Zilv and Shamari (Teaser)

705 29 6
                                    

Dedicated to one of my favorite writers, The Incomparable Ms. Rose Tan! I don't know if she still remembers me, hehe. But the memories of our biyahe pauwi galing sa MIBF2016 and her advice (pagsusulat mula sa puso) will remain as one of the classic reasons of my happiness and motivation.

Here's the teaser for Zilv and Shamari's story. Five years na 'tong nakatambak sa Drafts ko, ahaha! This story is first published on Dreame, please check it out there.


Shamari's POV

I rolled my eyes, like what I do every two minutes. Dalawang minuto lang kasi ang pagitan ng mga nakikita kong weird na bagay dito sa lugar na pinagdalhan sa'kin ni Jon.

Umupo na 'ko nang tuluyan sa hood ng kotse at nilibot ang tingin sa madilim na lugar na 'to.

And oh, who's Jon? Well, I don't want to give him a description since I'm intended to forget all about him after this night. Kahit pa nga kaklase ko siya sa lahat ng subjects at isa sa mga pinakasikat na senior high student.

Sandali kong pinigilan ang paghinga ko nang dumaan sa mukha ko ang usok ng sigarilyo. A girl passed by and intentionally blew smoke on me and gave me a once-over. Pinalagpas ko ang tingin niya dahil hindi ako ang tipo na mabilis maghamon ng away. I'd rather keep my composure at all times. Maybe the girl was just insecure or something. O kaya naman nagtataka kung bakit naka-school uniform pa 'ko samantalang ang required attire yata sa lugar na 'to ay short shorts and equally short tops. Actually, almost all the girls here wear little pieces of clothing.

Napailing ako. Hindi ako conservative and I know girl fashion pero kung magsusuot siguro ako ng tops na halos mukhang bra na, sigurado hindi ako palalabasin nila Lolo at Rion sa bahay.

But all the female species here are intentionally exposing skins for the equally flirty male species here. And I rolled my eyes again on that.

Nilingon ko ang paligid at wala naman akong ibang makita bukod sa mga grupo ng mga kabataang nandito kundi walang katapusang puno sa ibaba ng mataas na clearing na 'to. This part of the province of Flaviejo is secluded. Mula sa mataas na lugar na ito ay makikita ang buong bayan. Aspaltado ang kalsada pero wala masyadong dumadaan na sasakyan dahil nga ang tinutumbok ng paliko-liko at matarik na kalsada ay mga private resorts na hindi puntahan. Wala kasing poste ng ilaw at ang gilid ay bangin.

But for the people gathered here now, they think it is the best place for drag racing..

Tumayo ako mula sa kotse ni Jon at binalik ang paningin ko sa mga taong nagkakasiyahan. Alcohol was everywhere. May sound system pa na nakalagay sa likod ng pick up truck kaya maingay.

I'm expecting to see Rion, my dear brother here. Hindi ako magugulat kung isa siya sa mga magkakarera mamaya. Suki ng kung anu-anong kalokohan at bisyo ang kapatid kong 'yon simula ng magkaisip. Kaya nga kung saan saang bansa na siya pinatapon ni Lolo. Pero sumuko na yata si Don Marionello na titino pa si Rion kaya ngayong taon lang ay pinabalik na dito at hinayaan na lang na dito tapusin ang High School.

At siguro iyon ang nagtulak sakin na tanggapin ang invitation ni Jon kanina na sumama sa kanya sa lugar na 'to. Maybe I wanted to know what Rion is seeing or getting in places like this. O masyado na 'kong nagsasawa sa routinary schedule ko kaya ako nacu-curious sa mga ganitong bagay?

"You're new here I'm sure."

Nilingon ko ang grupo ng mga babaeng lumapit sa akin. The girl who blew smoke on me a while ago asked me that.

Hindi ko sila pinansin.

"I'm sure she's also dying to be picked by the one who'll win the game." And they all laughed evilly. I even heard someone yelled 'ambitious' to me.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon