Haay salamat....sumapit din ang Pasko sa kwentong ito. Comment and vote?
Moi's POV
Hinubad ko ang suot kong coat at pinaluwagan ang necktie.
Tek! Kasakal! I drummed my fingers on the steering wheel and waited for eternity...
Woosh! Kaya ayokong magbiyahe dito sa Manila, ang bigat ng traffic! Nadagdagan pa na dahil ilang oras na lang ay Pasko na kaya maraming tao ang nagmamadaling umuwi o humabol bumili ng mga regalo at ihahanda sa Noche Buena mamaya.
Nilingon ko si Rion na natutulog. "Tsss! Ilang oras na akong nagda-drive Rion boy and you're just sleeping your ass there," malakas kong reklamo para magising siya.
Unfair talaga 'tong taong 'to. Kainis pa dahil siya din ang nag-utos saking mag coat and tie kami. Ewan kung bakit. Basta niya lang ako binitbit sa lakad na 'to.
Nilingon ko siya sa passenger's seat. Nagmukha naman siyang tao sa suit na suot. Pero di pa din maikakailang... mas gwapo ako, hehehe! =
Bigla siyang nagmulat at lumingon sa'kin. "What are you looking at?"
Syet! Kung magugulatin siguro 'ko baka napapreno ko bigla.
"Nothing," I just grinned.
Sabagay... mabuti na din siguro na laging parang may PMS si Rion at madilim ang ekspresyon ng mukha at nakakatakot tumingin at isnabero. Because that only makes me more gorgeous than him. Bwahahaha!
"Focus on your driving, Moi, at wag mong ipagkumpara ang kagwapuhan natin," balewala niyang sabi at pumikit ulit.
"Tss! Ba't alam mo ang ginagawa ko?" Maypagka-mind reader ba 'tong lalakeng 'to o me sa maligno?
"Because that's your hobby. Or unless, nababakla ka sa akin."
"F*ck you, Rion. Kung di ako nagda-drive nasuntok na kita."
Nagkibit lang siya ng balikat at bumalik sa pagtulog.
Langya talaga 'tong taong to o. Lang kasense-sense of humor. Ako, bakla? Ba't lima ang girlfriends ko? At lahat sila masasaya. Huminto na naman ang nasa unahan naming sasakyan. Traffic na naman.
Nilingon ko ulit si Rion. Hmm... daldalin ko kaya para maistorbo?
"Huy, Rion. Bakit mo nga pala 'ko sinama sa misyon na 'to?"
Walang sagot. Base sa paghinga niya, hindi naman siya tulog, nakapikit lang. May tulog bang naka-crossed arms?
Kukulitin ko pa sana siya pero nagbago isip ko. Ang totooo, nagtataka naman talaga 'ko kung bakit sinama niya pa 'ko sa lakad na 'to. Gaano ba kahirap kumuha ng ebidensya sa isang grupo ng mga sindikato? Bakit dalawa pa kami? At isa pa... talaga bang utos 'to ni Uncle Al? Samantalang hindi 'to sakop ng trabaho namin. We're always ordered to execute the badasses not to... get evidences from them. Weird. At ebidensya pa mula sa mga foreign syndicates? Mga lokal na sindikato lang ang sakop ng protocol namin. At ngayon lang lumabas ng Norte ang trabaho namin. Weird.
Pero syempre, si Rion lang ang makakasagot ng tanong ko dahil siya ang nagbitbit sa'kin sa trabahong 'to kahit wala akong balak umalis sa bahay ngayong Pasko. Pwera na lang kung gusto niya lang pala 'kong maging driver.
Huminto ulit ang mga sasakyan. Sinulyapan ko siya. Paano ba manggising ng mga taong gising?
Dahan-dahan kong nilapit ang mga kamay ko sa mukha niya. Mahirap na baka maramdaman nya 'ko ay bigwasan pa 'ko.
Plano ko lang namang pindutin ang ilong niya hanggang hindi siya makahinga at magpupumiglas siya na parang isdang sisinghap-singhap. Hahaha! Ano kayang hitsura nya?
BINABASA MO ANG
RION (Complete)
Romance[Filipino] Formerly BEWARE OF HIS SPELL Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviejo, the SSC President of their University. While she was doing everything to make her presence known to him, Rion was also doing ever...
