Rendezvous

7.1K 116 13
                                    

Rion's POV


Para 'kong nagsasalamin. Only the face in front of me is much older, with laugh lines and wrinkles. At patunay din ang ilang hibla ng puting buhok sa sentido niya.

"What do you need?" Tanong ko.

"Nothing. I just came here to see you, at last," his smile is genuine. Hindi ko magawang gantihan ang ngiting iyon.

"Don't sway me, father. I know that this is not the first time you saw me. At hindi ka lalapit sa'kin kung alam mong nasa maayos ako, why not all these years?"

Daniel Agustin did not speak. He just watched me... with pride in his eyes.

Damn! I'm not here to reconcile or have girly chitchat with him.

He and Alvaro are the best of friends. At nang kausapin ako ni Uncle Al nong isang araw tungkol sa grupo ni Vladimir St. Martin ay inaasahan ko ng susunod siya. It is as if the two of them knew from the start my involvement with the other team. Parehong iba na ang buhay ng dalawa, matagal ng wala sa serbisyo pero hindi pa rin maialis sa kanila ang mga natutunan sa special unit na sinalihan noon. Daniel Agustin became a well-known businessman while Alvaro kept a low profile as a restaurateur and managed the unit here in the North. Naging madalang na nga lang ang mga operasyon nitong mga huling buwan dahil matagal na talagang nakatakdang itigil ang grupo.

Nang kausapin ako ni Uncle Al ay wala man lang akong nakitang galit sa kanya nang sabihin niya sa aking alam niya ang mga pinaggagagawa ko. At bagkus ay nagpakita pa ng pag-aalala at nakiusap na wag kong ituloy ang mga plano ko. And that made walking away from his group really hard. Hindi niya ko hahayaang mawala sa grupo kahit pa malapit na kaming ma-disband. Siguro dahil iniisip niyang kahit papano ay masusubaybayan niya 'ko.

And now, I'm here with my 'father'. I sighed. I really find it hard to deal with older men.

Humigop ako ng kape at nilibot ang tingin sa buong cafe. This was built in the heart of the city, in one of its busy streets. Inaasahan ko na mag-uusap kami sa isang tagong lugar pero dito niya 'ko tinagpo. Hindi ba niya alam na maaari siyang makita ni Lolo dito?

"I'm so proud of you, son at wala akong makitang dahilan para isekreto ang pagkikita natin. I'm not even scared of your grandfather."

It's my turn not to speak. So the man's a mind-reader, eh?

"You've grown..." he said with a smile.

"Yeah, so? Inutusan ka ba ni Uncle Al?"

"No. Sarili kong desisyon na makita ka. At bakit nakasama dito si Alvaro?"

"Dahil alam niya ang involvement ko sa grupo ni Vladimir St. Martin."

Nakumpirma ko sa reaksyon niya na alam niya nga ang mga pinaggagagawa ko. He must be doing his job well to know my plans.

"Iniisip mo bang inutusan niya ko na pigilan ka? No... hindi niya iyon  ginawa at kung ginawa man niya... hindi ko susundin, anong karapatan kong pigilan ka?"

Nothing, I answered to myself. Hindi dahil alam kong sinusubaybayan na niya 'ko simula bata pa lang ako ay tatanggapin ko na agad ang pakikialam niya.

"Ayoko ring pangaralan ka, anak... I just want you to know that you're entering a different world and---"

"There's no turning back," tapos ko sa sasabihin niya. That thought slapped me square on my face since I plotted this revenge when I was younger and when I had my first kill...

"And it may leave you broken in the end. I'm the living proof..."

I heard him sighed deeply. Tiningnan ko siya at parang tumanda siya ng isang dekada dahil sa mga binabalikang alaala.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon