Set Fire to the Rain

9.4K 171 10
                                    

{A/N}

Hello pipolei?! Ngayon lang ulit aq nag-note no? Ayoko kasing masira ang momentum ng story, seryoso ang chapter tapos may sisingit na ewan na author tas intense chapter na naman ang sunod? Nu kaya yun? At saka... what's so important about my note, BTW? La naman ahaha!'Nga po pala try nyo ding basahin yung talakayan 101 by kogarasumaro143, umeksena ako doon ng konti, hehehe, Vote, Comment, be a Fan, Like po kayo? 


Dollar's POV

"Hahahahahaha!!!"

Sa wakas nailabas ko na din ang pinipigil kong tawa. Wala akong pakelam kung pinagtitinginan ako ng ibang estudyante sa corridor. Sa gusto kong tumawa, bakit ba? Walang basagan ng trip! Binasa ko ulit ang f-in-orward na joke ni Euna sa phone ko at tumawa nang malakas.

Ang corny talaga ng Eunang 'yun o, at sino ba naman ako? Isa lang naman akong ordinaryong babae na may mababaw na kaligayahan.

"Pstt!"

Tiningala ko kung sino ang nag-pat sa ulo ko. Si Moi pala.

"Nong ginagawa mo dito sa labas? May klase kayo sa loob tas nandito ka, mag-isang tumatawa? Tsk, tsk, tsk, malala ka na talaga."

Siniko ko siya sa sikmura. Panira talaga 'to ng moment kahit kelan.

"Ah! Sakit non ah, umamin ka Dolyares, lalake ka talaga dati no?"

Binatukan ko naman siya. Dami talagang hirit ng lalakeng 'to kahit kelan.

"Paano kasi si Euna nagpasa ng joke na nakakatawa. Bwahahaha!"

"Bakit? May joke bang nakakatakot?"

"Oo nga no. Akalian mo yun Moi naisip mo 'yon. Talino mo ah. You got me there." Tumingkayad ako at ginulo ko buhok niya.

"I know. I know. Pwede ka ng magpa-autograph. Hehehe! Teka, bakit ka nga pala nagpo-phone sa oras ng klase? Eh kung isumbong kaya kita sa Prof. mo ha?" pananakot niya.

"Pwede ba Moises. Tadyak gusto mo? Ikaw nga eh, kahit may major exams nakikipagligawan!"

"Oo nga pala no."

"Sige na nga, humayo ka na at ako'y papasok na. Kita na lang tayo sa Al's mamya." taboy ko sa kanya.

"Okie!"

Pero malapit na 'ko sa pinto nang may maalala ako. "Moi!" Tawag ko sa kanya pero lumingon lang siya, ngumiti at kumaripas na ng takbo.

Sabi ko na nga ba! Naalala nya din ang naaalala ko.

"Moi!" hinabol ko siya sa corridor at hinablot sa kwelyo. Buti na lang medyo maraming estudyante kaya hindi siya nakalayo.

"May nakakalimutan ka atang ibigay sa 'kin, Moises!"

"B-Bukod sa matamis kong smile ano pa nga ba?" 

Binatukan ko ulit siya.

"Nasaan ang mga pictures ni Unsmiling Prince!"

"Unsmiling Prince who?"  (?_?)

"Si Rion."

"Ugh! That man! Nasaan nga ba ang mga pictures niya? Oy, oy, oy hindi ako bakla ah, malay ko kung nasan pictures non!"

"Isa Moi! 'Di ba may deal tayo? Kukunan mo ng pictures si Unsmiling Prince!" paalala ko sa kanya.

"Deal-deal ka dyan, b-in-lackmail mo kaya ako."

"Basta Moi, akina dapat iyon bukas ha! Kung gusto mo alamin mo na din ang address, phone number, email-ad, facebook at twitter account niya ha!"

"Hoy Tisay! Ikaw lang ang stalker dito no, wag mo kong idamay sa kabaliwan mo. Sumbong kita kay Uncle Al para mapalo ka!"

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon