Ang Raffle Tickets!

10.2K 201 13
                                    

Dollar's POV

Patapos na ang buong linggo.

Biyernes na pero hindi ko pa din nare-remit ang pera na pinagbentahan ng mga tickets kay Euna. Twenty five tickets pa lang ang nabebenta ko kaya bale may natitira pang 15 tickets. 

Iyong sampu, naibenta ko agad kay Zilv. Sinasabi ko pa lang sa kanya ay inabutan na agad ako ng pera at sinabihang ipangalan ko na lang sa lahat ng nagtatrabaho sa Al's Billiards.  Yaman talaga ni Zilv. Si Moi naman kailangan ko pang pilitin at kulitin ng sobra. Kuripot din ang tisoy na 'yon.

Bumili ako ng isang ticket, isa din kay Uncle Al kahit napagbentahan na siya ni Euna. Isa din kay Cheiaki na tinulungan ko pang sumungkit ng ipon niya sa piggy bank nya. At sa sampu kong kaklase na halos mag-iisang taon ko ng kasama ay dalawa lang ang bumili!

Hindi kuripot ang mga kaklase ko. Talagang hindi lang nila alam kung ano ang mga raffle-raffle chuvalur na ito. Mayayaman kasi sila at walang dahilan para sumali sila sa raffle para manalo ng ref, TV, electric fan, washing machine at iba pa. 

At ngayon nga ay pagala-gala ako sa buong university , naghahanap ng papatol sa mga kaawa-awang raffle tickets.

Hay..! Naiinis na 'ko. Kung hindi ko lang talaga gustong tulungan si Eufrocina.

At ang isa pa nga pa lang kinaiinis ko ay dahil simula Lunes hanggang ngayong araw na 'to ay hindi ko pa nakikita kahit anino ni Unsmiling Prince. Nakakatmapo na sa tadhana.

Dalawa lang 'yon: Wala talaga siya sa school o hindi ko lang siya matiyempuhan.

Pero sabagay, third year na siya kaya siguro busy lang siya. O kaya naman busy lang siya sa pag-o-organize ng Halloween Party. Patapos na kasi ang October, may kaganapan na naman sa school na naka-assign sa SSC. 

Pero dapat nagpakita pa rin siya sakin! Hindi rin ako ambisyosa ng lagay na yan ah. Feeling lang.

Liliko na sana ako sa hallway nang makita ko si Shamari. Tama! Sure ako alam niya kung nasan si Rion.

"Shawarma!"

Tiningnan niya lang ako pero dire-diretso pa din siya sa paglalakad. Kung makatingin siya ay parang malaking fungi ang lumalapit sa kanya.

"Shawari-wari-wap!"

Huminto siya at hinarap ako.

"How many times should I tell you that my name is Shamari." She said with her no-nonsense look.

"Whatever, Shawari." roll eyes. "Pero nakita mo ba si Rion?"

"No," at tumuloy na siya sa paglalakad.

Sinundan ko siya, syempre makulit ako like fungi. Lakad-takbo na ginagawa ko, bilis din niya maglakad, parang laging nagmamadali. Sila na matatangkad at mahahaba ang biyas.

"Imposible iyon, 'di ba lagi kayong nagkikita at kasama mo siya sa SSC Office. Sige na sabihin mo na. Gusto ko lang siyang makita."

"Gusto ka ba niyang makita?"

Antipatika talaga 'tong babaeng 'to!

"Oo, feeling ko."

"I don't know where he is. So now, please leave me alone. Dahil kung hindi mo pa alam, inaasikaso ko ang pagpapa-pirma ng mga research papers ko. Again!"

Diniinan niya talaga ang salitang 'again' para ipaalala kung ano ang ginawa ko sa mga papel niya noong nakaraang linggo.

Hindi pa nga pala ko nagso-sorry sa kanya. Pero nunca na gagawin ko 'yon! Hindi ko naman talaga kasalanan at saka kahit naman humingi ako ng tawad sa kanya ay hindi ibig sabihin noon na magiging friends na kami.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon