Facing 'Jaguar'

7K 129 14
                                    

Dollar's POV


"Ano ba talagang ginagawa natin dito?" nayayamot kong bulong kay Vaughn.

Pero sinenyasan lang niya 'ko na tumahimik at may sinilip siya sa kanan. Naiinis at naiinip na 'ko sa totoo lang.

Kalahating oras din kaming bumiyahe at nakalabas na kami sa bayan ng Flaviejo at pagkatapos iparada ang kotse sa talahiban, naglakad naman kami ng mga sampung minuto papunta dito sa lumang bahay na nakatayo sa gitna ng gubat. At mas mukhang tinitirahan ng mga adik kesa mga multo. Sobrang dilim. Maalikabok. Walang gamit ang buong bahay, basag ang mga salamin ng bintana at puro nagkalat ang bote ng beer. Mukhang madalas magkaroon ng away dito. Andami ring mga kahina-hinalang kahon at sa likod nga ng mga iyon kami nagtatago.

Ewan ko lang kung bakit kami nagtatago sa ilang kalalakihan na mukhang mga pugante na nag-iinuman sa di kalayuan.

"Vaughn? Huy." kinalabit ko ulit siya at sinenyasan lang niya ako ulit na tumahimik. "Ibubugaw mo ba 'ko sa mga lalakeng 'yan na mukhang mga gagambang bahay? Huh?" Napamulagat ako sa kanya.

"Ssshhh! Wag kang maingay. Gusto mo bang pulutanin ka ng mga 'yan pag nakita ka nila?" pananakot niya.

Subukan lang nila! Pero tumahimik na din ako. Medyo natakot din ako sa pagmumukha ng mga lalakeng iyon na parang walang sasantuhin. Bakit ba kasi ako sumama sa lalakeng ito?

Mayamaya ay may dumating na isa pang lalake. In black leather jacket. Naka-baseball cap kaya di ko masyadong makita ang mukha bukod pa sa medyo madilim nga. Pero ibang-iba ang bulto ng katawan kesa sa mga nag-iinuman na mga lalake na mukhang mga butete. Mukhang mas bata ng maraming taon ang bagong dating na lalake. 

"Sino yan?" bulong ko kay Vaughn.

"That's Jaguar," turo nya sa lalake.

Hmm... The name definitely suits him. Napaka-predatorial ng arrive niya. And he's lowering his head not because of cowardice but for aim.

Naglalakad ang lalake nang walang pagmamadali at sigurado sa mga hakbang. That Jaguar was born a warrior, perhaps. Pero ano ang kaugnayan niya sa grupo ng mga lalake?

Nang naramdaman ng mga nag-iinuman ang presensya ng bagong dating ay nagsitayuan sila dahil sa gulat. Nagsipagbunutan ng baril ang mga lalake pero naunahan na agad sila ng 'Jaguar'. At binaril ang mga kamay ng mga ito kaya tumalsik ang mga hawak nilang baril.

Nagulat at natakot ako sa napanood ko. A-Anong nangyayari? At hindi ba siya kakampi ng mga lalakeng iyon? O... hindi ba siya ang leader nila?

"Vaughn...papatayin ba niya sila?" kinakabahan kong tanong sa katabi ko. Potek!  Ang ganda-ganda ng gabi ko tapos patayan ang makikita ko? Bakit ba ko sumama sa lalakeng 'to?! Gusto ko ng umuwi!

"No. That's not his style. D'you know about acupressure? He'll just make his targets paralyzed for a long period of time," paliwanag ni Vaughn na parang hindi man lang nagulat sa nasaksihan.

Binalik ko ang tingin sa 'Jaguar' at gusto kong kilabutan kahit di ko nakikita ang mukha niya. "S-So dying is better?"

"Exactly."

"Exactly ka dyan," nanggigigil na ko. "Bakit mo ba talaga 'ko pinapunta dito?! Ayoko pang mamatay." Parang gusto kong kurutin ng likod ni Vaughn dahil inis.

"Well... that's for you to answer," at payuko siyang tumakbo palayo sa pagkagulat ko.

"Huy. Vaughn." Iniwasan kong sumigaw. 

Nawala na siya sa dilim sa pagkayamot ko. Bakit niya 'ko iniwan?!

Gusto ko sanang sumunod pero umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril. Damn you, Vaughn! Sa isip ko na lang siya minura dahil baka marinig pa 'ko ng mga lalake sa di kalayuan.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon