The Morning After

6.8K 129 13
                                        

Dollar's POV


Binuklat-buklat ko ang broadsheet pero wala pa din ang hinahanap ko. Iyong dyaryong panlalawigan naman ang hinanap ko pero wala pa din. Pero bakit wala?

Hindi ba dapat na mabalita iyong nangyari kagabi? Ang daming droga niyon ah! 'Di ba sinumbong ng vigilante na iyon sa mga awtoridad ang nangyari?

"Why are you not eating your breakfast, Dollar?" 

Nginitian ko lang si Lolo at nagsimula na ngang kumain. Baka magtaka sila kung bakit ako nagbabasa samantalang dati ay wala naman akong pakelam sa mga balita.

Habang kumakain ay hindi pa din maalis sa isip ko ang nasaksihan ko kagabi.

Tiningnan ko si Rion na nakatingin din sa 'kin habang humihigop ng kape.

Nginitian ko lang siya at nag-flying kiss. Gusto ko sana siyang tanungin kung saan siya galing kagabi pero nagbago ang isip ko.

Soon...saka na pag maykarapatan na 'ko. Pag asawa na niya ko? Bwahaha!


^^^^^^^^^^


"R-Rion wag mo naman akong titigan nang ganyan... hindi ako makahinga sa kilig. Hehehe!"

He just smiled. At inalalayan akong bumaba sa sasakyan niya.

"Where will you spend your Christmas?" tanong niya nang nasa tapat na kami ng bahay namin.

"Dito. Ini-invite ako ulit ni Lolo sa inyo pero paano naman sina Uncle? Pero 'yaan mo umaga pa lang ng 26, nasa inyo na ulit ako!" pangako ko.

Mahirap na baka ma-miss mo pa 'ko ng sobra. Hehe!

"I won't be around on the twenty-sixth so... can you extend your stay till the twenty-seventh?"

Hmm... Nag-isip ako kunwari. Kunwari lang, maranasan ko lang na magpakipot. Pero ang hirap eh. "Okay! Oo naman! Sure!"

"And..." tiningnan niya 'ko ng diretso.

I stepped closer to him and stood on tiptoes. Sinalubong ko din ang tingin niya. "Hmn? Ano, Rion? Say it," I whispered , encouraging him to say the words I want to hear.

*Beautiful eyes *Pout lips

Lulubus-lubusin ko na ang panlalandi. Malay ko balikan pala 'ko ng vigilante tapos tsugihin? 'Di bye-bye Earth na? Minsan lang 'to, magpa-Pasko naman.

He smiled lazily, tumingala at lumunok. Dang! Bakit ang sexy tingnan ng pagtaas at pagbaba ng adam's apple niya?

"Huy, anu ba yun Rion?" Umayos na 'ko ng tayo, hirap mag-tiptoe, di naman ako pang-Ballerina. At baka malabasan kami dito ni Uncle na ganito kalapit sa isa't isa, eh di tumaas ang BP niyon.

"Remember the tree house?" tanong niya.

"Oo naman!"

Bakit kaya? Mauuna ba ang honeymoon kesa kasal? Hahaha! Masaya yan!

"Pumunta ka doon nang hapon ng twenty-seven, is that all right with you?"

"Kahit umaga nandon na 'ko!"

"Hapon," he corrected.

"Okay!"

Ngayon pa lang iniisip ko na kung anong mga dadalhin ko. Maraming pagkain, wine, no... gin na lang para malakas agad ang tama at... insect repellant, unan kulambo, kumot at marami pa! At alas-seis ng umaga nandon na 'ko!

"And... please, stay away from Vaughn," he warned.

Speaking of him... naisip ko na naman ang nangyari kagabi. Bwiset na iyon. Pero bakit nabanggit pa ni Rion ang lalakeng 'yon? May pagka-psychic talaga 'tong si Unsmiling prince. Natunugan niya bang may ginawang masama sa'kin ang teroristang na iyon?

"Sure! Faithful ako sa'yo no."

Tumango lang siya at sumaludo lang sa 'kin bilang pamamaalam. Kinaway ko ang dalawa kong kamay at papasok na sana 'ko sa bahay nang may mapansin ako sa gilid ng bahay namin.

Teka... Ba't may nagdidilig ng mga halaman? Schedule ko ngayon ah. At wala naman kaming hardinero.

"Magandang umaga, hija." Kumaway sa'kin ang may edad na lalake na nagdidilig. He's maybe in his early fifties at matikas pa din.

Ah! Natandaan ko na! Nakita ko na siya dati. Sa Al's Resto na kausap ni Uncle.

"Hello po! Friend kayo ni Uncle," kumpirma ko.

"Yes, I'm Daniel Agustin. I'm spending Christmas with your family, hope you don't mind?" sabi niya nang nakangiti.

"Of course not! Masaya nga po iyon! Bakit po kayo nagdidilig? Nakapag-almusal na po ba kayo?"

"Yes, hija."

Hmn... parang hindi bagay sa kanya na magdilig. Mas bagay sa kanya na naka-amerikana at may dalang suitcase, iyong parang businessman o abogado?

And he's quite familiar. He has this aura that can command an empire na madalas kong makita kay...

"Is he your boyfriend?" tanong niya sa 'kin habang pinapatay ang hose atsaka tumanaw sa pinag-alisan ni Rion.

He has longing in his eyes and... regrets? Ewan. Pero parang nakikita pa rin niya ang sasakyan ni Rion samantalang kanina pa iyon lumiko.

"Ay hindi po... kase fiance ko na siya! Pakakasalan niya daw po ako, hahahaha!"

Nagpaalam ako sa kanya at pumasok ng bahay habang tumatawa pa din. Pero narinig ko pa din ang sinabi ni Mr. Daniel.

"God bless you both....bless you both..." And he said that with sincerity and full of hope...


RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon