na..." pamimilit ko. Gusto ko talagang may malamang impormasyon tungkol sa talipandas na lalake,.

"Hay... amoy tao naman sila. Mukhang naliligo naman sila araw-araw." 

"Eh ang address nila, cellphone number, facebook, twitter account nila?"

"Hay nakung bata ka, tigilan mo nga ako sa pangungulit mo. At tantanan mo ang basement, okay? Huwag ka na uling pupunta doon."

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon