Dollar's POV
"Nasaan si Moi?!" lingon ko kay Zilv na tahimik na sumisimsim ng alak sa sulok ng balcony.
Nagkibit-balikat lang siya.
"Kainis naman siya. Ngayon lang tayo hindi kumpleto sa Pasko. Bakit ba kasi umupa pa siya ng apartment samantalang ang laki-laki ng bahay nila? Kasing bulok na ng pickup ni Uncle ang inupahan niyang kwarto ah. Ano bang meron doon?"
Walang sagot si tatay Zilv. Mukhang malalim ang iniisip.
Kelan ko lang nalaman na hindi umuuwi si Moi sa bahay nila. At nang sundan ko siya noong isang araw mula sa Al's Billiards, napag-alaman ko lang naman na umuupa siya sa bayan sa lugar sa tapat ng Community Park. Anim na pintong paupahan iyon, at mukhang survivor na ng ilang bagyo ang bahay. Hindi naman totoong bulok na ang building pero sa katulad ni Moi... nakapagtatakang iyon ang napili niya. Alam ba ng namamahala doon na nagpapatira sila ng isa sa mga mayayamang teenager sa Pilipinas?
Haay... Ang lungkot ng Pasko. Pati mga tao dito sa bahay. Si Uncle minsan na lang magsalita, nahawa na yata sa kaibigan niyang si Mr. Agustin na napakatahimik. Kami lang ni Cheiaki ang masaya lalo na dahil marami kaming natanggap na regalo, hehehe!
Nangalumbaba ako sa pasimano ng barandilya at tumanaw sa labas.
Kamusta kaya sila Lolo? Masaya kaya ang Pasko nila? Si Shamari? Si Rion ma-labs kaya? Kainis kasi hindi dumating yung load ko na-traffic yata sa dami ng nagte-text. Hindi ko man lang sila nakamusta.
"Uy, tatay Zilv."
"What?"
"Pwedeng makitawag?"
Inabot niya sa akin ang cellphone niya. Wow! Sosyal ng model! Ibato ko kaya 'to sa labas ano kayang reaction niya? Hehehe, try lang. Pero nakakunot noo siya sa 'kin kaya nagbago ang isip ko.
"Doon muna 'ko ah."
Lumayo ako sa kanya at nilabas din ang cellphone ko na laging gutom sa load. Pero hindi ko pa nako-kopya ang number ni Rion sa cellphone ni Zilv dahil maya't maya ang dating ng mga messages. Kayamot! Puro numbers lang pero nang mag-open ako ng isa, babae ang sender. Hindi lang bumabati ng Merry Christmas, may kasama pang panlalandi. Langya, daming babae ni tatay Zilv.
Sinimulan kong i-dial ang number ni Rion at naghintay...
"What?" Rion snapped on the other line.
Hindi ako nakapagsalita agad, ninanamnam ko pa ang boses niya.
"Zilv? Anong kailangan mo?" tanong pa ni Rion sa kabilang linya.
Teka... Nalito pa 'ko nang tawagin niya akong Zilv. Pero oo nga pala, number to ni... Zilv. Pero ba't alam niyang si Zilv ang tumawag? May contacts ba sila sa isa't isa? Baket?
Napalingon ako kay Zilv na kausap ni Uncle. Magpapakilala na sana 'ko kay Rion nang magsalita ulit siya.
"Meet me at the basement, Zilv. Mamayang alas tres ng umaga... may pag-uusapan tayo," and the line went dead.
I gasped. Bakit nabanggit nya ang basement sa pag-aakalang si Zilv ang tumawag? At anong pag-uusapan nila? Ibig sabihin magkakilala talaga sila? Tiningnan ko ang call logs sa cellphone at sa halip na numbers lang ni Rion ang nandon, Flaviejo ang naka-save na pangalan. Ch-in-eck ko din sa phonebook...
Hmm...
Naka-save sa cellphone nila ang numbers ng isa't isa? Sasabihin ko ba kay Zilv ang 'usapan' nila ni Rion?
^^^^^^^^
Marahan kong tinulak pabukas ang pinto sa basement...
BINABASA MO ANG
RION (Complete)
Roman d'amour[Filipino] Formerly BEWARE OF HIS SPELL Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviejo, the SSC President of their University. While she was doing everything to make her presence known to him, Rion was also doing ever...
