Ang Habulan

10.8K 219 24
                                    

Dollar's POV


"Unsmiling Prince!" Malakas na tawag ko kay Rion at nagmamadaling tumakbo para makasabay sa paglalakad niya. 

Dahil lunch break, maraming estudyante ang nasa hallway kaya nakisiksik na lang ako. And then came their expletives. Pero sorry my fellow schoolmates, hindi makakahadlang ang pagmumura ninyo sa paghabol ko sa pangarap ko, bwahaha! Ang sarap talagang mag-aral no, while pursuing love life on the side.

Hindi pa rin siya nalingon. Hindi pa 'ata niya alam na iyon ang endearment ko sa kanya. Tinapik ko siya sa braso nang makalapit ako sa kanya para matawag ang pansin niya.

 "What?" tanong niya at bahagya lang akong nilingon.

 I gave him my signature smile. "Kamusta ang weekend mo?"

No response. Pero inaasahan ko na 'yan. At dahil makapal ang mukha ko, " Pwede ko bang makuha ang mobile number, home address, email ad at class schedule mo?"at naglabas ako ng pen at notebook.

"No."

"Why?" napatingala ako sa kanya habang lakad-takbo na ang ginagawa ko, ang laki kasi ng mga hakbang niya.

"Dahil ayoko. Got it?"

 "Hindi."

Alam kong mahihirapan akong kuhanan ng personal info. ang lalakeng ito. Nabigyan na ako ng briefing ng fans club niya. Oo, may fans club si Rion. At sa kanila ako unang lumapit at nagtanong sa disimuladong paraan ng tungkol sa kanya. Hindi naman sila na-threaten sa'kin. Siguro iniisip nila na hindi ang tulad ko ang papansinin ni mighty Rion. Inalok nga nila akong sumali sa grupo nila pero tumanggi ako. Gusto kong mag-solo. Pero wala rin ako masyadong nakuhang info sa mga fans club niya.

For a school body like Rion, he is so secretive. Kaya nga ako na mismo ang kukuha ng info mula sa kanya at paraan ko na rin ito para magpa-cute. Quality time ba.

"Bakit ayaw mong ibigay, hindi ko naman pagkakakitaan ah."

"Bakit gusto mong alamin?" Nasisilip ko from his sideview ang bahagyang pagsasalubong ng mga kilay niya.

Bakit ba pag tinatanong ko siya ay lage na lang niya akong sinasagot ng tanong din? 'Problema ng lalakeng 'to?

"Because I like you."

Nakagat ko ang lower lip ko. At bakit din ba lage akong nauunang magsalita kesa mag-isip?

Hindi naman akong nahihiyang sabihin at malaman niya ang nararamdaman ko sa kanya, dahil sooner o later ay talagang ipapaalam ko rin naman sa kanya but not now! Not in this place! Hindi sa matao at maingay na hallway! Ni hindi pa 'ko nagsusuklay dahil nga nakita ko na siya at hinabol bago pa man ako makapuntang comfort room.

He smirked. Parang hindi naniniwala sa 'kin.

Grabe 'tong lalakeng 'to. He should be proud dahil siya lang ang hinabol ko nang ganito at nagustuhan nang todo sa tanang sixteen years ng buhay ko! Kainis!

"Yes, I do." Pangangatawanan ko na since nasimulan ko na.

 "At sinasabi ko sa'yo 'to agad dahil naniniwala ako na kapag may nararamdaman ang isang tao ay dapat niya agad ipagtapat sa taong gusto niya. It is to avoid the 'what ifs' and years of misery kung hindi niya 'yon ginawa dahil hindi na pala sila magkikita ng taong iyon. Iyong iba kasi hindi kayang sabihin when they have all the time in the world tapos iiyak-iyak kapag wala ng chance o kapag hindi na pala sila magkikita ever. At para makatulog na din ako nang maayos. At saka... Malay mo ito na pala ang huling araw ko dito sa earth at least nasabi ko na sa----"

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon