Adding Insult to Injury

7K 123 4
                                    

Dollar's POV


"Hindi ka sinipot ni Rion?"

Bigla akong napalingon sa pintuan ng kusina.

"Zilv? Tss! Akala ko kung sino."

"Answer me." Madilim ang ekspresyon ni tatay Zilv. Hindi ako sumagot, tinuloy ko lang ang pagsasalin ng fresh milk sa baso.

Ngayon ko na nga lang siya nakita ganito pa agad ang salubong niya sa akin. Pero syempre, si Zilv yan eh, walang paliguy-ligoy. Teka... Ba't niya nga pala alam?

"I just want to confirm, Duchess. At ngayon napatunayan ko na base sa reaksyon mo sa tanong ko." Parang nakikita kong nagsisimula ng dumilim ang aura niya.

Lumapit siya sa kitchen counter at humila ng high stool chair para umupo sa tabi ko. Pinatong niya ang dala niyang basket sa harap ko. Syempre, masarap na almusal ang laman niyan. Number one rule ni Zilv: No one gets hungry when with him.

"Are you alright?" Zilv asked tenderly. Nawala ang madilim na aura. 

Nabitin ang pagkagat ko sa sandwich dahil sa tanong niya. "Oo naman, nakangiti pa nga 'ko di ba? Why-ket?" Kahit bumubukol ang pisngi ko dahil sa pagnguya ay pinilit kong ngumiti.

He sighed at mapagduda akong tiningnan. Tss! Dapat talaga nag-abogado 'tong lalakeng 'to. 

"Don't worry, Dollar, I'll beat Rion for that." Tumango-tango siya, mukhang nagpa-plano na agad sa isip kung paano bubugbugin si Rion.

"Zilv..." I said in a warning tone.

Hindi siya sumagot at sumabay na lang sa'kin sa pagkain ng almusal.

Uminom ako ng gatas at saka siya hinarap. "Zilv, hindi ba dapat ikaw diyan ang binubugbog dahil hindi mo din sinipot si bespren Shamari?" sita ko sa kanya.

Siya naman ang nabitin sa pagkagat ng sandwich at bahagya 'kong nilingon.

"Paano mo nalaman?"

I just shrugged my shoulders. "Hula ko lang. Wala ka kasi sa party atsaka sabay kaming umuwi, at narinig kong sinusumpa ka niya."

"Tsk!" Napailing siya. Parang sandali kong nasilip sa mata niya ang guilt.

"Bakit mo naman pinaasa si Shamari? Ang ganda pa naman niya noong isang gabi." Parang masarap ding konsensyahin si Tatay Zilv minsan.

"It's just between me and her, don't ask."

"Okay, sabi mo eh." Nagkibit lang ako ng balikat. Wala talaga akong makuhang impormasyon sa kanya lalo na pagdating kay Shamari.

Pinagpatuloy na namin ang pagkain, pero wala sa masasarap na sandwich ang pansin ko. Sa totoo lang, ayoko ng alalahanin ang nangyari sa party. Ay mali, wala nga pa lang nangyari.

Alam ko namang may dahilan si Rion... At naniniwala akong hindi niya ako pababayaan kahit kailan. Hindi siya ganong klase ng lalake... Ano kayang nangyari sa kanya. 


^^^^^^^^

Al's Restaurant


"Hindi ka sinipot ni Fafa Rion?"

Napasimangot ako kay Euna na agad na lumapit sa'kin pagpasok ko dito sa kusina. At as usual, nakalimutan na naman niya ang mga hinuhugasang pinggan nang makita ako.

"Ba't mo alam?" tanong ko sa kanya, nakasimangot.

"Hindi mo alam?" nakamulagat siya sa akin habang pinupunasan ang kamay sa apron.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon