The Predators

8.5K 167 18
                                    

Rion's POV

Humiga ako sa hood ng Viper at inunan ang dalawa kong kamay. Hmn. May naalala 'ko sa kotseng 'to... The power puff girls. The thought brought a smile to my lips.

I've seen lots of undies, be it lacy, satin, silk, or in different colors and materials. At meron ding halos wala ng takpan. I only take a glance at them because I am more expert in the undressing department.

But never a thing with cartoon characters printed on it! Halos mamilipit ako sa katatawa kanina. I just stopped myself because it might get her offended more. Cartoon characters printed on undies! 

And I've seen again her pouting pinkish lips and her rosy cheeks. Mga pisnging lalong nagkulay dahil sa inis.

I let out a hard sigh... Dollar...Dollar... Dollar...

"Muntikan na tayong mapatay kanina and yet nakakangiti ka pa nang ganyan?" Si Moi at pinatong sa tabi ko ang umuusok na tasa ng kape.

"I'm not on my best day to let myself get killed by those rookies," sabi ko, kinuha ang tasa at umupo sa hood ng Viper, elbows on my knees.

"Yeah, me too, but they surprised us... a little bit." Humigop siya ng kape pagkatapos ay kumunot ang noo.

Hinintay ko talagang siya muna ang uminom ng kape niya. At base sa reaksyon niya, hindi matatawag na kape ang lasa niyon. Tinitigan ko ang malabnaw na kape sa tasa. 

Moi was right. Hindi namin inaasahan na bubweltahan kami ng mga sindikato. They were like puppies scurrying in fear whenever they heard of us these last few years. But now they had the guts to plot against us. 

"So I heard the news." Si Zilv na bumababa sa hagdanan na nagkokonekta sa basement at sa opisina ni Alvaro. "Bakit hindi ninyo na agad tinapos?"

"They are wounded. Let them learn their lesson and besides, hindi ka namin kasama kanina, we'll give you the opportunity to play with them later..." I said nonchalantly.

Zilv just shrugged his shoulder and joined us in the semi-dark basement.  Inalok ko sa kanya ang kapeng hindi pa nagagalaw. Sinilip lang niya 'yon at umiling.

"C'mon guys! Trust my talent when it comes to coffee brewing, you're hurting my feelings!" at hinawakan pa ni Moi ang dibdib at kunwari ay nasaktan. "Ugh! Sino bang may sabing kape 'to, maiinit na tubig lang 'to, nilagyan ko lang ng konting kulay. Mas gwapo naman ako sa inyo!" Bulong ni Moi at in-straight ang laman ng tasa.

Yeah, that's Moi and his antics.

"Cut it out, Moi! So what's the plan?" si Zilv.

"Hintayin muna natin kung babalik sila at seryosohin ang trabaho nila. Then we'll wait for Alvaro's command."

Ganoon naman talaga, we move when Alvaro ordered to. Tumango lang ang dalawa at mayamaya ay nag-usap na sila tungkol sa kung anu-anong bagay, nagbatukan, nagpitikan at mayamaya ay nagpaligsahan na sa paglalaro na ng PSP.

We are not really friends, magkakaaway pa nga kami lalo na kami ni Zilv. Sina Zilv at Moi and totoong magkaibigan. I prefer not to attach myself to anyone kahit marami na kaming trabahong nagawa nang magkakasama... Yes, this is my team.

Parang hindi nangyari kanina na nakipaghabulan kami sa mga bala, at parang hindi kami tumatapos ng mga sindikato ilang beses isang lingo, doing our filthy jobs.

 Yeah, we are vigilantes, others called us predators.

Pero wala talagang opisyal na pangalan ang grupo namin. Grupong pinasok naming tatlo ilang taon na ang nakakalipas...na may iba-ibang dahilan.

That was five years ago nang malaman ko ang grupong 'to nila Alvaro. Iyon din ang taon kung kelan nakilala ko sina Moi at Zilv. I was only fifteen and a juvenile delinquent. Nagrerebelde sa mga nangyari sa buhay ko, sa galit kay Don Marionello, at sa mga magulang na nang-iwan sakin.

Sa isang gulo sa ilegal na karera ng mga motorbike kami nagkakilalang tatlo. Kaming tatlo ang natirang nakatayo sa riot na tumagal nang ilang oras. At natagpuan na lang namin ang mga sarili namin sa isang madilim na bodega. Doon namin tinuloy ang nangyaring  away at hindi kami tumigil hanggat hindi kami bumabagsak sa sobrang pagod. Doon na din kami inabutan ng umaga at nalaman namin na hindi pulis ang humuli sa amin kundi ang isa sa mga tauhan ni Alvaro na nakita ang potensyal namin sa pakikipaglaban. Inalok niya kaming sumali sa grupo kahit hindi kumbinsido ang pinaka-pinuno na si Alvaro. Pero dahil nagpumilit kami, pinayagan na rin niya kami at ang kapalit noon ay kailangan naming ipasa ang lahat ng mga pagsasanay na inihanda niya. That was summer time at doon namin inubos ang oras namin. Sa mga training na hindi gugustuhing isipin ng mga ordinaryong kabataan...

Matinding disiplina ang nakuha namin sa lahat ng 'yon. Mga pagsasanay kung paano lumaban, lahat ng martial arts, paghawak ng baril and even acupressure. We can kill with our bare hands. And we're doing this job for almost four years, pagkatapos ng isang taong pagsasanay, at tuwing bakasyon sa school. Sinong mag-aakala na kabilang kami sa grupo gayong mga ordinaryong estudyante lang kami? No one. Alvaro and the team made sure to hide our true identities behind our codenames.

Si Zilv o Shrapnel, we are partners most of the time. And like his code, he is known from his little deadly ways, mga paraang hindi mo aakalaing nakakamatay.

Samantalang si Moi ang kumukuha ng mga impormasyon ng magiging target. His expertise is in hacking the syndicates' database. Dahil na rin sa galing niya pagdating sa computer. Nakakasama ko din siya minsan katulad kanina. His code? Cherub. Cherub  or angel or cupid. True enough dahil si Moi ang may pinaka-maamong mukha sa aming grupo. But the targets must know better, na kahit makita nila ang mukhang 'yon, hindi sila makakaligtas ng kasamaang nagtatago doon.

And my code? Yaguara. That's another term for Jaguar, and it means, a beast that kills in one bound...

"Uy penge naman ako nito." Nakita ko si Moi na nasa passenger seat ng Viper at inuusisa ang laman ng basket.

"Touch them and you're dead," banta ko sa kanya.

"Kaw talaga, sige na, ipagtitimpla kita ng kape habang buhay, penge lang isa."

 "No, thanks."

"Damot mo talaga samantalang hindi ka naman kumakain ng mga matatamis."

"Mind your own business, Moises."

"Hmp! Tumatanda ka na talaga, sungit mo eh. Sabagay ako nga pala ang pinaka-bata sa 'ting tatlo and mind you, pinaka-gwapo, hehehe!"

Napailing na lang ako, hindi talaga siya papatalo palage sa usapan. Kahit ano na lang sinasabi. Siya lang ang pinaka-madaldal na lalakeng nakilala ko.

"I beg to disagree." Si Zilv habang may kung anong inaayos sa ilalim ng Harley niya.

"Mind your own business, Zilv. Pero matanong ko lang, bakit naman may mga special pasalubong ka dito sa kotse mo ha, Rion?"

"That's a gift." Sagot ko na lang, hindi kasi siya titigil hanggat hindi siya sinasagot ng kausap niya kesehodang magsayaw siya sa harap ko. May pagka-ewan din ang isang 'to.

"What for? Hindi ko alam na birthday mo pare, happy birthday brod, pa-hug naman!"

See?

"For coming into someone's life," I answered.

I heard Zilv cough exaggeratedly. Si Moi naman ay hindi maipinta ang mukha.

I know, that was so out of my character to say something like that. Pero naalala ko ang makulit na babae sa parking na nagsabi sa 'kin niyon...

"Wow, heavy! Ang corny din pare, sobra! Alam mo bang pinapatay na sa plaza ang mga lalakeng corny. At ikaw ang mauuna." Si Moi at sinubo ang polvoron na nadampot sa basket.

"You know Moi na hindi bumebenta sakin yang mga pauso mo."  Sumakay ako sa driver's seat at nilayo ang basket sa kanya. I rested the basket on my lap and started the engine.

"Damot mo talaga," bulong ni Moi.

Tinaas ko lang ang isang kamay ko sa kanila bilang pamamaalam nang palabas na 'ko sa basement at mayamaya pa ay mabilis ko ng pinatakbo ang Viper sa highway.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon