The Best Buddies

9.2K 164 8
                                        

Al's POV


"Rum? Brod?" tanong ko sa bagong upong customer sa bar counter. Tumingin siya sa 'kin at ngumiti.

"Hindi ka pa din nagbabago, Alvaro. Alam mo pa din ang inumin ko."

Napatawa ako nang mahina. "Kapapasok mo pa lang sa entrance kanina, nakilala na agad kita." Inilapag ko ang mug ng Carribean rum sa harap niya.

Daniel Agustin. A comrade. A self-made millionaire.  Kinatatakutan bilang isang magaling na miyembro ng isang special ops ng militar noon, at hinahangaan naman bilang isang magaling na negosyante ngayon. Parang kahapon lang nang magkasama pa kami sa serbisyo pero sobrang dami ng nangyari sa buhay namin. 

"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito, Dan?" tanong ko at umupo paharap sa kanya. Tinawag ko ang isa sa mga bartender upang palitan muna ako sa pag-eestima ng ibang customer.

"Gusto ko lang kamustahin ka." 

"Don't give me that crap. After two decades? Ngayon mo pa naisip na kamustahin ako?" napatawa ulit ako.

Samantalang ngumiti lang siya. "Am I that bad as a friend?"

"Medyo."

Napatawa kami pareho. Mayamaya ay lumipas ang katahimikan.

Parang nahuhulaan ko na kung ano ang pinunta niya dito. "Kung kakamustahin mo  ang anak mo, okay lang siya. Isa na ring kilabot ng mga kolehiyala ngayon, tulad mo dati."

Daniel just smiled at nakipagtitigan na sa baso.

"Kailan ka nga pala magpapakita sa kanya." Matagal ko ng gustong itanong 'to sa kanya, ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon.

"No need. Alam kong nasa mabuti siyang kalagayan." Nakikita ko sa mga mata ng kaibigan ko ang kasabikan sa anak na hindi pa nakakasama kahit kailan.

"Ilang taon ka na ring nagsusubaybay sa kanya nang palihim. Why don't you reveal yourself to him and patch things up?" payo ko. 

"May dahilan ako kung bakit ko 'to ginagawa, Alvaro. Ayokong madamay siya sa gulo ng buhay ko."

"Funny, Daniel. Ayaw mong madamay siya sa gulo mo pero kaparehong mundo mo ang tinatahak ng anak mo ngayon."

"Yeah, I know. And that's bullshit! Bakit kailangan niyang sumali sa grupo?!"

Nararamdaman ko ang galit sa boses niya. Mahina lang iyon pero madiin.

"Relax, pare, ayokong mag-alisan ang mga customer ko ngayong gabi." Nakita kong lumipat sa ibang upuan ang mga katabi niya.

Naramdaman 'ata nila ang madilim na aura ni Daniel. "How 'bout Don Marionello? Alam ba niyang nandito ka sa Flaviejo?"

"No. I made sure of that. Walang dahilan para malaman niyang nandito ako."

Tama siya. Alam kong hanggat maaari ay ayaw makipagkita ni Daniel sa matanda. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa personal na dahilan.  At wala ring nakakaalam kung anong pwedeng gawin ni Don Marionello kapag nalaman niyang umapak sa bayang 'to ang lalakeng nang-iwan sa nag-iisa niyang anak na babae.

Two rich men.

Dating mag-ama ang turingan sa isa't isa. But because of one's stupid principles, they ended up as rivals. Lalo na pagdating sa negosyo. Kung tutuusin ay alikabok lang sa yaman ni Don Marionello ang narating ni Daniel. Pero kung si Don Marionello ay talagang galing sa mayamang angkan, sipag, talino, determinasyon at madilim na buhay naman ang ginawang puhunan ni Daniel para umasenso pagkatapos iwan ang serbisyo.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon