Rion's POV
Dinampot ko ang beach ball na tumama sa paanan ko.
"Excuse me?"
Narinig ko ang malambing na boses sa tabi ko. Tiningala ko ang isang babae na papalapit sa kinauupuan ko. She's clad in a daring two-piece, showing her fair complexion and curves.
Kung ako siguro si Moi, nginitian ko na din siya, pinatulan ang simpleng pagpapa-cute, have a chat with her and before the night will come, we're on. Pero hindi ako kasing playboy ni Moises na hindi kahit kelan ay hindi marunong humindi sa isang babae.
And I don't need to exert more effort in meeting women to satisfy my carnal needs. Serious relationship is a no, no for me.
Pinagulong ko palapit sa kanya ang bola at tumingin na ulit sa dagat. Totally dismissing her. Narinig ko pa ang tilian ng mga grupo ng babae na naglalaro ng beach volleyball malapit sa 'kin. Those girls... kung anu-anong paraan ng pagpapa-cute.
In-adjust ko ang headphone at ni-review ang buong flow ng program para sa isang araw na natitira sa seminar and training. Natapos na ang kaninang activities kaya free time na ng mga participants.
Tatayo na sana 'ko para bumalik sa hotel nang maramdaman ko ang talsik ng tubig sa mukha ko.
"What's up, Rion boy?"
Nakita ko si Moi na kaaahon lang sa dagat, kasunod ang mga... well... probably his female victims.
"And what exactly are you doing here, Moi?" Sa pagkakaalam ko ay hindi naman interesado sa mga ganitong school activities si Moises katulad ng kaibigang si Dollar.
"Hey, tapos na naman ang trabaho ko ah. At sumunod lang ako para mabigyan ng kasiyahan ang mga babeng participants ninyo. Poor girls, ikaw lang ang nakita nila these past days. Tsk. Tsk. Tsk."
Nakiupo siya sa tabi ko at nakikain na din pagkatapos magpaalam sa mga babaeng kasama kanina.
"The truth is, inutusan lang ako ni Zilv. Kaya all-expense paid by Zilv ang bakasyon kong 'to, bwahahaha!"
"At bakit hindi si Zilv ang kumontak sa 'kin kung siya ang may kailangan sa'kin?" They reall have a weird friendship.
"Dahil may lakad siya at gusto niyang maramdaman mo daw ang pinapaabot niya."
"And that is?" I cocked my brow to that question.
"Nakikita mo ba 'to?" Itinuro niya ang gilid ng mukha niya na nagingitim dahil sa pasa.
At bago pa 'ko makakilos ay nasuntok na din niya ko. Damn it! I should have known that. Naramdaman kong natigilan ang mga babaeng malapit sa amin. Bumangon ako sa buhangin at nilingon si Moi na nakatayo na at nakataas ang dalawang kamay.
"Oh Rion, wag mo kong sasaktan. Parang awa mo na." He said that with pleading eyes at todo ang pagsisisi sa mukha.
"You can punch, I can give you that." Hinawakan ko ang nasaktang panga.
"Tss! Oh pwede na ba 'kong umupo? Hindi mo 'ko gagantihan?"
"At kelan ko pinatulan iyang mga kalokohan mo?"
"Psh!" umupo na ulit siya sa tabi ko. "Si Zilv kasi ang may dahilan ng pasang 'to at sabi niya ipasa ko daw sa'yo nang mas doble kaya binilihan niya agad ako ng ticket papunta dito. Kung wala lang siyang inaasikaso, siya daw ang pupunta dito. Pero buti na lang ako ang gumawa niyan, kung hindi baka pareho kayong tutubusin ni Uncle Al sa city jail ng El Nido. You two really have some issues!"
Napaisip ako. What is Zilv's problem this time? At noong isang araw sa airport, nakita ko siyang naglalakad palayo. He must have talked to Shamari and I wondered why.
"Hmn... It must be related about Dollar."
Nilingon ko si Moi dahil sa sinabi niya. "And what about her?"
He shrugged his shoulders and looked at me. "And why the sudden interest?" Tumaas ang kilay niya.
Hindi ako sumagot at tumayo na.
"Tama ba ang iniisip ko, Rion?"
"Malay ko sa iniisip mo."
"Dollar's avoiding you, that's why. At napansin iyon ni Zilv?"
Nilingon ko siya bago sinuot ang baseball cap.
"May ginawa ka bang masama sa kanya?" Moi's face suddenly changed to stoic.
"I don't know. Maybe, maybe not. Why not ask her? Pero kung aminado akong may ginawa nga akong masama sa kanya, sasabihin ko iyon sa inyong dalawa and you'll be free to punch the hell out of me."
Pinag-isipan niya ang sinabi ko at mayamaya ay sumabay sa 'kin sa paglalakad.
"You know, Rion. Hindi talaga kita gusto para kay Dollar, knowing the dangerous life you'll offer to her kung kayo man sa huli ang magkakatuluyan. But I cannot also stand seeing her miserable."
Funny, wala akong matandaang sinaktan ko siya nang direkta para iwasan ako. If that was because of my rudeness, well I thought she's fully aware of that part of me. Or maybe she just got tired of chasing me. And that's a very good one on my part.
"Baka naman inapi mo siya nang nasa inyo siya?" Parang handa na niya ulit akong suntukin.
"Never."
I laughed shortly. If Moi could only know.
"Hmm... Baka naman may ibang pinoproblema ang babaeng iyon? She's not in her usual self, nakakatakot sa katahimikan."
Narinig kong bulong ni Moi na papalayo sa'kin.
Kung ganon, iyon nga ang dahilan ni Zilv para papuntahin pa dito si Moi. Gusto kong magtaka minsan sa protectiveness na pinapakita ni Zilv kay Dollar. The man is suicidal when it comes to her. At pati din si Moi. At gusto kong maiinggit dahil may karapatan sila... They are the best of friends...
Napailing ako. And what's that thought for?
Nadaanan ko ang mga souvenir shop at mga boutique. At bago ko pa man maisip ang ginagawa ko, pumasok ako sa isang shop. And bought that cute item I saw yesterday.
BINABASA MO ANG
RION (Complete)
Romance[Filipino] Formerly BEWARE OF HIS SPELL Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviejo, the SSC President of their University. While she was doing everything to make her presence known to him, Rion was also doing ever...