Inviting Him

7.4K 154 20
                                        

Dollar's POV


Pumasok ako sa garahe ng mga Flaviejo... at gusto kong manliit dahil sa kahihiyan... Haay...

Mas mukha kasing showroom ang garahe kesa sa 'normal na garahe'. Glass ang mga walls at marmol ang sahig. And the fleet of cars made a really awesome sight! May Porsche, Ferrari, Bugatti, Lamborghini at Aston Martin. At may Harley at Hayabusa na motor din sa kaliwa ko. At syempre, iba pa ang sasakyan nila Lolo at Shamari kesa kay Rion.

Tss! Kaya pala ambilis niyang magpalit ng sasakyan.

Kahit siguro ibenta ko ang kaluluwa at internal organs ko, hindi ko pa din ma-a-afford ang shipment ng isa sa mga to. Pakiramdam ko tuloy , para 'kong nagingitim na bubble gum sa gitna ng mga sasakyang 'to at literal na nanliit ako sa gitna nila. Mas ngayon ko napatunayan na totoong mayaman sila. At isa lang akong hamak na magandang hampaslupa...

Hmm... It sudenly makes me wonder kung ito nga ba ang dahilan kaya hindi ako magustuhan ni Rion. Dahil ba hindi namin ka-level ang kayamanan nila?

No, no, no. Hindi siya ganoon kababaw. May iba pang dahilan, feel ko, at iyon ang aalamin ko, soon... Atsaka eh ano ba kung mayaman siya? Tinuruan ako ni Uncle na huwag mainggit sa nakakalamang. Tinuruan ako nila Moi at Zilv na tawagan lang sila kung feel kong magmayaman. O pang-i-spoil ba ang tawag doon? 

Ah basta, kahit ano. Mayaman man siya o hindi, magduldol man kaming dalawa sa asin o tumira sa tree house niya na tatlo lang ang haligi... parang pang husband and wife thoughts na iyon ah! Nag-daydream ako nang ilang segundo.

Pero enough of that muna. Kaya ako pumunta dito ay para hintayin siyang dumating at yayaing maging escort ko o ako ang maging escort niya? Kahit ano, basta together kaming a-attend sa Christmas Ball, holding hands while entering the grand hall... 

Alas-dies na ng gabi at sabi ni Lolo kapag alas-once na, matulog na daw ako. May isang oras pa 'ko para maghintay.

Naglakad ako sa bakanteng parte sa gitna ng Bugatti at Reventon at humiga. Malamang dito paparada si Rion at siguro naman hindi niya 'ko sasagasaan. Hehe!

Mahigpit lang talaga ang pangangailangan sa escort lalo na't ready-ng ready na 'ko. Ang totoo, may damit na nga ako. Hahaha! Humilata ako sa sahig at niyakap ang pinakamalaking unan na niregalo sa'kin ni Rion...

Itinuloy ko ang pagde-daydream ko kahit gabi na.


^^^^^^^^


Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na busina ng sasakyan. Babalik na sana ako sa pagtulog kung hindi lang bumusina ulit ang gigil na gigil na driver at kung hindi rin lang masakit sa mata ang headlights. 

Marahan akong tumayo at dumistansya sa kotse hanggang makaparada iyon nang maayos. Baket ba dito 'ko nakatulog? Ang lamig ng sahig, hindi kaya pulmonya ang abutin ko? Nagkusot ako ng mata nang may naalala 'ko. Hinihintay ko nga pala si Rion!

Tiningala ko ang wall clock na nasa isang panig ng garahe at nakitang lagpas na ng alas-dies! Sampung minuto akong nakatulog sa paghihintay!

Mabilis pa sa alas-kwatro na nasa tapat na 'ko ng bagong dating na kotse at hinintay bumaba si Rion. Tinted ang salamin kaya hindi ko siya makita pero kumaway pa din ako. Bumukas ang pinto sa side ng driver's seat at una 'kong nakita ang maputing paa... na... naka-heels?

Ngek! Surely, it's not Rion's.

Bumaba si Shamari with all her glory and with her eternal dark aura na halata sa nakataas niyang kilay nang makita ako.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon