His Stares...

9.2K 178 16
                                    

Dollar's POV


Tsk. Tsk. Tsk! Wala akong maintindihan sa binabasa ko! Parang nakikinita ko na ang mababa kong grade kapag pinasa at nireport ko 'tong papel na 'to!

Nakakainis talaga ang ginawa ng lalake sa basement! Ugh! Erase! Erase! Erase!

Pero kahit anong iling ko at pikit, ayaw mawala sa sistema ko ang nangyari kagabi. Apektado lahat maski pagkain ko ng almusal, panliligo, pagsusuklay, pagmumuni-muni at ngayon nga ay apektado na din pati ang linsyak na report na 'to! 

T_T 

Waaaaah! Hindi na po ako malinis at dalisay! Nakuha na po ang aking--

"Dolyar!!!"

Napatingala ako kay Euna. Makabasag-ulo talaga ang boses ng babaeng 'to kahit kelan! Naki-upo siya sa 'kin sa bench. Nandito nga pala ako sa quadrangle. Pinakabukana 'to ng school kaya maraming estudyante.

"Hanu ba yan, gurl! Nagsuklay ka na ba? Para ka namang pinagsamantalahan niyan!"

"Huwaaaah! Eufrocinaaaa! So true!"

"What? Napagsamantalahan ka nga? Where? Sino?" hysterical niyang tanong.

"Hindi ko nakita ang mukha!"

"Iyong amoy? Maski amoy niya? Naamoy mo ba?"

Natigilan ako. "Ahm..."

Teka... Yeah. Naamoy ko nga 'yong lalake sa basement. Paano ba naman eh sumubsob nga ang mukha ko sa katawan niya di ba?

"Ano?"si Euna yan.

"Mabango."

"Tss, swerte mo. So tell me, anong feeling?" kung kanina hysterical ang pagtatanong niya, ngayon curious na curious naman, nagniningning pa ang mata. Parang gustong makabalita sa pinakabagong 'in' sa fashion. Me pagka-ewan din talaga 'tong si Euna.

"Huy, ano?" kinulbit pa niya 'ko.

Ano nga bang naramdaman ko?

Sama ng loob? Pero naramdaman ko lang 'yon matapos gawin ng lalakeng 'yon ang bagay na-- Ano nga bang naramdaman ko?

"Next question, Euna."

"Pss. Bruha ka talaga Dollar! Ikaw mapagsasamantlahan? Baka it's the other way around no. O kaya ay nanaginip ka lang. Yeah, ganoon nga 'yon. Sa sobrang kadesperadahan mo. Yeah, right, believe me, gurl, ranas ko na din yan. Sa sobrang gusto ko ng magka-fafa eh kung anu-anong napapanaginipan ko."

Sinimangutan ko siya. Paano ko ba masasabi sa kanya? Hindi ko matiis sa sarili ko ang bagay na 'yon. Alangan namang sabihin ko kay Zilv o kaya kay Moi. Napaka-awkward naman. At saka, di nag-amok ng away ang dalawang yun? I'll keep it to myself na nga lang. O ang mas maganda, kalimutan ko na lang ang nagyaring ambush kiss...

Binasa ko ulit ang ire-report ko. Pero ni walang ketone, toluene, ether, amide, carbaldehyde and other chuvalur chenez ang pumasok sa utak ko.

Si Euna, nasa tabi ko pa din, nagfa-file ng kuko.

Napatingin ako sa parking lot at saktong pumarada si Rion. Si Unsmiling Prince! Diretso siyang nakatingin sa 'kin pagkababa pa lang niya sa Viper.

At dapat akong magdiwang di ba? Tinitingnan niya na 'ko pagkatapos nang ilang araw na di niya pagpansin sa akin. Pero tinago ko ang mukha ko sa papel na hawak ko. Kainis! Parang wala akong mukhang ihaharap sa kanya! Pakiramdam ko pinagtaksilan ko siya. Sorry, Unsmiling Prince...

"Hoy, bruha, pa-cheesee burger ka naman! Nakatingin sayo ang kinababaliwan mo oh."

"Alam mo pala na crush ko siya,"mahina kong sabi at binalik ang tingin sa report.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon