My Circle of Friends

11.8K 208 11
                                    

Dollar's POV

Tiningnan ko ang bunton ng mga dahon na nagsisimula ng lumaki ang apoy.

Fire. I can't help but admire this element.

At katulad ng nangyayari kapag nakakakita siya ng apoy,I was caught in a trance.

"Ahhhck!" Automatic na napatingala ako para makita kung sino ang pumisil sa ilong ko.

Si Moi. Umupo siya sa tabi ko at bahagyang sinulyapan ang papalaking apoy at tiningnan ako. At tiningnan ulit ang apoy at ibinalik ang tingin sa'kin. "Tsk, tsk, tsk." Si Moi habang naiiling-iling pa.

Alam ko ang iniisip ng mokong na 'to. Oo, obsessed ako sa apoy mula pa ng bata pa lang ako.

Obsesyon ko na hindi malaman ni Uncle Al kung saan nagmula. At obsesyon ko na laging dahilan kung bakit kaming tatlong magkakaibigan, ako, si Moi at si Zilv, ay nasasangkot sa gulo nang maliliit pa man kami.

Oo, kaibigan at kababata ko 'tong mestizo playboy na 'to. Dati binabatukbatukan ko lang ito pero ngayon mas matangkad na kesa sa'kin.

"Akina ang lighter mo," at inilahad pa niya ang isang kamay niya.

Iyon ang rule na ginawa ni Moi at Zilv. Sa tuwing mahuhuli ako ng dalawa na nagpo-produce ng apoy nang walang dahilan, kailangan kong isuko ang antigong lighter na matagal nang na sa'kin.

Iniabot ko sa kanya ang kulay gintong lighter. Hmp. Bago ako makauwi sa bahay mababawi ko din 'yan nang di niya alam.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

I smiled. "Sikreto..." Taas-baba ang mga kilay ko. Parang wala pa 'kong balak na i-share sa kanila ang tungkol kay Unsmiling Prince. 

Ang totoo, kanina pa 'ko tapos sa pagwawalis ng mga dahon sa ilalim ng mga bleacher Tiningnan ko lang kung babalik pa si Unsmiling Prince. Pero inabot na 'ko ng hapon ay hindi pa rin bumalik ang lalakeng 'yon. Sayang, dami ko pang plano para sa'ming dalawa. Kaya tinodo ko na lang ang paglilinis, sinilaban ko na din ang mga binunton kong tuyong dahon.

Nilingon ko si Moi. Palingon-lingon din siya.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong ko kahit alam ko na kung bakit.

Hindi siya pupunta sa isang tagong lugar para lang makipagkamustahan sa akin at lalong hindi kung wala siyang pinagtataguan. Madalas kasing matatagpuan ang lalakeng 'to kung saan matatagpuan din ang nakararaming female species.

"Vacant."

"Ako pa ang niloko mo, Moises Crisostomo, 'di pa man tayo marunong maglakad, tayo na ang magkalaro at magkasama."

Babae na naman 'to for sure.

"Ikaw talaga, umuwi ka na nga, hinahanap ka na ni Uncle Al, pang-umaga ang pasok mo pero alas-seis na ng hapon ay nandito ka pa rin! Anong klaseng babae ka ha?"

"Magandang babae," sagot ko at kumuha ng isang bar ng chocolate sa bag ko.

"Tss!" Lumingon-lingon ulit siya. Annoyed talaga si Moises.

Gabi na pala talaga. Apoy lang ang source of light namin bukod sa may mga kalayuang poste ng ilaw.

May mga night classes na ina-attend-an si Moi at ganoon din si Zilv. Third year na si Zilv sa course na Architecture samantalang first year ECE student naman si Moi.

Wait... Malapit ang building nila Moi sa BizEd Bldg! Nilingon ko ang building na pinasok ko kanina.

Iyon ang building na pinakamalapit sa part na kinaroroonan namin. And an idea hit me.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon