Dollar's POV
Si Shamari kaya? Of course, Rion love and care for his sister pero hindi naman siguro to the point na ita-tattoo niya ang initial ng pangalan ng kapatid sa dibdib nya. Hmm...
Sino pa nga ba ang malapit sa kanya na 'S' ang initial ng pangalan? Aha! Si Starry! In-love siya sa kabayo niya? Hindi naman siguro. O baka namn wala lang 'yong tattoo na iyon. Baka naman wala pala talagang sini-symbolize? Pero hindi ako makatulog.
Lumabas ako ng kwarto ko para hanapin si Shamari. Gusto ko sanang tanungin na lang si Rion pero pagkahatid niya sa 'kin dito sa bahay ay umalis na siya. Wala din si Lolo. At anong malay ni Lolo sa tattoo ni Rion? Mamaya tanungin pa 'ko ni Lolo kung bakit ko nakita 'yon. Anong sasabihin ko? Naghubad sa harap ko ang apo niya? Tss! napaka-awkward.
Kaya si Shamari na nga lang. Bumaba ako sa hagdan at nakita ko siyang may kausap na babae sa sala kaya umupo muna 'ko sa isa sa mga steps ng hagdan.
I watched the two of them. As usual, serious si bespren Shamari, wearing that no-nonsense look on her face. She's all business and doesn't look friendly. At iyong babae naman sa kabilang sofa... Hmm...she's an exotic beauty. Kasingtangkad siguro ni Shamaw. Morena, maamo ang mukha at matured. She's in her early twenties, perhaps.
Teka... bakit parang narinig ko na ang ganyang description? Morena, matangkad, matured? Lumingon sila sa 'kin nang maramdaman nila ang presensya ko kaya lumapit ako sa kanila. At mas lalo kong napagmasdan ang babae.
"Dollar, meet Sherry. Sherry, si Dollar, guest dito," pakilala sa 'min ni Shamari.
"Hello, Sherry!!!"
Sherry just smiled shyly.
Umupo ako sa tabi ni Shamari at nag-usap na ulit sila. Base sa pagkakaintindi ko, isa si Sherry sa anak ng mga namumuno sa koprahan na hinahawakan ni Shamari dahil wala si Lolo. Pinagmasdan ko ulit si Sherry. She's simple and smart. At kung bibigyan siguro ng opportunities, malamang magiging successful siya sa buhay. But she seems contented being a farm help.
Sandali lang sila nag-usap at hinatid na namin siya sa pinto.
"Nice meeting you, Sherry!"
"I-Ikaw din, Dollar. Mauna na po 'ko miss Shamari. Uhm... paki-kumusta na lang po ako kay ... Rion." She waved goodbye and left.
I suddenly felt cold. I... know that look. Alam ko kung anong ibig sabihin ng kislap ng mata niya dahil nakikita ko rin iyon sa salamin pag nagsusuklay ako at naalala ko si Rion. Ayokong i-entertain ang mga possibilities. Pero lumaki sa hacienda si Sherry at imposibleng hindi siya kilala ni Rion nang personal.
"Shamaw!" hinabol ko siya na nasa gitna na ng hagdan. "Kilala mo ba si Sherry nang mas personal?" Tanong ko.
"Hindi. Hindi ko naman siya kaibigan," she snapped. At tuloy-tuloy na naglakad.
"Teka, Shamari!"
Hindi siya tumigil.
"G-Girlfriend ba siya ni Rion?"
Doon lang siya huminto ng paglalakad at humarap sa 'kin. "Hindi ko pinapakelaman ang relasyon ni Rion. And I don't give time to know who he dated or who he bedded. I just don't care, got that?" Naglakad na ulit siya.
"T-Teka!"
"What?!"
"Pero may alam ka kay Sherry?"
"She's the farm helper's daughter, that's all."
"How about ang naging r-relasyon niya kay Rion?"
BINABASA MO ANG
RION (Complete)
Romance[Filipino] Formerly BEWARE OF HIS SPELL Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviejo, the SSC President of their University. While she was doing everything to make her presence known to him, Rion was also doing ever...