Dedicated to nice Germelie, a certified music lover. You rock, girl!
Dollar's POV
Hapon na naman at nandito pa din ako sa school. Ilang araw na din akong inaabutan ng hapon dito sa school. Isa na lang at baka makahalata na si Uncle na wala naman talaga kaming group study. Pero madali na naman magdahilan, hehe! Dumadami na talaga kasalanan ko, tsk!
Nandito ako mismo sa part kung saan ako iniwan ni Rion para maglinis, as part of disciplinary action daw? Ito na ang official na tambayan ko simula noon. Tahimik kasi. Hindi kahabaan at hindi rin kataasan ang lumang bleachers na gawa sa kahoy. Nalililiman din iyon ng mga madadahong puno kaya hindi masyadong mainit kahit tanghali pa 'ko pumunta dito. Pero ang pinakamaganda ay ang view ng dagat. Sa baba kasi ng bleachers ay malalaki ng bato at pagkatapos noon ay tubig na ng dagat.
Akalain kong may ganito palang lugar dito sa University?
At ang isa pa, walang sisita sa'kin kung sunugin ko man ang mga inipon kong kalat na dahon na hindi na maubos-ubos dahil nga sa mga punong nakapaligid.
Katulad ng ginagawa ko ngayon. Nabawi ko na ulit ang golden lighter ko kay Moi bago kami bumaba sa kotse niya noong isang gabi. Kailangan kong maintindihan kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko na magsindi ng apoy kahit minsan nakaka-frustrate.
Iyan ang dahilan ng pagpunta ko dito noong mga nakaraang araw. Pero hindi ngayong araw na 'to.
Ang totoo... Hindi lang dahil tinetyempuhan ko si Rion para diskartehan, na mas malabo pa sa sabaw ng pusit ang resulta lalo pa't ilang araw ko na siyang hindi nakikita. At hindi rin pinakadahilan ng pagpunta ko ngayon dito para lang makita ko ang dagat na buong buhay ko ng nakikita. Hindi rin para maglinis at mag-produce ng malaking apoy. Na kung tutuusin ay pwede ko naman gawin sa bahay.
Disappearing act kasi ang drama ko ngayon.
Pagkatapos ng nangyari sa Chem laboratory ay kailangan ko munang um-eskapo. Busy pa si Miss Leneia sa pag-uutos para sa paglilinis sa ChemLab dahil sa mga nasirang gamit at malamang sa hindi ay galit pa din 'yon. Alam kong kakausapin at kakausapin niya pa din ako but not now. Hindi ngayong fresh pa ang sitwasyon, hehe!
Alam ko namang delikado ang method na ginawa ko dahil sa mga solution na ginamit ko. Pero wala na nga 'atang tatalo sa curiosity ko. I'm curious as a cat. Pero hindi katulad ng pusa, hindi curiosity ang papatay sa'kin. Masyadong mataas ang pride ko para mamatay dahil lang sa maliit na pagsabog. Buti na lang talaga at walang nasaktan sa mga kaklase ko.
Napansin kong palaki ng palaki ang apoy dahil mahangin dito. At nang lumingon ako sa kaliwa ko, bigla na lang may tumaklob sa mukha ko.
Na-kidnap ba ko? Pero hindi naman nakakahilo ang amoy ng nasa mukha ko, at hindi rin siya panyo, medyo nakakahinga pa nga ako. Hinablot ko kung ano man ang humaharang sa line of vision ko. Papel?
Ginusot ko ang papel nang hindi man lang binasa ang nakasulat at basta na lang itinapon sa apoy na nasa harap ko.
Ang daming nagkalat na basurahan sa buong University pero bakit may mga nagtatapon pa din kung saan-saan lang? Tumayo ako sa pagkaka-upo dahil may nakita pa akong ibang mga bond paper na nakakalat. Tss!
Magtatapon lang ay hindi pa ginusot. Ang hirap tuloy habulin. Marami-rami din sila ha. Pero walang nakalusot sa'kin. Shoot lahat sa apoy.
Pinapagpagan ko na ang mga kamay ko nang may makita akong babaeng estudyante rin na papalapit sa'kin. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang VP ng SSC at siya rin ang tumawag kay Rion noon kaya nalaman ko ang pangalan ni Unsmiling Prince.
BINABASA MO ANG
RION (Complete)
Romance[Filipino] Formerly BEWARE OF HIS SPELL Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviejo, the SSC President of their University. While she was doing everything to make her presence known to him, Rion was also doing ever...
